Napanood ko ang 2 pelikulang kasali sa Eiga Sai, ang Always, Sunset on Third Street at ang anime film na Mind Game. Next in line ko Tony Takinaki. Natuwa ako sa unang pelikula dahil sa mahusay na istorya at karakter plus the message of hope kasabay ng pagtindig ng Tokyo tower bilanng simbolo ng recovered Japan pagkatapos ng digmaan. Ang Mind Game naman ay isang visual entertainment ngunit seryoso ang mensahe. May mga bible inspired na mga eksena pa nga dito kahit na medyo may mga bayolenteng parte. Its all about having second chance sa buhay. At ang pangatlo ay halaw sa nobela ni Murakami kaya naging interesante siya sa akin.
May problema ako sa office at eto kailangan na namang magdecide kung magreresign o hindi for the nth time.
Nakakatuwa talaga ang mga kapatid ko n na patuloy na nagrereto sa akin ng mga babaeng pwede kong maging asawa na kesyo matanda na daw ang nanay ko at naaawa sila sa akin kung sakali man. Para banng nagsusubo lamang sila ng kendi o nagbibigay ng laruan sa akin. Sa sarili ko, enjoy ko ang pag-iisa. Hindi ko na pinoproblema ngayon kung magkaasawa man ako o hindi. Hindi malaking bagay para sa akin ito. Hindi ko na nga nakikita ang sarili ko na may kasama sa buhay, sa dami naming magkakapatid, ilan din naman sa kanila ang hindi nagging masaya sa pagaasawa kaya hiwalay na ngayon. Isa pa, may takot akong maging katulad ng tatay ko. Kaugali pa raw naman niya ako sa temperamento. Kuntento na ako sa buhay ko, sana makita nila ito.
soulfly
