November 10th, 2008

Sa Reading at iba pa.

Sa salin ni Rio Alma ng Noli, na nagkaroon ng marathon reading noong weekend, mas naappreciate ko ang istorya sa loob ng libro. Noon kasing required itong pag aralan sa high school tila babasahin lamang ito dahil kailangan. SA pakikinig at pagbabasa na rin, mas masarap ngayon ang mga salita, mas madamdamin ang mga tagpo at mas nakakakiliti ang romansa nina Ibarra at Maria Clara.

Tinapik ako sa balikat ni Sir Rio nang malaman niyang magbabasa ako, at nakita ko naman ang tiim ng pakikinig niya sa akin noong toka ko na. Magkakasunod kami nina Lourd de Veyra, Michael coroza at Egay Samar. Nag stay pa ako hanggang 830 ng gabi dahil nalibang ako sa pakikinig. Napakinggan ko earlier sina Tin tin Bersola at Julius Babao sa kabanatang Suyuan Sa Asotea. Medyo nangingilid naman ang luha mata ni Roy Alavarez nang magbasa siya. Nakita ko doon ang ilang miyambro ng LIRA, at paalis na rin ako nang dumating ang grupo ng Pinoypoets.

Sagana naman sa kape at pagkain. Mga 10:30 na ako dumating ng bahay dahil sa ulan.

**nabwisit ako dahil binitin pa ang bagong matatanggal sa Survivor phils, sana si marlon na o si Rob.

*** umpisa na ng Fear Factor mamaya, hala alin kaya ang mas exciting panoorin.

****nagdadalawang isip ako kung magsusubmit ako ng requirments at entry sa isang workshop.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 10:17 AM | 2 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on November 13th, 2008 at 03:46 PM
uy di naman, nagkakataon lamang na kmai kami ang magkita-kita kapag may mga events.
Comment posted on November 12th, 2008 at 09:40 AM
Ka-siko mo na ang mga alagad ng Sining.