November 20th, 2008

Igpaw

nahalungkat ko sa files ng mga tula, di ko na matandaan kung saan at paano nabuo ito.

Igpaw

 

Dahil

ang lahat

sa paligid

ay palaisipan,

Humakbang ako

sa unang pansukat.

Nakatitig sa numerong

itinalaga.Hinahanap

ang isa sa dalawa.

Kinakalabit ang taling

nag-uugnay

sa dalawa,

isa.

 

Pigilin ang panlilinlang sa sarili, Saan ito patutungo kundi dito mismo,

Sa kinatatayuan ko; At paimbulog na susuong minsan,

Palagi na lamang magiging palaisipan ang ulan.

Posted by kikomontesena at 11:13 AM | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: