Entries for May, 2009

May 5th, 2009

Kung anu-ano

Lahat ng sakit ko last year ay bumalik ngayon, parang mga kaibigang ayaw akong tantanan, lumilingon kahit di ko kailangan. Lahat sila, nakangising bumabalot muli sa katawan ko. Ganito yata talaga kapag tumatanda na. SAbi ng doktor ko Obese class 1 daw ako at kailangang magbawas ng timbang at magdyeta, susme eh di ko yata kayang di kumain pagkagaling sa office. Ang haba ng byahe ko araw-araw kaya pagdating ng bahay gutom talaga ako.

Naglie-low ako sa pagsusulat, ang trabaho ko muna ang priorities ko. Wala akong kasama ngayon dahil nagrereview for CPA board exam next week. Kaya akin lahat ng trabaho ngayon.

Nasa coma daw ngayon ang peborit kong auntie, na youngest sister ng mother ko. Matagal na siyang nakatali sa wheelchair at di na halos makapagsalita. Malungkot ang nanay ko, magkasunod kasi sila.

Bday ng peborit kong ate Puyan yesterday, pero isinugod naman niya ang husband niya sa ospital dahil sa Pneumonia, inalisan ng tubig sa baga, kaya ang ate ko ay sa ospital nagbday.

Nakapagrelax ako last weekend dahil nagouting kami sa Villa Cristina, at dahil laban ni Pacquiao, di gaanong crowded ang mga pools. napanood din naman namin ang laban sa tv sa cafe na nasa loob ng resort.

 

 

 

Posted by kikomontesena at 10:39 AM | 2 comments

May 18th, 2009

libreng panayam

 

Klinikang pampanulaan ng LIRA, bubuksan ng libreng panayam

Magsisimula sa Hunyo 6, 2009 (Sabado) taunang klinikang pampanulaan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).  Bubuksan ito ng isang panayam mula sa Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang makatang Rio Alma. Ang panayam, "Reklamasyon sa Pambansang Gunita" ay magsisimula nang 9:00 ng umaga sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman. Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko.

Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay Ynna Abuan sa numerong 0917-9017090 o bisitahin ang kanilang website, http://www.liraonli ne.org.

Simula pa noong 1985 idinadaraos ng LIRA ang kanilang taunang klinika na nagsasagawa ng mga panayam at palihang tumatalakay sa iba't ibang aspekto ng tula. Kasama sa samahan ang ilan sa mga kilalang makata tulad nila Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto at Rebecca Añonuevo, Vim Nadera, Edgar Samar, Maningning Miclat, at Romulo Baquiran, Jr.

 

Free lecture opens LIRA poetry clinic

On June 6, 2009 (Saturday), the annual poetry clinic of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will begin with a lecture by National Artist for Literature Virgilio S. Almario, also knows as poet Rio Alma.  The lecture entitled "Reklamasyon sa Pambansang Gunita" will be held at 9:00 AM in Room 201 of the College of Arts and Letters in UP Diliman. The lecture is free and open to the public.

For more details, contact Ynna Abuan through 0917- 9017090, or visit their website at www.liraonline. org.

The LIRA poetry clinic has been held yearly since 1985, featuring lectures and workshops focusing on the different aspects of poetry.  The group has among its members noted and respected poets such as Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto and Rebecca Añonuevo, Vim Nadera, Edgar Samar, Maningning Miclat, and Romulo Baquiran, Jr.

Posted by kikomontesena at 04:40 PM | Add a Comment

May 27th, 2009

Bday, healing, lira at iba pa

nag birthday si inay noong may 22 at masayang naidaos sa bahay ang mini-party niya, nagdatingan ang mga kapatid kong babae at nagkaroon ng mini ballroom  sa sala ng bahay ko, may invited kasing DI kaya hayun tuwang-tuwa ang matanda. 81 na si Inay at malakas pa, maliksi, at matalasa ang isip, salamat sa Diyos. Yun nga lamang madalas na may high blood kaparehas ko.

----

nagtungo kami ng Lucban Quezon noong Monday para umattend sa healing session ni Father Joey Faller, the healing priest. Inakyat ko ang almost 300 steps na grotto, at wala pa ako sa ikatlong bahagi ay nahilo na ako, pero pinilit kong umakyat sa tuktok, sakripisyo na rin, para sa hiling na paggaling.

-------

magbubukas na naman ang LIRA sa june 6, at bilang opisyales kailangang maibahagi ko ang malaking oras para dito. Ewan kung kayanin ng kalusugan ko.

Eto ang bagong membership rules ng lira mula sa email ni Phillip Kimpo:

I. Accreditation System


- Bagong membership requirements:

Required limang attendances per year para sa active members. Php150 membership fee kada taon. Sisimulan ang pangongolekta para sa 2009 sa Hunyo 6, unang araw ng LIRA Workshop.


II. "Ikaapat na Bagting" (4th LIRA Poetry Book)



III. Atbp.

A. Bibigyan ng honorary memberships sina sir Teo, Fidel, at Marne (tatanungin muna sila kung gusto nila)

B. ULIRAT
- matagal nawala at kasalukuyang ginagawa ang bagong isyu

C. LIRA ID & Members' Profiles (for Website)

D. STS 2010
E. MA class sa LIRA?
F. Committee

heto pa:

 Libro ng LIRA bilang organisasyon, ihahabol sa 2010 (25th anniversary) .  

 

***ang buong detalye ay nasa LIRA yahoogroup mula sa email ng pangulong si Phillip Kimpo***

Posted by kikomontesena at 11:15 AM | 5 comments