Entries for January, 2009

January 6th, 2009

Paratang

Nagtext ang ka-Lirang si Phillip Kimpo Jr. upang humingi ng tulong na ipakalat ang sipi mula sa artikulong lumabas sa phil star tungkol sa isang maling paratang sa kaniyang ama. Nasa baba ang isang bahagi ng kaniyang liham sa pahayagan at sa sumulat. Walang ibang nakakikilala sa pinanggalingang dugo kundi ang dugo niya mismo. Isang kahanga-hangang pagtatanggol ng anak sa ama:

 

For the record: my father NEVER received any bribe money for the "Alabang Boys" case. In fact, he has NEVER received any bribe money in his entire career. If he did, we would now be wallowing in wealth instead of driving an old car and renting an apartment unit. Kahit tingnan pa nila ang laman ng mga bank account namin, wala silang makikita. We have nothing to hide. Even my dad's fellow public servants at the DOJ know of his incorruptible character. While we haven't exactly lived a hand-to-mouth existence, we have followed a modest life all these years. It is very heart-wrenching to see all our sacrifices tarnished by false allegations. I never imagined that one day, I would be a writing a letter such as this. At the risk of getting soppy, there was a time in my childhood days when our apartment unit was the only one along the street that was lit by candles. (Unpaid electricity bills.) There was a time when we had to settle for Maggi-and-egg dinners, on loan from the nearby sari-sari store. Nililista lang, walang pambayad e. There was a time when my only entertainment were books and radyo-nobelas, because we had no money to fix or replace our broken TV. (Of course, these problems do not compare to the poverty experienced by millions of Filipinos, but these are problems you wouldn't expect to find in the homes of people of high position.) If my dad wanted to give me a more comfortable life through unethical deeds, he would've already done it back then. But he stuck to his principles, principles I dearly believe in and espouse through my literary works. Our financial situation only took a turn for the better when I became a scholar in the Philippine Science High School, which was followed by UP Diliman. The free tuition took a lot of the burden off the shoulders of my father. Even in UP, I worked as a Student Assistant, carrying computers despite my asthma, so I can chip in my meager Php 2,500 monthly salary to our finances. I am currently working at home as a freelance Internet writer while finishing my first book. Now, because I'm able to help with the bills, the belts around our waists aren't as tight as before...which is another reason why my father does not need extra money obtained deeply against his values. Who needs millions when you can have a peaceful, guilt-free life? We rent an apartment unit in Galas, Quezon City, and this is the only home I've known in my whole life. Our car is an old, dented, second-hand Mitsubishi Lancer whose headlights are nearly falling off their sockets and whose paint is cracked and flaking. We have stuck with this car because we don't have the luxury to buy a new one, and also because why would we? It's not a necessity to have a great car. Our old Lancer, while a tad embarrassing to ride in, suits our needs just fine. We don't feel the pressure to have a shiny model to park side by side with other government officials' more grandiose cars. (If you have doubts about this tale of mine, I will gladly meet you so I can 'tour' you around our apartment unit and show you our car. My contact details are at this letter's end. My main website is also there; my life is kind of an open book in my online journals.) To be honest, I am not expecting a response from you -- after all, who am I to elicit a reply from one of the country's top columnists? Still, I am hoping that my letter will somehow urge you to take a second look at your views upon the matter, and that you will share this with your many readers. Yes, people, there are honest prosecutors in the Philippines. Hopefully, your column will be a medium with which to spread that message. Sir, you too are a son like me, so you understand my pain and my personal intentions. As a journalist, you have championed the truth for years probably longer than my young lifetime. We are both writers. I was a campus journalist. I also believe in the truth, and I pray that it will come out soon so that my dad and I can go back to living a simple -- and quiet -- life. Thank you very much for your time. May God bless you.

