Entries for September, 2008

September 1st, 2008

ANG SARAP MAGING SENADOR!

forwarded email sa akin, sarap ishare!

ANG SARAP MAGING SENADOR!

Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week. Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago , marami ang tumatak-bong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan. Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon. Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee? Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement. Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship. Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project. Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista. Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan. Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na! ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !

Posted by kikomontesena at 12:01 PM | Add a Comment

September 2nd, 2008

bagong tula

*Juramentado

Ni Francisco A. Monteseña 9/2/08

 

 

 

Hindi man hinahasa ay mas matalas ngayong tingnan

ang palabang buwan. Karit siyang nakasabit,

sukbit ng langit sa mga gabing walang dag-im.

 La- ilaha- il-la’l-lahu

 

Ngunit hindi ito ang kaniyang kinatatakutan.

Hindi ang paglalakad ng mag-isa, malayo sa pamilya

Kundi ang paglalakad ng walang katiyakan.

Tila mga ugat na bumabaon sa lupa ang kaniyang mga paa,

Hindi makahakbang palayo sa kinalakihan – alipin

ng subyang na liwanag. Nag-aanyong talim.  

La- ilaha- il-la’l-lahu

 

Sabi nila ay hindi lamang nasa taas ang liwanag,

nandito ang kislap kaya’t nandito din ang talas.

Lupain nga itong durog ang dangal sa himagsik.

Marahas ang hininga at mapanakop ang tingin.

Sa kanilang may dahilan ang paglaban,

Saan susuling ang ating pagsusumbong?

Ang lupa’y may dagundong, ang hangin ay umaalulong.

Hindi na makapagtalik ang pasigan at gulod,

Wasak na sa pagsabog ang rabaw at hangga,

Dugo ang laman ng nalilikhang labak,

Walang kanlungang hindi nag-aanyong libingan.

La- ilaha- il-la’l-lahu ( walang ibang Diyos kundi si Allah)

 

 

*Spanish for a Moro sworn by oath to wage war to the death against Christian infidels.

Posted by kikomontesena at 11:54 AM | Add a Comment

September 3rd, 2008

late night viewing

Nakapako ako sa TV kagabi. parehong interesante ang palabas sa 7 at 2. Reporters' notebook at The Correspondents. Parehong may touch ng human interest ang palabas kaya nga at palipat lipat ako ng channel.

Tungkol sa incest ang sa 2, nakakadiri man at ito ang reyalidad, ang istoryang nakipaglive-in pa ngayon ang isa sa sariling ama at di ko maimagine. Gayung alam niyang ama niya ito bakit nagagawa pa niyang makisama dito? Gusto kong isiping biktima siya ngunit bakit patuloy siyang nagpapabiktima kapalit ng dahilan niyang di naman daw siya pinababayaan sa kaniyang mga pangangailangan.

 

tungkol sa mga lolo at lola sa selda ang sa 7. Naaawa ako sa kanila lalo na yaong may mga sakit na at ni isang hearing ay di makausad ang kanilang mga kaso. May 88 years old na lolang nagmamakaawa sa screen na palayain na siya at ayaw na raw niya sa loob. Nakakaawa talaga ang kalagayan ng mga matatanda sa selda.

 

Posted by kikomontesena at 09:57 AM | Add a Comment

September 9th, 2008

bagong tula

Si Kikoy, Sa Loob Ng Niyog

(mula sa limot na kuwentong-bayan)

Ni Kiko Monteseña, 9/8/08

 

Sa pagkakabubo ng lubi-lanang pang ilaw

higit sa bigat ng tsinelas ang pumukaw

sa iyong bubot ang unawa sa tunay at alamat.

Hindi mo na magagawang masalok ang langis

mula sa tumaob na lalagyan, kaya’t tinanggap

mo na lamang  ang galit ng iyong Inang.

Ay Kikoy,  nangangapa silang lahat sa dilim,

katulad mong nangangapa sa pangangatwiran.

Kainin ka sana ni Onglok – siyang kalipi ng Sipay;

mahahabang ngipin ang ibabaon ng utay-utay;

kundi ma’y  maging puno ng niyog kang kakasihan

katapat ng iyong mga kapilyuhan at kasalanan.

 

Paano ka haharap sa takot? Higit ang sukli

sa paghingi ng patawad sa iyong Inang. Kinabukasa’y

nagsisisi siyang naitanim sa iyo ang dagling galit.

Lumuluha siyang inalo ka ng yakap na mahigpit.

Hindi magkakabisalang matatalo ng silaw anumang dilim.

Kailangan mo lamang Kikoy ng tatag at dalangin.

Nararapat lamang na manindigan sa parusa –

harapang harapin halimaw mang manginginain.

