tabulas.com

August 20th, 2008

para sa alaala

Posted by poetfreak at 10:19 AM on August 20, 2008 in short verses.

hindi na kita iniisip, ngunit naaalala parin kita.
madalang na tayo magkita at mag-usap.
dahil gusto natin na ganito muna tayo pansamantala.
dahil ito ang mas makabubuti.

namimiss ko yung mga bagay-bagay,
mga bagay na naging daan upang maging ano tayo ngayon.

tulad ng:

mga salitang sa aking mo natutunan
mga taong nakikilala ko ng dahil sa iyo
mga tunog ng gitara na ating pinakinggan
mga palayaw na tinawag natin sa isa't- isa
mga tawanan na tayo lng ang nakakaintindi
mga daan na minsan nating tinahak
mga kuwento na bihagi natin habang kumakain

sa kabila ng lahat
wala akong pinagsisisihan, ni katiting.
dahil naging masaya ako nung kasama kita.
pinaramdam mo sa akin na importante ako,
na may halaga ang bawat sasabihin ko.

at nang makausap kita kahapon,

hindi mo sinasadyang patawanin ako tulad ng dati.
tama ka, nawala na ang hapdi, nawala na ang kirot
pagmamahal nalang ang nagtira,
pagmamahal para sa isang kaibigan..

 **sheet lisuda magtagalog oi.. tsktsktsk wlai jd ko talent..

Add a Comment

Paglaki ko, gusto ko maging...

Posted by staggering at 02:47 AM on August 20, 2008.

Naiinggit ako sa mga estudyanteng kinukuha ang kursong gusto nila at sigurado sila kung ano ang magiging trabaho nila pagkagradweyt.

Ganun ako dati. Kinuha ko ang kursong gusto ko. Sigurado ako kung ano ang gusto kong maging.
Pero pagka-gradweyt ko, parang nawala lahat.

 

Hindi ko na alam kung ano ang gusto kong maging. 

 

 

am i a failure because i am not doing what i'm supposed to be doing?

my college degree is becoming a burden to me

and people (esp. family) are expecting me to become that person that i planned to be.

 

but some plans don't happen.

=(

7 comments

August 19th, 2008

Walk with Love

Posted by GHV2 at 07:06 PM on August 19, 2008.

Nagpunta ako kina Kuyatot kahapon dahil holiday para kay kaniya, at rest day ko naman. After lunch na ako nakapunta dahil nasobrahan ako sa tulog nung umaga sa pag-iistima sa nag-overnight kong godparents (youngest sister ng nanay ko, at ang husband niya).

1

Bagong gupit nga pala si Kuyatot ko! Dahil gusto niya ng new look, nag-request ako na i-try niya na magpa-semikal. Natupad naman ang hiling ko! Hehe. Parang kamukha niya lang si Tolits!

Lumibot lang kami sa baranggay nina Kuyatot. Una, nagtusok-tusok muna kami ng fishball, squidball, at kwek-kwek sa puwesto ni Ate Mitchie. Naubos namin ang 20 pesos na binigay ni Nanay (nanay ni Kuyatot) pang-miryenda namin. Tapos naglakad-lakad na kami. Naghanap kami ng tindahan na may Cheepee, ang paboritong snack ni Kuyatot. Sabi ko sa kaniya, out of stock na ng Cheepee kasi adik na siya dito.

Napansin namin na andaming nagsulputang apartment-for-rent sa lugar nila. Booming ang apartment industry! At nag-decide kami na magandang business ang pagtatayo ng apartment in the near future.

q qq d

Tinungo namin ang dating highschool ni Kuyatot, ang Marcelo H. Del Pilar National High School. Mabait daw na estudyante si Kuyatot. Well, sabi niya lang un. Harharhar...

z dd

Katapat na ng school ang paboritong kainan at tambayan niya noon, ang Dory's Snack Center. Umorder siya ng banana con (na saging con yelo lang pala!). Ako naman, mainit-init na goto.

q11 q

Sinimulan na ni Kuyatot haluin at kainin ang kaniyang banana con...

b a

Ako naman, after three minutes, ubos na ang aking goto!

gg

Pabalik, nadaanan namin ang sports center ng Bulacan. Naikuwento ni Kuyatot na nag-sideline siya noong bata pa siya as pulot boy sa tennis court para dagdag sa pambaon niya. Ansipag talaga ng Kuyatot ko!

ss ff dd ff ss

At parang siga lang si Kuyatot sa lugar nila sa Cofradia. Hahaha!

f fgf f hh g fh

Itinuro niya ung mga bahay ng ilan sa mga naging teacher niya noong high school. Favorite Math teacher niya ang nanay ni Direk Jerry Sineneng. Nagkaroon tuloy ako ng chance na makita ang ancestral house ng magaling na direktor.