Posted by kikomontesena at 07:30 AM | 1 comments

January 9th, 2009

Diwata

Nagtext kagabi ang kalalawigan, kaibigan, kalirang si Prof Egay Samar para sa isang imbitasyon. I lau-launch ang kaniyang bagong libro para sa nobelang "Walong Diwata Ng Pagkahulog."

nasa baba ang bahagi ng imbitasyon mula sa kaniyang blog. ang sabi niya kasi ay ibalita kaya eto:

 

The book,  is now posted on the Anvil website, and the Kagawaran ng Filipino and AILAP are going to launch it in Ateneo on January 27, Tuesday, 4:30 PM at the SocSci Conference Rooms 1 & 2. Jun Cruz Reyes, who incidentally wrote the blurb, will come to give a few words about the novel (in short: he'll help me sell the book ha ha). If you're free on that day, I'd be very happy to see you. It's still three weeks from now, so please mark your calendar. :p Kitakits.

Posted by kikomontesena at 08:06 AM | 1 comments

Tula

Mariskal

Ni Kiko Arias Monteseña 1/9/09

 

1

Ito ay tungkol sa musmos

na walang pagdalos na nag-alay

sa altar ng bangkay.

Hangad niya ito noon pa,

ang lumutang sa gitna

ng mga pangalan,

ang hindi malula

sa taas ng pupuntahan.

Batid niya na bago makamit ang hiling

may dapat datnan ang pag-aalay,

may dapat tumanggap ng ibinibigay.

Tinanong niya ang sarili

kung sapat na ba ang isang bangkay.

Dahil kaya pa niyang pumatay

ng walang pagaatubili

at pagmistulahing tupa

ang lahat ng sa dambana’y ikukulay.

Kung nais naman

ay uunahin niyang sunugin

ang mga balahibo,

hanggang sumabog ang aroma

na lilipad sa nagtatagong kaharian

na kaniyang pintuho. Magagawa niya ito.

Dahil walang musmos

Sa sinumang matayog

ang niluluhog.

 

2

Ito ay tungkol sa bata

na noon ay nangarap.

At ngayon nga’y puno ng hukbo

ng mga hinangad.

Kaysarap wari niya na matamasa

ang hindi inaakala.

Siyang sumahod

sa basbas ng pagpupuri,

Walang katapusan ngayon

ang masaganang ani.

Marahil hindi nawala sa itaas

ang amoy ng inialay.

O sadyang mas matining

ang kulay ng dugo na di natutuyo

sa dambanang pinagpurihan.

 

3

Ito ay tungkol sa bangkay.

Siyang inialay sa ngalan

ng paghahangad.

Batid niya ang lahat.

At kusa niyang inihandog

ang sarili sa anak.

Kung ito ang dapat mangyari

ay mangyayari.

Sino siyang hahadlang sa

piniling hakbang

ng binhing liyag?

Hinawakan niya

ang bantulot

na kamay ng anak

sa pagtarak ng talim sa laman.

Wala siyang sakit

na naramdaman.

Sa nanlalabong mata’y malinaw

sa kaniyang malay ang anyo

ng isang matikas na pinuno

na walang alinlangan

niyang pinag-alayan

ng sariling dugo.

 

 

Mariskal- mataas ng pinuno ng isang hukbo.

 

Posted by kikomontesena at 04:40 PM | Add a Comment

January 14th, 2009

Si Benjamin at iba pa

Literal sa pelikulang Benjamin Button ang kasabihan nating mga Pinoy na “tumatanda kang paurong.” Very engaging ang pelikula dahil sa cinematic effect ng pagtanda at pagbabalik sa pagiging bata ni Brad Pitt. At sulit ang ibabayad sa sinehan dahil lagpas yata sa 2 oras ang haba ng pelikula. Na hindi naman kainip-inip dahil sa ganda ng daloy ng istorya. Naisip ko, kung ganito ang takbo ng buhay ng tao, na isisilang tayong matanda at mamamatay ng bata, may pagkakaiba kaya ang lahat ng bagay na kakatagpuin natin sa ating pamumuhay?

