Entries for November, 2008

November 4th, 2008

Kung anu-ano

*Nakatoka akong magbasa ng ika-12 chapter ng Noli sa nov 8 sa Phil heritage Library mga 430 ng hapon.

Nasa baba ang kanilang press release:

MARATHON READING OF NOLI ME TANGERE AT THE FILIPINAS HERITAGE LIBRARY

Join us in an evening of literature, fun, and good food while we do a marathon reading of the Noli Me Tangere (translated by National Artist for Literature, Virgilio S. Almario) on November 8 to 9, 2008 at the Filipinas Heritage Library. Celebrities, well-known artists, authors, students, and other lovers of Filipino literature will be coming to read (and perform) portions of this influential literary piece.

This event is part of the month-long festivities of the 12 th Philippine Book Development Month, which is celebrated every November.

**Nakapagsumite na ako ng entries para sa isang contest, wish me luck

***may bagong addition sa pamilya sa pagdating ni Baby Ryllie Chivas. Ang taba at ang cute ng bata. Nadagdagan na naman ang apo ko sa pamangkin hayyyyyy

****Hindi ako nagandahan sa Body of Lies nila Russel Crowe at Leo di Caprio.

*****Sa Dec 17 ang launching ng ANI 34. Isa lang sa dinami-dami ng tula ko ang napili nila

 

Posted by kikomontesena at 03:33 PM | Add a Comment

November 6th, 2008

Sa Loob ng Kumpisalan

Sa Loob ng Kumpisalan

Ni Francisco A. Monteseña  11/05/08

 

 

 

Kung may kailangang isumbong

sa  nasumpungang kumpisalan,

 

hindi naman marahil ang di sadyang

pagkahanap ng buto sa ilalim ng luhuran.

 

Kaya doon pumasok ang askal na iyon,

nagsumiksik sa sulok upang pang-itin

 

ang buto’t magkalaman ang lumalaguklok

na sikmura. Hindi naman kasalanan

 

kung tumuloy sa pintong laging bukas

at ngumata ng kinasasabikan.

 

Bawal kayang tumahol sa loob

kung masarap ang nalalasahan?

 

Siguro ay pawang himutok

ang kinasanayan ng kumpisalan

 

sa pakikinig sa mga pumapasok

(lahat ay tila salaring humihiling ng patawad.)

 

Ngunit  tiyak sa bawat bulong at basbas

may mahahanap pa rin tayong rosaryong pigtas

 

O kaya’y mantsa ng tumulong laway

sa marmol na sahig ng banal na kumpisalan,

 

katabi ang mga butong takaw-pansin

sa naghahanap at nagugutom na askal.

 

 

Posted by kikomontesena at 08:26 AM | Add a Comment

November 10th, 2008

Sa Reading at iba pa.

Sa salin ni Rio Alma ng Noli, na nagkaroon ng marathon reading noong weekend, mas naappreciate ko ang istorya sa loob ng libro. Noon kasing required itong pag aralan sa high school tila babasahin lamang ito dahil kailangan. SA pakikinig at pagbabasa na rin, mas masarap ngayon ang mga salita, mas madamdamin ang mga tagpo at mas nakakakiliti ang romansa nina Ibarra at Maria Clara.

Tinapik ako sa balikat ni Sir Rio nang malaman niyang magbabasa ako, at nakita ko naman ang tiim ng pakikinig niya sa akin noong toka ko na. Magkakasunod kami nina Lourd de Veyra, Michael coroza at Egay Samar. Nag stay pa ako hanggang 830 ng gabi dahil nalibang ako sa pakikinig. Napakinggan ko earlier sina Tin tin Bersola at Julius Babao sa kabanatang Suyuan Sa Asotea. Medyo nangingilid naman ang luha mata ni Roy Alavarez nang magbasa siya. Nakita ko doon ang ilang miyambro ng LIRA, at paalis na rin ako nang dumating ang grupo ng Pinoypoets.

Sagana naman sa kape at pagkain. Mga 10:30 na ako dumating ng bahay dahil sa ulan.

**nabwisit ako dahil binitin pa ang bagong matatanggal sa Survivor phils, sana si marlon na o si Rob.

*** umpisa na ng Fear Factor mamaya, hala alin kaya ang mas exciting panoorin.

****nagdadalawang isip ako kung magsusubmit ako ng requirments at entry sa isang workshop.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 10:17 AM | 2 comments

Writers Night

mula sa inbox ko, an invitation from UP Likhaan-ICW


You are invited to the UP Writers Day!

The Likhaan's annual celebration of UP Writers Night is the literary highlight that caps the year. Since it started several decades ago, the UP Writers Night has become a tradition among writers and artists as the time for coming together to celebrate Philippine literature and the other arts.

In celebration of the sentenary of the University of the Philippines, the Likhaan: UP Institute of Creative Writing is expanding its annual celebration of UP Writers Night to UP Writers Day 2008. As the expanded version of UP Writers Night, this event is even more awaited by the country's writers and literary readers, artists, and students.

UP Writers Day 2008 will be held on December 5 and will comprise activities that begin in the morning of the said day and culminate in the celebration of Writers Night. The concept is homecoming, and the activities are targeted toward writers who have been part of the UP National Writers Workshops and young writers who will eventually gain admission to the current advanced UP National Writers Workshop held yearly in Baguio City. Other expected participants are writers from other institutions, artists from other fields, friends of writers, and writing students.

What are the activities?

UP Writers Day is full of activities.

Morning
  • Opening of exhibit on the UP National Writers Workshops at Galleria 2 in Bulwagang Rizal

Afternoon
  • A lecture (last installment in the Likhaan: UPICW's Centennial Panayam series) by Dr. Gemino H. Abad at the Pulungang Recto in Bulwagang Rizal
  • A forum on current literature participated in by the finalists of the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award at the Pulungang Recto in Bulwagang Rizal
  • The awarding ceremony of the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award at the Pulungang Recto in Bulwagang Rizal
  • A book bazaar at the foyer of Pulungang Recto in Bulwagang Rizal particpated in by the University of the Philippines Press, Ateneo de Manila University Press, University of Santo Tomas Publishing House, Anvil Publishing, Inc., Milflores Publishing House, Aklat Adarna, and Lampara Books.

Evening
  • Water Rocket Firing at the Hardin ng mga Diwata
  • UP Writers Night featuring performances at the center stage in Teatro Hermogenes Ylagan and food and drink stalls at the right atrium of Bulwagang Rizal. The show at the center stage includes spoken word/poetry performances and musical numbers.The atrium will be transformed into a writers plaza with food and drink stalls, tables, and chairs where guests can mingle and refresh themselves before rejoining the other guests at the theater to watch the night-long show.

See you
Posted by kikomontesena at 02:57 PM | 2 comments

November 13th, 2008

kung anu-ano

for the nth time, nagbabalak na naman akong magresign. Sumusuko na ako sa boss kong unreasonable. Di ko na masakyan mga moods niya. nakaka stress na nga ang mga bwakanginang mga taga BIR na yan, sumasabay pa siya. Saka parang gusto kong magconcentrate sa pagsusulat. Pero ayan parang naririnig kong dinadakdakan na ako ni ermats nang " paano ang mga babayarin mo, ang bahay, ang ilaw at kung anu-ano pa"

nahilingan ako ng ka-lirang si Betty Uy Regala na siyang managing editor ng CCP-Ani to perform sa launch ng libro. Hindi ko mahindian, kaya lang di ko alam kung anong gagawin ko bukod sa straight reading.

ipa-publish daw ng Ateneo-Heights ang tula kong "Kusilba", salamat Brandz sa paanyaya.

binabati ko si ka-lirang Nanoy sa pagla-launch niya ng librong pambata

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 10:55 AM | Add a Comment

November 20th, 2008

Igpaw

nahalungkat ko sa files ng mga tula, di ko na matandaan kung saan at paano nabuo ito.

Igpaw

 

Dahil

ang lahat

sa paligid

ay palaisipan,

Humakbang ako

sa unang pansukat.

Nakatitig sa numerong

itinalaga.Hinahanap

ang isa sa dalawa.

Kinakalabit ang taling

nag-uugnay

sa dalawa,

isa.

 

Pigilin ang panlilinlang sa sarili, Saan ito patutungo kundi dito mismo,

Sa kinatatayuan ko; At paimbulog na susuong minsan,

Palagi na lamang magiging palaisipan ang ulan.

Posted by kikomontesena at 11:13 AM | Add a Comment