Bago ito’y kailangan mong akyatin,

ang pinakamataas na puno, doon ay pigtalin

ang bungang niyog, bunot ay kayasin,

ang makitang mata ay dapat dukitin,

saka mahinay na sambitin:

Onglok kang naglalagi sa bundok

Maliit man ako at gangga-niyog

Hulihin mo ako kung kaya mong tumutok.

 

Siguro ay inilipad ka ng tiwala,

lumagpas sa hangad na taas.

Kaya’t walang nagbalik

mula ng ikaw ay lumikas.

Katulad ng pagwalis ng hangin

sa iyong kuwento, lumiban na ang lahat

ng alaala mo – ikaw Kikoy

na bilanggo ngayon sa seldang bao.

 

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 11:31 AM | 3 comments

September 12th, 2008

Mito

Likhang Mito

( sa kanlungan ng mga dakila)

Ni Kiko Monteseña, 9/12/08

 

 Katulad ng ibang likha ni Battara-

ang dakilang guro na sa lahat ay may lalang,

 

si Apolake kang sa alamat ay isinilang.

Walang nangahas na sa iyong liyab

 

ay may kumalaban, apoy sa iyong palad na bigay

ng alagang araw. Hindi ka malapitan ng takot.

 

Ikaw na likhang di  mapantayan ng karaniwan.  

Hinasa ng lagablab ang alab ng palad.

 

Pinanday ng karanasan ang sarili sa paglaban.

Nanguna ka sa digmaan. Itinanghal na dakila

 

ng libong pantas at paham. At ikinatuwa mo

ang maghunos ng liwanag sa lahat na madaanan.

 

Matagal nang naglalagi ang kislap sa iyong noo,

Ngayon mo lamang ito napapansing sumisinag.

 

Marahil ito ang tamang panahon upang mahalina

sa  iyo ang pagkaganap-matuklasang hindi lamang araw

 

ang bumubuhay sa paligid. At nakisalamuha ka

sa ibang dakila; kay Anitun Tabu na siyang may hawak

 

ng hangin at ulan.  Anong kapalaran ang ibinukas

ni Diyan Masalanta sa inyong dalawa at agad  

 

ay may natighaw sa puso mong dati’y di nauuhaw,

may napukaw sa dibdib niyang dati’y walang araw.

 

At sa pakikilaro ng sinag sa ambon naging marangya

ang paligid sa pagsibol ng lunti. Labis na kalugud-lugod ito

 

kay Idyanale at Lakambakod, silang mga pastol ng lupa,

ng ugat, ng lahat na namumukadkad, ng lahat na nanunulay

 

sa duklay at balaybay. Masaganang ani sa bawat panahon

ang kahulugan ng paghuhugpong. Dito nalulugod

si Lakampating musa ng bawat sumisibol, ng lahat

ng biyaya ng lupa’t supling ng pagpapagod.

 

At ang noon ay inaantok na paligid

ay nagbunyi sa isang magarbong handa.

 

Posted by kikomontesena at 03:12 PM | Add a Comment

September 17th, 2008

Ponema

Ponema

Ni Francisco Arias Monteseña, 9/17/08

 

…sapagkat bihag

ng kaniyang tinig

ang lahat ng salaghati ng aming simoy.

 

                        -mula sa Santana ni Roberto Añonuevo

 

 

Walang antala ang pagkatunaw ng buntala

sa aming mga mata, hayun ka at pautay-utay ang paglapit.

Hindi mapigilan ang sagitsit ng hangin

 

katulad ng iyong banayad na pagdating.

Tila isa kang dayaray at kami

ay mga gutom na tagapaghintay, sabik sa halik.

 

Umadyo ka sa tanghalan hanggang mapaliguan

ng liwanag. Ngunit mas kuminang ang paligid

sa iyong presensya-malikmata?

 

Matagal kang nakatayo at nakatitig

sa sulok na aming kinalalagyan.

Para bagang humihigop ng lug-oy.

 

At sa malamlam mong tinig ay nagsa-anyo

ang isang obra. Sinong maniniwala

na sa iyong lalamunan nakaimbak

 

ang kristal na himig? Malambing na tinig na laan

sa aming pagparito. Nagsimulang lumisan

ang walang kawawaang hulagway sa aming isip

 

at tumanggap ng basbas na kahinahunan

ang aming kaluluwang nagaantay sa payapa.

Wala kang kahirap-hirap na pumaloob sa loob

 

naming nanonood at bigla ang pagsasabihag

ng aming bagamundong tikas. Samantalang

ikaw ay nakatitiyak ng palakpak, ano’t minsan

 

ay dama namin ang bigat ng bigkas, ang lakas ng pantig,

sa pansamantalang antala sa iyong ginagawa.

Marahil ikaw ang bihag ng di mo maiwasang pagkasawa.

