Entries for March, 2009

March 2nd, 2009

LIRA, accepting sign-ups for this year's poetry clinic

LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data , ID picture, contact numbers, and five (5) poems in Filipino, to palihan@liraonline. org . An envelope containing the requirements may also be dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2008.

The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM. Classes will continue until December.

Celebrating its 24th anniversary this 2009, LIRA is an organization of poets in Filipino. It was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985 and counts among its members award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar.

For more information about LIRA, visit www.liraonline. org .

Posted by kikomontesena at 02:15 PM | 2 comments

March 6th, 2009

Bagong tula

Sa Lalaking May Apat Na Utong

 

 

Palagi mong sinasalat ang dibdib.

Wari bang kayang itago sa palad

ang hindi kayang ibilad – apat sila,

hindi dalawa, na mayabang

sa pagkabuyangyang.

Tumitingkad sa pagbayo ng dibdib

ang hiya, ang takot, ang tanong.

Bakit hindi naging dalawa

gayung hindi ka naman

tulad ng baka, baka parusa?

 

Marahil, ang himagsik sa loob

ay kandili ng hayop na tumubo

sa katawan, pinagtatawanan.

Kaya’t malaon mo nang

itinago ang hindi na mailihim.

Tiyak namang hindi masusupil

ang kaibahan. Kung ito ay tatak

ng dangal, walang kailangang umangal.

Walang palalong dapat manumbat

sa tumubong apat. Walang dapat

pumangalawa na dapat ay dalawa.

Dahil walang kakatwa sa sariling

buo ang pagtanggap sa hiwaga.

 

3/6/09

 

 

 

Posted by kikomontesena at 04:36 PM | Add a Comment

March 18th, 2009

tula: bugtong

Bugtong

 

Ganito natin gawin ang di masabi. Hahatakin kitang maglatag ng palaisipan at sabug-sabog man sa simula’t may takot ang pagtangan sa mga piraso, batid kong nakatunghay ka habang ako’y nagbubuo. Naghihintay ng pagkilos kahit hindi ka magturo ng kung ano ang una, ang kasunod at ang susunod pa.

 

Kayhirap talagang magsimula, lalo na nga’t hindi natin naiintindihan kung bakit kailangang magbuo buhat sa wala, tagpi-tagping tagpo. 

 

Alin kaya ang uunahing balikan, ang uunahing hawakan? Maaari naman marahil magsimula sa gitna, bakit hindi? Ngunit sa gitna’y nakalulunod ang paglangoy sa di tiyak. Kahit pa alam kong nasa tabi ka lamang. Kanina, noong umpisa, may aandap –andap na bombilya. At ang liwanag niya’y pumapaligo sa silid, itong silid na nagkukulong sa iyo, sa akin at sa palaisipan. At walang pumupuno sa paligid kung hindi tanong: saan? kailan? tama kaya? baka mali? Lahat ay walang katiyakan.

 

May alinlangan ang iyong titig sa akin, hindi yata iyan ang tamang hugis. Ito ang gusto ko, ang wari’y timpla ng utak, ang pintig na tiyak. Ngunit may lamlam ang iyong pag-sangayon kaya’t namalagi ang takot. May kulang sa katiyakan, hindi talaga ito. Ngunit iyan ang nais mo. Napilitan ako dahil sa tumatakbong inip. Pinilit  isiniping ang ibang hugis. Kaya’t nagkaroon ng patlang sa mga pagitan. May puwang sa di angkop. Kailangan mo akong tulungan.

 

Siguro ay kailangan natin ng kaunting hangin. Ibukas ko kaya ang bintana? At mag-umpisang muli sa pagwasak sa hindi mabuo. Dalawang pares ng kamay marahil ang nais ng sahig na maglatag sa kaniya ng libong piraso ng palaisipan. Siguro ay mali ang salat, ang dampi ng balat sa hindi kilala at kailangang magkapangalan ang bawat paghahanap. Hanggat hindi pa tayo nagiging bihag ng di mabuo, siguro ay wastong huminto.

 

3/17/09

Posted by kikomontesena at 03:24 PM | 1 comments