Entries for May, 2008

May 5th, 2008

Socrates at iba pa

*gusto ko itong forwarded message ni mam lilia antonio. share ko lang sa inyo:

In ancient Greece, Socrates was reputed to hold knowledge in 
high esteem. 
 
One day an acquaintance met the great philosopher and said, 'Do 
you know what I just heard about your friend?' 
 
Hold on a minute,' Socrates replied. 'Before telling me 
anything, I'd like you to pass a little test. It's called the 
Triple Filter Test.' 
 
Triple filter?' 
 
That's right,' Socrates continued. 'Before y ou talk to me about 
my friend, it might be a good idea to take a moment and filter 
what you're going to say. That's why I call it the triple filter 
test. 
The first filter is TRUTH. Have you made absolutely sure that 
what you are about to tell me is true?' 
 
No,' the man said, 'actually I just heard about it and...' 
 
All right,' said Socrates. 'So you don't really know if it's 
true or not. Now let's try the second filter, the filter of 
GOODNESS. Is what you are about to tell me about my friend 
something good?' 
 
No, on the contrary...' 
 
So,' Socrates continued, 'you want to tell me something bad 
about him, but you're not certain it's true. You may still pass 
the test though, because there's one filter left: the filter of 
USEFULNESS. Is what you want to tell me about my friend going to 
be useful to me?' No , not really.' 
 
Well,' concluded Socrates, 'if what you want to tell me is 
neither true nor good nor even useful, why tell it to me at 
all?' 
 
This is why Socrates was a great philosopher & held in such high 
esteem. 
Friends, use this triple filter each time you hear loose talk 
about any of your near & dear friends.

** pinanood ko ang iron man, hayop sa effects, robert downey is so good in this movie. Pinanood ko din ang Another Boleyn girl, ang ganda ng istorya at patalbugan ang 2 lead actress

Posted by kikomontesena at 09:03 AM | Add a Comment

May 7th, 2008

Malintang

Nasaan ka, Malintang?

base sa operang “Hinilawod”

 

 

 

Sapagkat hindi lamang huni ng dagat

ang nagbibigkis sa iyo kay Malintang,

Ikaw Humadapnon ay nangakong tutuklas

ng daan patungo sa kaniya. Hindi bunga ng panaginip

o pagkakataon lamang ang dugtong ng inyong hinahon.

 

Narito ako at hihintayin ka,

halika, halika,

Pintuho mo akong kailangang makita.

mangako ka!

 

            Nasaan ka at sa panaginip lamang lumalagi?

            Nasaan ka marilag kong giliw, aking Marikit?,

            Susundan kahit saan huwag kang maiinip.

 

Inaawit ng dagat

ang landas ng pagkabuo

hindi ang daan ng gunaw;

kaya nga at may pangako

bawat liriko. Madalas,

sa daan ng pagtugaygay,

nanliligaw ang ligaw.

 

Saang yungib at dilim nagbubuga ng amoy ng pang-akit?

 

Ikaw Humadapnon ay narahuyo

sa gayumang kaloob. Wala ngayong panaginip

na lumitaw sa nilasong puso.

 

Tagumpay ka tampalasang Guinmayan.

Sa bagsik ng gayuma,

kahit dalisay mang pag-ibig

ay namamatay.

 

 

Buuin natin ang kapwa natin pangako.

Nandiyan na ako,ang talim ng tabak

ang sa iyo ay saklolo.

 

            Ay giliw kong tunay, salamat sa iyong alay,

            kahit buhay mo’y handa sa aking ibigay.

 

Kayo Malintang at Humadapnon

ay naglunoy sa himig ng dagat.

Ngunit lahat ng nananatili ay may pansamantala.

 

Naglambing ang tungkulin.

Nagbigay ka Humadapnon

upang sa muling pagbabalik

ay wala nang lilitaw na paglisan.

 

Matagal nang nakatatak sa lupa at lipi

ang kasunduang di mababali – Malintang at Sumagulong.

Ikaw na naiwan ay di nagawang umaglahi

sa naghihintay mang pighati.