 

 

Posted by kikomontesena at 10:18 AM | 2 comments

September 18th, 2008

Kusilba

Kusilba

Ni Francisco A. Monteseña, 9/18/08

 

 

Ilang patong ng batong sedimentaryo

ang nakapalibot sa iyong puso

at hindi ka na makadama?

Ilang batuhang posilipero

ang nagkukulong sa iyong damdamin

at hindi ka na makagalaw?

Saan nakalagak ang pormasyon

ng iyong emosyon at hindi ko marinig

bawat tibok at sidhi ng iyong paghibik?

 

Batid kong mananatili ang lagi,

matitinggal ang dapat ay matanggal

sa anumang pagkakabilanggo.

Malalim man ang pagkakabaon,

kailangang may mag-ahon

bago maglaro ang panahon

at malimutang may naghihintay

na pangako ang pagkatuklas.

 

Sa labi ng iyong labi,

manatili man ang lamig

saka mo marahil madarama

ang tamis ng aking pagkilala

sa lahat ng akala mo

ay nilimot at nilumot.

 

 

 

Posted by kikomontesena at 11:00 AM | Add a Comment

September 19th, 2008

From the net

forwarded email
It was the first day of school in Washington , DC and a new student named Dagohoy, the son of a Filipino immigrant,
entered the fourth grade. The teacher began, "Let's review some American history, class. Who said 'Give me liberty or 
give me death?'" 
   
She saw a sea of blank faces, except for Dagohoy's who had his hand up, "Patrick Henry, 1775."  
               
"Very good," said the teacher. 
"Who said 'Government of the people, by the people, and for the people, shall not perish from the earth?'"  
               
Again, no response except from Dagohoy: "Abraham Lincoln, Gettysburg , 1863," he said.  
               
The teacher snaps at the class, "Class, you should be ashamed, Dagohoy who is new to our country knows more about our
history than you do."  
               
She hears a loud whisper from the back: "Screw the Filipinos."  
             
"Who said that?" she demanded.  
               
Dagohoy put his hand up. "General John Pershing, Manila , 1896."  
               
At that point, Jack, another student says, "I'm going to puke."  
             
The teacher glares and asks, "All right! Now who said that?"  
             
Again Dagohoy answers,  "George Bush, Sr. to the Japanese Prime Minister during the state dinner, Tokyo , 1991."  
               
Now furious, another student yells, "Oh yeah? Suck this!"  
               
Dagohoy jumps out of his chair waving his hand and shouts to the teacher at the top of his voice, "Bill 
Clinton
to Monica Lewinsky, the Oval Office, 1997!!" 
              
Someone shouts, "You little shit if you say anything else, I'll kill you." 
              
Dagohoy yells, "Congressman Gary Condit to Chandra Levy, Washington , D.C. , 2001!"  
               
The teacher faints.
"I'm outta here!"  mutters one student as he sidles to the door.  
             
"President Gloria Macapagal Arroyo, Baguio City , December 30, 2002!!",  Dagohoy responds.  
               
As the class gathers around her on the floor, someone says, "Oh shit, now we're really in big trouble!" 
  
"Saddam Hussein, on the Iraq invasion, Baghdad , May 2003!", Dagohoy bellowed.  
               
"Now, I really have to run," Jack mutters, heading for the exit,  
             
"Gloria Macapagal Arroyo again, Pampanga, October 4, 2003!!!", Dagohoy shouts triumphantly jumping with glee.  
Then a burly African-American boy grabbed Dagohoy and strangled him, about to give a fistful to a frightened Dagohoy.
Then an Asian boy stood up and shouted, "Hey easy on him. I'M A FILIPINO!"  
               
Dagohoy then blurted out before he got socked out, "Fernando Poe, Jr. Manila , January 2004!!!"  

Posted by kikomontesena at 01:50 PM | Add a Comment

September 24th, 2008

Kung anu-ano

Napanood ko ang isang French movie entitled "Midnight meat Train", isang horror flick na talagang ang ganda ng pagkakagawa. Hindi napuknat ang mata ko sa screen kahit pa nga hindi ko maintindihan ang dialogue, may subtitle nga, di ko naman mabasa. Anyway, bloody ang pelikula at kitang kita mo ang tumatalsik na dugo at pagtilapon ng mga laman habang minamasaker sa loob ng train on their last trip. Pansin ko lamang may pagkakatulad ang istorya sa isang episode ng local Shake, Rattle and Roll starring Manilyn Reynes. Sino kaya ang nangopya?

Nakapasok ako bilang fellow sa 2008 Ateneo Natl Writers Workshop na gaganapin sa Oct 19 to 25. Nakumpirma ko ito sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono mula sa kanila. Mauna dito ay tinext ako ng kasamang En Villasis na kunwari pa ay nagtatanong sa akin kung nagpasa ako ng folio dito. Yun pala ay alam na niya ang pagkakasali ko. Nag-paalam agad ako sa boss ko at pinayagan niya akong mag-leave on this dates. Supportive naman kasi siya mula't mula pa sa aking pagsusulat. Isang rason siguro iyon kung bakit andito pa rin ako sa kompanya niya kahit minsan ay maraming problema.