Pasado alas-sais na ako nagpaalam para umuwi, pero alas-siyete na ako nakasakay. Nagkuwentuhan pa kasi kami ni Kuyatot habang naghihintay ng jeep. Haha!

Ang saya talaga ng simpleng buhay, lalo't kasama mo ang pinakamamahal mo!

5 comments

isang pagsara, ngayon.

Posted by renewed_eros at 08:12 AM on August 19, 2008.


mas malimit kaysa minsan na ginagawa kong hingahan ang blog sa mga sentiments ko sa aking mga encounters at relasyon. at last, napansin ko rin! na isa lang palang psychological tool ang medium na ito para sa sarili ko. dun ko naisip, tinimbang kung bakit nga ba ako nagsusulat. unfortunately, di ko nagustuhan ang mga sagot ko.

kaya ito ay pamamaalam. at pasasalamat na rin.

ito ang huling seremonyas ko sa pagsara sa may karamihan nang chapters ng buhay ko. 

maraming salamat sa inyo. sa mga karanasan, sa mga alaala, sa mga kagiliwan. mio, israel, jojo, lee, andrew, ang sarap ng may nakasama.

sa pagkakaibigan. johnny, ryan, utoy, gumaan ang buhay dahil sa inyo. at friendship angelito, sa patuloy na paglakbay.

sa buhay, sa pagtula, sa walang kapantay at wagas na puso. xam, katangi-tangi.

sa pagiging ikaw. yuri, sa panaginip kong minsan nagka-totoo, sa pagpakita ng dahilan upang mabuhay pa, sa pagiging busilak, sa lahat lahat na pwede kong maisip na kagandahan. salamat, salamat.

isang pagsara, ngayon.

upang bukas, magkaroon na ng kahulugan ang bawat salitang naisusulat. hindi lamang para sa sarili.

salamat sa buhay, Lord. sa pag-ibig. salamat.

1 comments

August 17th, 2008

Our Love for Glove Doves: A Success!

Posted by GHV2 at 05:07 PM on August 17, 2008.

Successful ang lecture ni Sir Paolo Manalo kahapon. In cooperation ito ng Pinoypoets at ng Filipinas Heritage Library.

1 2 3 4 6

Aliw si Sir Paolo, napaka-down-to-earth kahit sikat na. Never nagbago ang pagtingin niya sa amin kahit apat na taon na ang nakakaraan nung nag-panel siya sa first poetry workshop ng Pinoypoets. Kalog talaga siyang tao! Nagkaroon ako ng chance na usisain ang kaniyang pakikipagsapalaran sa University of St. Andrews sa Scotland. Mabuti medyo nakapag-research ako ng kaunti. Hehe.

e

At ang ganda sa Filipinas Heritage Library! Sobrang ginaw pa sa loob (or sa Filipiniana section lang?). Sayang lang kasi di namin masyado na-explore ang lugar, ang mga libro sa shelves. Natagpuan pa namin ang pusa ni Miss Conchitina Cruz...

w g

Malaman ang ibinahaging panayam ni Sir Paolo tungkol sa paraan ng pagra-rhyme ng mga naunang Filipinong manunulat sa Ingles. Nagbigay siya ng mga halimbawa, katulad nina JF Sinukuan, Angela Manalang Gloria, Jose Garcia Villa. (Sana makuha namin ang transcript mula kay Ronald Lim ng Manila Bulletin, para ma-post sa Pinoypoets Yahoogroup.)

s gg

Nakilala pa namin si Paulo mula sa San Beda - Alabang. Aabangan namin ang pagsali ng bagets na ito sa grupo. Welcome, Paulo!

a gg ff

Sa Cafe Bola kami tumuloy for dinner. Medyo pricey pero keri na din.

cafe c ggg k

Then relax-relax sa katabing Oody's. Sumunod si Siquey mula sa kung saan. Me photo session kami sa Oody's with the pandan-and-tanglad ensemble. Taray, parang Miss U lang sa Vietnam!

q

Si Sir Paolo muna!

a

Tapos si Xam!

f

Si Emong!

f

Si Tito Rolly!

a

At siyempre, ang inyong lingkod.