 

Patawad sa di natakasang tadhana.

           

            Taksil ka at di nakapaghintay sa akin.

            Mas nanaisin pang buhay mo ay kitilin.

 

Umagos ang dugo sa paanan mo Humadapnon

kasabay ng pagkakagiba ng moog ng pagsuyo.

Nabulag ka sa pangingimbulo’t poot ang naidulot.

 

            Nasaan ka Malintang?

           

            Dadalhin kita sa pampang.

            Buhayin ka nawa ng himig-dagat

            Tanggapin nawa, ang usal kong patawad.

 

Noon sumilang ang araw

na may pag-asang buhay.

 

 

Posted by kikomontesena at 04:42 PM | Add a Comment

May 21st, 2008

kung anu-ano

*nagulat ako nang makita ang video upload ng isang performance ko sa isang poetry contest. Nakalagay sa ibaba ng nanalong pangalan ang video upload ko. Kaya nag-iisip ako bakit di yung sa nanalo ang inilagay nila? hmmmmmmmm hmmmmm, tama kaya ang naiisip ko?

** sa wakas nagkaroon na ako ng dvd copy ng 2 movies ni Tommy Lee Jones kung saan naging nominado siya sa Oscars sa parehong pelikula, No country for Old Men at In the Valley of Elah. Napanood ko na ang una at sa hitsura pa lamang credible na yung nanalong Best Actor. Nakakatakot yung mata niya at yung buhok niya parang may sariling karakter ***bday ng nanay ko bukas, ibinili ko siya ng bracelet.

****wala ako sa mood na magsulat at gusto ko laging nagkukulong sa kwarto. Text ng kapatid kong bunso "kuya bakit lagi kang may sumpong nitong mga nakraang linggo?" Sabi ko " dala na yata ng andropause!" eh ang bata mo pa kaya, sagot niya.

*****nagsabi na ako kay Bebang na magleleave muna ako sa pagsusulat, at sa LIRA.

***** sa isang contest na sinalihan, nagtataka ako kung bakit di ako nakatanggap ng update, nang tawagan ko sabi di raw nila natanggap via email ang entry ko. nagtataka ako kung di nila natanggap bakit ng mga nakaraang araw nang lumabas na ang resulta ng contest eh panay naman ang email sa akin. Kakabuwisit na ang mga ganitong kalakaran.

Posted by kikomontesena at 04:15 PM | 1 comments

May 23rd, 2008

Elah at Inay

*Eighty years old na ang nanay ko at malakas na malakas pa siya salamat sa diyos. Masaya ang naging selebrasyon sa pagdating sa bahay ng mga kapatid ko na may bitbit na mga pagkain. Nasa pangangalaga ko si inay dahil nga sa ako na lamang ang single sa aming labing-isang magkakapatid. Sa panahong nasa akin si inay, malaking pasasalamat ko sa mga pagsisilbi niyang ginawa at ginagawa pa para sa akin, kahit pa nga nagkakatampuhan kami madalas. hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang nanay ko. Pero hanggang ngayon di ko masabi-sabi ng harapan na mahal ko siya. parang nahihiya ako na nakokornihan. Happy happy bday Inay, sana ay magkaroon ka pa ng mahabang buhay.

**napanood ko na ang buong-buo ang In the Valley of Elah. Mas naappreciate ko ito kaysa sa No country for old Men. Damang-dama ko ang emosyon ng magulang sa nawalang anak at nang matagpuan ay pira-pirasong sunog na bangkay. Magaling dito si tommy Lee jones at si Charlize Theron. Maikli ang mga eksena ni Susan Sarandon pero magagaling ang dialogue niya lalo na doon sa eksenang nais niyang tingnan ang anak ngunit hindi nagawang lumapit dito.

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 05:01 PM | Add a Comment

May 27th, 2008

Lindol at iba pa.