 

Pilit naman para  sa akin ang acting ni Will Smith sa pelikulang Seven Pounds. Parang nakatatak sa isip niya na kailangan niyang manalo ng award dito kaya hindi ko naramdaman ang sincerity ng pagluha niya sa maraming eksenang kinakailangan niyang umiyak. May mga eksenang ang haba-haba at nakakainip ngunit engrossing naman ang plot ng istorya. Naisip ko tuloy maging organ donor din para naman kung sakaling mamatay ako eh hindi basta na lamang pakinabangan ng uod ang aking katawan. Baka may buhay pa akong madugtungan.

 

Maayos na naidaos ang deliberation para sa mga tatanggaping LIRA fellows. Napagkasunduang walang ilalabas na leakage para hindi mapre-empt ang gagawing exit interview sa susunod na lingo. Masaya naman ako sa resulta, bagamat malungkot din ng konti. Nakasama din ako sa meeting ng Pinoypoets tungkol sa mga activities para sa 5th anniversary ng grupo. Dito ako nagsimulang magseryoso sa pagsusulat at marami akong naging kaibigan sa grupong ito kaya may pitak talaga ang PP sa dibdib ko.

 

Marami na naman kaming nararamdaman ng nanay ko sa bahay ko particularly sa kwarto ko. Hindi maipaliwanag na mga pagkawala ng mga bagay at biglang lilitaw, mga yabag, minsan ay tinig na kahawig ng mga mahal sa buhay. Ilang beses nang pinausukan, dinasalan ang buong bahay ko, tatahimik sandali pero sila’y nagbabalik. Minsan ay din a ako nagpapatay ng ilaw pagtulog, gabi-gabi ay dumadalaw sila sa aking panaginip na humahantong sa bangungot, minsan ay mga bulong kahit gising ako at nanonood ng TV, minsan naman ay magkukuwento ang nanay ko na nakita daw niya akong umakyat ng hagdan gayong bago pa lamang akong papasok ng pinto ng bahay. Minsan halos magkasunod kaming sumisigaw sa gabi ng nanay ko dala ng bangungot.

 

 

 

Posted by kikomontesena at 04:32 PM | 1 comments

January 21st, 2009

Salamisim

Salamisim

ni Francisco Arias Monteseña, 1/21/09 

 

 

Ang huling tagpo sa mukha ng sapot,

Gumuguhit sa mga sulok.

Pagkainip sa paghihintay

sa mga nasang panaginip.

Sa dilim kumakapal ang pagbubulay-bulay.

Hinampo sa dumaraang oras, kaybagal-bagal.

Panay ang tudyo ng dingding sa kisame,

Marikit na palamuti ang amos sa iyong pisngi.

Walang magagawa. Nararahuyo sa itaas

ang mga pangarap, naghihintay

sa makukulong na katuparan.

May aliw-iw sa mata ng agiw.

Bumabasag sa tahimik na silid;

Parine kayo’t pumasyal sa dating pinaglaruan,

ang tinig na maririnig sa kupas na paligid.

May pusyaw ang mga alaala.

 

 

Pangitain wari ang pagsindi ng ilaw sa gasera.

Pagbangon sa pagkagupiling, paglalaho

Ng mga salipawpaw na hiwa sa balat.

Nandoon ka, hawak ang ilawan, nagbabalik

Sa kinasasabikan. Ilang taon na ba?

Layak kang nahulog sa sanga at tinangay

Ng amihan sa kungsaan. Ngunit dito

at dito rin ang kinasumpungan.

 

 

Kahit kailan, hindi naiiwasang magtagpo

Bawat dulo – walang patlang bawat pagitan.

Kinukupkop ng daratnan ang sinumang nagpapasakop.

Paghulagpos sa bigat ng nakaraan.

 

Mahaba pa ang oras sa pag-aalis ng agiw.

 

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 04:13 PM | Add a Comment

January 26th, 2009

Mga Bali-balita

 

Mula sa LIRA:
Naganap ang deliberasyon ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo noong ika-11 ng Enero, 2009.  Dumalo rito ang mahigit sa labinlimang kasapi upang mapag-usapan ang mga gawa at sigasig ng halos dalawampung fellows.

