diona
Posted by kikomontesena at 03:11 PM on September 3, 2010.
Pag-ibig kung kumupas,
Dalahi’y sakdal bigat,
Buhatin sa balikat.
Pananalig
Lumambong man ang dilim,
Sa dasal na taimtim,
Hirap kayang tawirin.
Tiis
Magdildil man ng asin,
Dal’wang subo mang kanin,
Ulam pa ri’y dalangin.
Panahon
Sa mga dahong dagdag
At araw na lagalag,
Pag-asa’y nagmamatyag.
Sipag
Gayahin mo ang langgam,
Sa araw mang malamlam,
Walang gutom na ramdam.
Busilak
Ang puso kapag bukal
Ng pag-ibig at dasal,
Nagiilaw ang dangal.
Imbi
Ang lunod sa delusyon
Na s’ya ang Panginoon,
Apoy ang destinasyon.
Kimi
Kung damdami’y di hayag,
Anuman ang ihatag,
Bugtong pa rin ang lahat.
Baybay
Kabataang jejemon,
Titik ay nilalamon,
Wika ay nalalason.
Add a Comment
