June 29th, 2009

letters and choices

Nakakapagsulat pa rin naman ako kahit paano, pinipilit pilipitin ang Musa para may maisulat. Ang resulta, nakapagsumite na ako ng 2 tula at isang maikling kuwento para sa ANI 35 (Asian Culture), nakapagsumite na rin ako ng lahok para sa Tulaan sa tren 2 ( 200 words), ng 2 tula para sa PCSO 75 anniversary. Di man ako manalo o masali sa mga ito, nakapagsulat naman ako at di tuluyang nananamlay. Di ko rin mapanay-panay ang pagbabantay sa LIRA sessions dahil may mga personal na bagay na kailangan asikasuhin. Dalawang lingo akong walang kasama sa bahay dahil inalagaan muna ng nanay ko ang tatay ko sa probinsya, nagkasakit kasi. Kaya pag sabado lamang ang oras ng paglilinis at paglalaba. Nagkasakit ulit ako dahil sa stress sa trabaho. Tuwing magsasabi naman ako na magreresign na ay naglilitanya ang utak ko ng mga babayarin ko buwan-buwan. Eniwey, nakakasurvive pa rin naman ako kahit nakakasawa na ang napakahabang byahe from Makati to Antipolo at vice-versa, ang paggising ng alas kwatro y medya sa umaga, ang nakakabagot na lagay sa opisina.

Pero ganyan talaga, may choice naman palagi. Magresign pero walang laman ang bulsa, o manatili, pero stress lagi

J

 

Posted by kikomontesena at 03:23 PM | 1 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on July 1st, 2009 at 06:14 AM
yeah. there are always choices. :)