 

 

***

Marami pang larawan dito.

3 comments

goodbye PS.

Posted by kinkybuta at 10:29 AM on August 17, 2008.

It's official.

After 2 years of my service with PS, I officially resigned from my job. It was kinda hard, yes. No matter how many assholes I have encountered in my stay there with PS, it's still hard. 2 years is quite long.

I have accepeted another CSR job in another call center located in RCBC. Haha. You'll find out sooner or later what the hell is the call center I have transferred into. (clue: the customers just ask for numbers) The salary is like that of PS, it's just the work is totally different.

I'm glad I got hired...again. If it took a long time...some assholes are gonna pay for this.

1 comments

lumang tula sa desktop na ni-edit ko knna

Posted by soulfly at 09:07 AM on August 17, 2008.

Tagulaylay ni Mary McNeely
 
"To love is to find your own soul
Through the soul of the beloved one."
-Mary McNeely, Spoon River Anthology
 
 
Isa na namang istropa ng pahinungod.
Isa na namang pagtiklop ng tuhod:
pagmamanikluhod sa altar ng nakaraan.
Unti-unting sinasamsam ng mga anay
ang aking mga sulat na aking isinilid
sa kahon ng habonera sa ilalim ng kama.
Kung maaaari nga lamang maglakbay
ang mga anay papunta sa aking sinisinta
para ibulong sa kaniya ang aking panambitan.
Kung maibubulong lamang ng hangin
na tumatangay sa tiwarik na puso ng kandilang
itinirik ko sa tapat ng pasimano ng bintana
habang tinitipa ko ang aking mga tula
sa alanganing-dilim, alanganing-liwanag.
Kung maaari nga lamang niyang malaman
na aking hinahanap ang kaniyang kaluluwa
sa mga tambad na sulok ng kaniyang katawan
baka pumayag na siyang ipantakip
ang kapiraso ng kaniya sa butas ng sa akin.

2 comments

August 16th, 2008

sorrow and regret

Posted by soulfly at 07:58 PM on August 16, 2008.

Out of stock ang Fit ' Right Four Seasons sa grocery sa mega!! Ahahaha! Nagpa-panic buying na ba ang mga madyubis?

Samantala, nakalulungkot ang balita na may leukemia si Francis Magalona. Minsan talaga ang buhay parang sugal. Hindi mo alam kung sino ang sasalantain ng karamdaman.

Nga pala, lumabas ang apat na tula ko sa GRAPHIC August 18 issue. Kahapon ko lang nalaman. Ang tagal magpalit ng copies ng National Bookstore. Tsk. Kilala na ata ako ng counter at gwardya dun. 

Idol ko si Stevie Wonder pero parang tanga siya dito:

wonder.jpg picture by makoydakuykoy

At, oo, sentimental ang Naruto kaya gusto ko sya. Love, family, and friendship. Paanong hindi ka magkukutkot ng pagpapahalaga sa relasyon. Kaya eto, ni-upload ko ang dalawang emo na OST ng Naruto. Iyak muna..

Bawal pa rin ba ang ilang blogs sa China [Golden Shield Project o Great Firewall of China] tulad ng blogspot at wordpress? At least unblocked na ang youtube kaya pwede na nila mapanuod ang kanilang opening ceremony. Mga slides nga lang. haha! Buti na lang me napanuoran ako dito. Kumusta naman ang Beijing Olympics ba't walang act of terror tulad noong nangyari sa 1972 Munich Olympics?

At, oo, kumita na naman ng limpak-limpak ang pamilyang Arroyo sa gyera sa Mindanao. Bakit hindi na galit sa kanya si Luli?

10 comments

« Newer | »