Si Francisco Arias Monteseña ay ipinanganak sa Majayjay Laguna. Siya ay isang Accountant sa isang pribadong kumpanya sa Makati City. Sa ngayon, siya ay aktibong kasapi ng LIRA, Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo . Siya ay naging fellow sa 8th UST National Writers’ Workshop, sa 8th Ateneo natl Writers Workshop at sa UP Likhaan Performance Poetry Workshop na itinaguyod ng British Council. Ang kaniyang maikling kuwentong pambata ay nanalo ng 1st prize sa 2007 Gawad Komisyon Sa Wikang Filipino. Nagkamit din siya ng karangalang banggit sa 2008 Gawad Komisyon sa Tula-Gantimpalang Collantes. Makikita ang ilan niyang mga likha sa mga piling antolohiya ng UP Likhaan at iba pa. Kasalukuyan siyang abala sa pagsulat ng ilang kuwentong pambata ayon sa mga personal niyang karanasan. Nasa balakin din niya ang makapaglabas ng unang aklat ng mga tula.