Pagkatapos ng maghapon na usapan, napagkasunduan ng kasapian na magkakaroon ito ng labing-isang bagong kasapi: sina Gigi Constantino at Sheila del Mundo bilang mga probationary member, at sina Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, at Ryan Tanauan bilang mga ganap na kasapi. Magaganap ang panunumpa ng mga bagong kasapi sa Marso, 2009.  

Sa taong ito ng klinikang pampanulaan nakapagtala ang LIRA ng pinakamaraming nakapagtapos, gayundin ng pinakamaraming kasapi.  Dalawampu't apat nang taon ang LIRA ngayong 2009.  

Para sa katanungan tungkol sa organisasyon, maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan@liraonline .org.  Upang makakalap ng impormasyon ukol sa sunod na klinika, makipag-ugnayan sa palihan@liraonline. org.
----------------------
Personal:
*Ang hirap maghanap ng regalong Ben-Q na hiling ng pamangkin kong nagbday noong Sunday. Ipinaghanda namin sa bahay ng konting salu-salo para naman masiyahan ang bata.
**Nalilibang akong mag-alaga sa apo ko sa pamangkin kasi ang taba at super cute, hindi iyakin. Pero kahapon ay walang makapagpatahan, nang kargahin ko at himasin sa likod ay saka pa lamang nakatulog ang sanggol. may pilay daw kaya agad nagpahanap ng hilot.
***Napanood ko ang pelikulang Changeling ni Angelina Jolie. Hindi naman ganoon ka impressive ang acting niya dito pero ang puntos ng pelikula ay ang istorya na base sa totoong pangyayari noong 1920's. Dinirehe ito ni Clint Eastwood. Engrossing ang pelikula dahil sa takbo ng paghahanap ng ina sa nawalang anak hanggang sa pagkatuklas sa kabulukan ng LAPD at ang pagkabuklat ng isang nakagigimbal na krimen hanggang sa pagkadakip sa isang psycho killer.
****Ang mga pelikulang Marley and Me at Bridewars naman ay tumatalakay sa pagkakaibigan. Ang una ay ng hayop sa tao at ang panglawa ay ng magkababata. Parehong comedy ang pelikula ngunit sa huli ay nagtampok pa rin na walang tatalo sa isang pagkakaibigang sinubok na ng panahon.
Kung nais naman ng horror ay inererekomenda ko ang "Unborn." May hawig kay Jessica Alba ang baguhang bida dito at nakatatakot ang mga eksena ng exorcism sa kaniya, plus yung hitsura noong creature na lumalabas.
--------
Nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay sir Vim Nadera upang magtanghal sa mga cancer patient sa Jan 31. Ngunit dahil sa dami pa ng deadline sa BIR ay tinanggihan ko. Nagulat na lamang ako nang mabasa ko sa Manila Bulletin na kasama pa rin ako sa listahan ng mga magtatanghal. Paano ba ito?
May imbitasyon din ako upang magsalita ukol sa modernong panitikan. Hindi ko pa alam ang venue at date kaya maaari pang pagisipan.
--------
Hindi na ako masyadong binabangungot ngayon, nakahanap ako ng paraan. Bago matulog ay nakikipagusap ako sa "kanila." Nakikiusap na patulugin dahil sa may pasok pa kinabukasan. At epektibo naman, hindi na nila ako ginagambala. Sabi ng nanay ko noong isang araw, may nakita daw siya sa kwarto ko na apat na tila batang naghahabulan. Noong maliit pa ako ay isinumbong ko sa nanay ko na nakakita ako ng apat na ulong magkakapatong habang nakasilip sa pintuan ng kwarto. Hindi kaya sila din yun? sinundan ako hanggang ngayon sa bago kong bahay?

Posted by kikomontesena at 10:29 AM | Add a Comment

January 28th, 2009

Eleksyon at Paglulunsad

Mula sa pangulo ng Lira:

Mga Ka-LIRA,

Sa 1 Pebrero 2009, pumunta po tayong lahat sa Room 201 CAL New Building, ala-una ng hapon. Halalan po natin para sa mga bagong kasapi ng pamunuan. Magbibigay din ako ng ulat bago ang halalan.

