February 4th, 2009
Dalawang tulang pang Pebrero
Haplos
Magaang ang kamay mong humahagod sa buhok ng katabi. Habang nakaratay siya’t umuusal ng mga tagabulin. Sa wari’y nakagagaan ng loob niya ang marahang pagdampi ng palad sa ulo, umaalo sa napipintong paglisan. Paano pawawalan ang usbong na bahala? Tumindig ka palapit sa bintana at naiwan ang kaniyang katawang kanina lamang ay nilalambing. Nagsasatubig ang oras, at hindi mo mapigil sa palad ang agos. Ngunit ito ay isang paglalanggas, paghuhugas sa sakit bago bitawan ang totoo, ang tamang iniaakma sa ngayon. Ipininid na niya ang kaniyang mga mata habang mulagat ka namang nagpapasya – pakakawalan ba kita? Wari’y nananalangin ang tahimik na paligid, taimtim. Natuklap na ang langib ng sugatang pananalig, harinawa’y kilikin siya ng aking pag-ibig sa piling ng hangad na payapa. Mula doon ay nakita mo ang sumisilip na liwanag, habang nagsisimulang mamuo sa mata ang lumbay. Aywan kung bakit kahit anong haba ng pinagsamahan, nauuwi din sa paglisan. May mas nauunang isa saka nabubuo ang sagwil sa pangako. Marahil sasabihing masaya nga at muli tayong magiging malaya. Maaari, ngunit higit na nakapangyayari ang sakit sa naiiwan. Nagsasapaslit tayong humihingi ng init ng dibdib, upang muli’t muli ay maging banayad ang hinihintay na pagdatal ng nakagawiang haplos.
First Ni Francisco Montesena, 6/19/06 sa first love, first sight, first kiss at kung anu-ano pang first? Wala naman sigurong masama kung ang minahal mo at nagmahal sa iyo ay pangalawa o pang-sampu. Silang mga nagdaan at naglaan ng pag-ibig sa isang payak na tulad mo. Isa na rin namang malaking kayamanan kung manalo ka ng second o third prize sa lotto di ba? O pasahan ng iyong mayamang pinsan ng pinagsawaan niya ngunit signature na lonta. Ganyan din naman sa pag-ibig. Hindi mo na susuriin kung ikaw ang una o naka-una basta nakajackpot ka kung sagutin ka niya. Eh! usong-uso nga ngayon ang ukay-ukay; Pagpapatunay na , second hand man, o third o fourth hand, may mapipili ka pa ring mapapakinabangan mo sa mahabang panahon. At kung sawa ka na, hindi ka manghihinayang na itapon. Kung sinusuwerte nga, kahit sa ukay, may mapipili ka pang brand new at may tag price. Madalas, hindi ka na rin mag-iisip kung maydala bang sakit, kesehodang may meningo pa ang ukay-ukay mong napili. Pareho rin yan sa pag-ibig, kahit saan pang pusali ang napili mong kasamahin, may espasyo pa rin sa pagbabago. sa pag-aasawa kahit pa sa beerhouse lang nila nakilala. Ang iba ay nagulat nang sa una nilang pagsiping, sila pa rin pala ang nakauna. Yan ang totoong jackpot.
