November 13th, 2008
kung anu-ano
for the nth time, nagbabalak na naman akong magresign. Sumusuko na ako sa boss kong unreasonable. Di ko na masakyan mga moods niya. nakaka stress na nga ang mga bwakanginang mga taga BIR na yan, sumasabay pa siya. Saka parang gusto kong magconcentrate sa pagsusulat. Pero ayan parang naririnig kong dinadakdakan na ako ni ermats nang " paano ang mga babayarin mo, ang bahay, ang ilaw at kung anu-ano pa"
nahilingan ako ng ka-lirang si Betty Uy Regala na siyang managing editor ng CCP-Ani to perform sa launch ng libro. Hindi ko mahindian, kaya lang di ko alam kung anong gagawin ko bukod sa straight reading.
ipa-publish daw ng Ateneo-Heights ang tula kong "Kusilba", salamat Brandz sa paanyaya.
binabati ko si ka-lirang Nanoy sa pagla-launch niya ng librong pambata