Sana ay makarating lahat upang makaboto. Karapatan po natin ang bumoto ng bagong mamumuno sa mahal nating samahan.

-bebang

--------------------------

Nagtungo ako sa book launching ni Sir Egay Samar para sa nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog. Maraming dumalong mga kilalang pangalan sa pangunguna ni Sir Rio Alma, Joey Baquiran, Jun Cruz Reyes, Benilda Santos, Allan Derain, Roland Tolentino, Eros Atalia, carlomar Adoana, Christine Bellen, MIkael Co, Yol Yamendang, Mitch Cerda, John Torralba  at iba pa. Nagkita-kita din kami ng ilang co-fellows sa 8th Ateneo workshop- sina, Arlynn, Wy, Mo, at Mika. Ibinigay na lang sa akin ni Wy ang hardbound copy ng latest issue ng Heights kungsaan may tula akong nakasama, ang Kusilba.

Sa pagpapakilala ni Amang sa nobela ay nabanggit niya ang masaganang ani ng Ateneo, ang mga tanghal na pangalan sa larangan ng pagsusulat ngayong panahon na ito. Aniya, mula sa mga naunang humawak ng titulo bilang pinakamabungang paaralan o unibesidad, nabanggit niya ang UE at UP, ang may tangan nito ngayon ay ang Ateneo.

Sa pagpapasalamat ni sir Egay ay nabanggit niya na maaaring may damdamin ng pagiging ilag o "hostility" sa pagitan ng mga baguhan at mga may pangalan na ngunit hindi niya ito isinaisip at nadama man lamang dahil maraming tumulong sa kaniya na kilala na sa larangan ng pagsusulat. Sinabi rin niya ang kahalagahan na magkaroon ng mga support group sa pagsusulat at nabanggit niya ang Pinoypoets na patuloy daw na sumusuporta sa kaniya. Dahil ako lamang ang nandoong taga-PP, parang kinatawan ko na at tinanggap ang kaniyang pasasalamat. Ang dedikasyon niya sa librong aking binili ay ito "Kay kiko,  na malalim ang hawak sa salita."  Sana nga lamang ay patuloy kong mahawakan ang mga ito hanggang sa makakaya ko.

 ____________

putragis na mga dealer ng lpg na yan, sukat bang 600 ang presyo ng kakukuha lamang naming gasul. nagkakaubusan daw.  Kung hindi lamang kailangang magluto sus kakahayblad!

 

 

 

Posted by kikomontesena at 08:40 AM | Add a Comment

January 30th, 2009

Isang Pagbasa sa Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar

Isang Pagbasa sa Walong Diwata ng Pagkahulog ni Edgar Calabia Samar

Ni Kiko Arias Monteseña 1/30/09

 

 

May bago sa salaysay ng mga karanasan base sa isipang malay at di malay ng kwentista. Hindi ito ordinaryong pagsasalaysay lamang at pagbabalik-tanaw kundi humahangga ang pagbasa sa kung ito ba ay kathang-isip o nangyari talaga nang totohanan. Ganyan kaepektibo ang nobela. Sabi nga ni Dr. Jun “Amang” Cruz Reyes, pagbubukas ito sa panibagong yugto sa pagsusulat ng nobela na malayo sa mga nobelang may mabibigat na temang nagpapasikip ng dibdib ang mga naratibo. May iba sa pamamaraan ng paglalahad dito dahil naikuwento ang nais ng manunulat sa paraang kakaiba, yun bang paglalahad ng mga bagay-bagay na hindi nangyari talaga o pagbabalik sa nakaraan sa isang iglap.

 

Maraming beses kong hinanap sa katauhan ni “Daniel” si Egay. Palibhasa nga ay ginamit niya dito ang mga lugar na totoong ginagalawan ng sumulat. Kahanga-hanga ang igting ng paglalahad mula sa paghahanap sa sarili at pagkakatuklas ng maraming bagay. Sa nobelang ito ay hindi lamang inilalabas ang mga karaniwang salamisim sa kalungkutan at pag-iisa. Pagtuklas ito hindi lamang ng sarili kundi ng relasyon sa mga bagay at tao sa paligid. Nakakatuwang taglay pa rin ng nobela ang mga sari-saring kuwento sa tiyanak, sirena, nuno, mga alamat, at ng Banahaw. Nakadagdag ng lakas sa nobela ang mga pagtuturing at salaysay tungkol dito na malayang naiugnay ng manunulat sa mga karakter sa nobela. Ipinakita din ng nobela na ang lahat ng una ay sadyang mahirap makalimutan tulad ng unang karanasan, seksuwal at pakikipagrelasyon, paglalarawan ng kabataang hitik sa alaala, ang ugnayan sa pamilya, ang paghahangad sa kamatayan, ang pagtatapos ng mga hindi mapipigil, ang mga walang kadahilanang pagtatanong, ang mga hindi maipaliwanag na pagmamahalan, ang mga pagtatalusira, mga paglilihim at pagbubunyag.

Paano mo maisisiksik ang lahat ng ito isang iglap habang nakikita ang sariling nahuhulog at nagkakalasug-lasog ang buto sa pagtama sa mga nakausling bato sa bangin?

 

Dahil sa dami ng mga kahalintulad na pangyayari sa aking buhay ay hindi ko maiwasang ilagay ang sarili bilang ang pangunahing tauhan sa nobela. Mula sa mga paniniwala sa dwende, tiyanak, demonyo, anghel, sa mga kwento at alamat hanggang sa walang tuwirang damdamin at kapit sa lugar na kinalakihan ngunit kataka-takang laging nais balik-balikan tulad ng Atisan. Bagaman at ito ay nobela, lutang na lutang pa rin ang pagiging makata ng manunulat. Maraming linya sa nobela ang hitik sa metapora at imahen bukod pa sa mga isiningit niyang linya sa tulang naisulat niya tulad ng Pagtingin sa Bangin - “Pinatatawad natin ang kalungkutan ng iba/ kapag hindi sinasadya, natatabig natin/ ang kanilang pag-iisa sa pagmamadali/ sa pagtawid sa lansangan, o natatagpuan/ natin silang nakadungaw din sa bangin/ gaya natin….”

 

Gustong-gusto ko ang mga paglilimi ng manunulat gaya ng nasa pahina 33:

 

SABI NILA, mga kuwentista, makata, historyador- hindi mo na madadaanan ang daan na hindi mo pinili; gayundin naman na naguulit ang kasaysayan. Sa una mukhang magkaiba ang ibig nilang sabihin. Pero ang totoo, pareho sila: dalawang mukha sa iisang bagay. Isang beses lang tayo makapipili ng daan, at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan-kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lamang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.

 

Paano ko pa babasahin ang nobela ng hindi bubukas ang aking bibig sa paghanga sa manunulat? Ito rin kasi ang pinipili ko ngayong daan.

 

Salamat sa nobela Sir Egay.

Posted by kikomontesena at 10:24 AM | 1 comments

Nakakalula

Lula

Ni Kiko Arias Monteseña, 1/30/09

 

 

 

Nakikita natin ang sariling lumbay sa iba

Hindi man sinasadya ay dumudungaw

 

sa kanilang mata ang pag-iisa, ang paghahanap

ng kasama.  Sa wari’y nadadanggil natin

 

sa ating pagpansin ang itinatago nilang kaba,

mga pintig na ipinipilit sa piniling daigdig.

 

Doon sa kung saan nasa bingit ng pagkahulog

ang lahat ng pag-asa. At sila’y naghihintay

 

ng sasaklolong tagasalo. Kung hindi man

ay kusang tatanggapin na lamang

 

ang inaasahan nang paglagapak.

Ngunit madalas natutuklasan natin

 

na nandoon pa rin tayo sa kinatatayuan.

Nakatunghay sa ibaba at dinarama

 

ang mukha ng dalisdis, nagpapaubaya.

Sapagkat kailangan nilang maghintay.

 

May oras ang bawat pag-igpaw,

kahit sa matatarik na bangin o batuhan.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 05:06 PM | Add a Comment