May 5th, 2009

Kung anu-ano

Lahat ng sakit ko last year ay bumalik ngayon, parang mga kaibigang ayaw akong tantanan, lumilingon kahit di ko kailangan. Lahat sila, nakangising bumabalot muli sa katawan ko. Ganito yata talaga kapag tumatanda na. SAbi ng doktor ko Obese class 1 daw ako at kailangang magbawas ng timbang at magdyeta, susme eh di ko yata kayang di kumain pagkagaling sa office. Ang haba ng byahe ko araw-araw kaya pagdating ng bahay gutom talaga ako.

Naglie-low ako sa pagsusulat, ang trabaho ko muna ang priorities ko. Wala akong kasama ngayon dahil nagrereview for CPA board exam next week. Kaya akin lahat ng trabaho ngayon.

Nasa coma daw ngayon ang peborit kong auntie, na youngest sister ng mother ko. Matagal na siyang nakatali sa wheelchair at di na halos makapagsalita. Malungkot ang nanay ko, magkasunod kasi sila.

Bday ng peborit kong ate Puyan yesterday, pero isinugod naman niya ang husband niya sa ospital dahil sa Pneumonia, inalisan ng tubig sa baga, kaya ang ate ko ay sa ospital nagbday.

Nakapagrelax ako last weekend dahil nagouting kami sa Villa Cristina, at dahil laban ni Pacquiao, di gaanong crowded ang mga pools. napanood din naman namin ang laban sa tv sa cafe na nasa loob ng resort.

 

 

 

Posted by kikomontesena at 10:39 AM | 2 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on May 6th, 2009 at 09:28 AM
naku nacoma wawa nmn..

ayusin mo health mo.. hehe.. parang hndi ako..
Comment posted on May 6th, 2009 at 10:50 AM
salamat makoy