Na-ospital ang isa kong kapatid dahil sa Myoma. Isa siya sa mga paborito kong kapatid, teacher siya sa probinsya at nasa kaniyang pangangalaga ang tatay kong matanda na, samantalang nasa akin naman ang aking nanay. kawawa naman kasi kung 2 matanda ang aalagaan niya. Sana ay gumaling ka agad ate Vivian.

Sana ay matuloy ang proyekto ng LIRA at NCCA na Sining ng Tugma at Sukat (STS) na balak kong dalhin sa probinsya namin sa Laguna o kung papalarin ay sa mismong bayan namin. Pinaplantsa na lamang ang ilan pang mga detalye. Sana ay huwag mabulilyaso.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 05:04 PM | 2 comments

September 25th, 2008

8th ANWW, Fellows

Mula sa Atisan blog ni Sir Egay Samar:
Hindi pa lumalabas ang opisyal na PR pero dahil marami na ang nangungulit, narito na ang listahan ng fellows sa 8th National Writers Workshop. Bilang wokrshop director, masasabi kong opisyal na ito, maliban kung may fellow na magbackout dahil hindi maaari sa Oktubre 19-25, kung kailan gaganapin ang workshop sa loob ng campus ng Ateneo. Iniisa-isa ko nang tawagan ang mga ito (may ilan na hindi ko pa rin makontak sa ibinigay nilang number hanggang sa ngayon):

Tula

1. Jan Brandon L. Dollente (Las Piñas; ADMU)
2. Francisco Monteseña (Angono, Rizal; Unibersidad ng Silangan-Caloocan)
3. Randel C. Urbano (Quezon City; UP Diliman)

Maikling Kuwento

1. Anna Marie Stephanie S. Cabigao (Quezon City; UP Diliman)
2. Bonifacio Alfonso Javier III (Bacoor, Cavite; UP Diliman)
3. Marinne Mixkaela Z. Villalon (Quezon City; UP Diliman)

Poetry

1. Genevieve Mae Aquino (Quezon City; UP Diliman)
2. Arlynn Raymundo Despi (San Mateo, Rizal; UP Los Baños)
3. Wyatt Caraway Curie Lim Ong (Malabon; ADMU)

Short Story

1. John Philip A. Baltazar (Cagayan de Oro; Xavier University)
2. Monique S. Francisco (Pasig City; ADMU)
3. Krisza Joy P. Kintanar (Davao City; UP Mindanao)

Pagbati sa lahat ng fellows na napili mula sa maraming nagpasa! Kitakits sa workshop!
Posted by kikomontesena at 07:13 AM | Add a Comment

September 30th, 2008

Kung anu-ano

Survivor Phils.

Nakahook na ako sa tv kapag time to watch Survivor Phils. In its 2nd week pa lamang ay lumalabas na ang tunay na personalities ng mga castaways. Nabwisit ako sa pagiging magulang ni Jayce at humanga naman sa pagiging tunay na lalake at maprinsipyo nitong si Kiko. Though kulelat lagi ang Naak tribe, mas nakuha nila ang sentimyento ko. Natutuwa ako kina Zita, Beverly, Kiko, Veronica, John, Gigit at Marlon kahit pa nga ang daldal ng huli. At si Patani, agaw-eksena. Sa game last night na basketball with a twist, ang buong akala ko maisasave ni JC ang Naak tribe dahil basketeer nga siya, yun pala panay labas din ang mga shooting niya. As usual talo na naman sila.

I love reality shows sa cable beginning with Iron Chef America at the Amazing Race Asia. Saka yung mga reality game shows: Identity, Surviving Japan Game show, Gladiator, Are you smarter than a fifth Grader, saka yung isang game show na may ala pyramid na questions na kakalkalin lahat sa buhay mo.

Pati cartoons nalilibang ako especially yung asong si Courage at sa magasawang si Eustace at Muriel; pati na rin yung Legions of Superheroes, Ben-10. Naaaliw din ako sa re-runs ng mga episodes ng Mr. Bean.

Ewan, bumabalik na yata ako sa pagkabata

tonight ay susunduin namin ang nanay ko sa Majayjay, Laguna na nagbakasyon doon ng isang linggo para na rin silipin ang kapatid kong nagkasakit.

SAna ay makatapos ako ng mga sulatin ko for a deadline na malapit na rin.

Excited na ako sa Ateneo Writer's Workshop, ibang klase namang mga panelist ang makakadaupang palad ko doon at ibang insights sa pagsusulat.

Thank God at walang pasok bukas oct 1.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 12:14 PM | 3 comments