Hindi ko na mabilang kung ilang libong bangungot at panaginip ang nilalabanan ko gabi-gabi sa hinaba-haba ng aking buhay. Kakambal ko na yata ito. Nagsasalita ako o sumisigaw sa pagtulog. Kaya nga nag-aalala ang aking nanay na baka isang umaga ay di na ako magising. Sa mga bangungot na ito namumukod ang mga pangyayaring nabubuhay at nangyayari nga sa akin o sa aking mga kakilala. Pero ang mga nakakatakot dito ay ang mga delubyong nakikita ko sa pagtulog. Bago noon lumindol, kungsaan nagiba ang isang hotel sa Baguio, ay napanaginipan ko ang isang tila babala. Papalapit at papalaki ng papalaki ang imahen ng aming Patron sa Bayan ng Majayjay laguna at tila may inuusal sa akin. Ginising ako ng aking katabing kapatid sa malakas kong pagungol at pagsasalita. Ikinuwento ko sa kanila ang aking napanaginipan ngunit di nila ako pinaniwalaan at sinabing magdasal na lamang. Pagkaraan ng isang linggo, lumindol ng ubod ng lakas. At nito lamang linggo ng gabi ay napanaginipan ko na naman ang isang napakalakas na lindol. Ako daw at ang aking anak-anakan ay nasa gitna ng maraming tao nang biglang umuga ang kapaligiran. Yumuko na lamang ako habang yakap-yakap ang batang pinakapaborito ko sa lahat ng aking mga pamangkin. Nagising ako sa tinig ng aking inay ngunit nanginginig pa rin ang aking katawan sa iniwang lagim ng aking mga pangitain. Sana manawari ay di mangyari.

Nililindol din ako ngayon ng mga alalahanin kung bakit di ako makapagsulat o pinaghihinawaan na sa pagsusulat dahil sa madalas na pagkakasakit.

Posted by kikomontesena at 07:13 AM | Add a Comment

Guho

Guho

ni Francisco Arias Monteseña 5/27/08

 

 

Paano mo sisipatin ang mga parikalang nakatanim

sa mga malalalim at matatalim nating panginorin?

Mapanudyo ang haplos ng delubyo sa mundong hindi madalumat.

Sabi mo’y panahon na ang naniningil sa sala ng lahat.

Magagawa mo kayang titigan habang iniaahon

ang musmos na bangkay sa kaguguho lamang na pundasyon?

O sadyang matagal nang inaasinta ng dilim

ang kanilang hantungan? Ang mga magulang

na hinihintay ng kanilang mga anak sa pag-uwi,

mabibitbit pa kaya nila ang kanilang mga pasalubong?

Pagkat nandito lamang tayo at nakatunghay...

hindi ba tayo matututong umiyak?

O kaya’y mapuwing man lamang at maluha

sa kanilang mga naliglig ng pagyanig?

Nakahambalang silang lahat na tila behikulo

sa di gumagalaw na trapiko. Marahil mas makasalanan sila

kaya’t sila ang inuna. Napatingin ako sa iyo matapos sabihin ito.

Ganoon ba talaga? Nakatanaw ka sa kanila ngunit di mo sila nakikita.

Nakapangalumbaba ka lamang sa tapat ng telebisyon

habang nilululon na ng laho ang iyong puso.

Kaya mo siguro nasasabi ang mga ganitong salita,

dahil tulad nila ay malaon ka nang niyanig ng pag-uga

sa nililindol nating relasyon  at di mo ako agad nahanap

upang makapitan. O nabulag ka lamang sa alabok

ng ating nagigibang pagsasama kaya di mo nakikita

ang kalunus-lunos na sinapit ng mga biktima.

Nanghihinayang ako sa ating binuo at ngayo’y gumuguho

habang ayon sa balita ay patuloy na tumataas  

ang bilang ng mga nahuhukay.

  

 

 

 

   

Posted by kikomontesena at 02:29 PM | Add a Comment

May 29th, 2008

Bubog

Sa Babaeng Kumakain Ng Bubog

(pagkatapos mapanood sa TV)

ni Francisco A. Monteseña  5/29/08

 

 

 

Anong mayroon sa loob ng iyong bibig

at nagagawa mong nguyain

ang sambunton mang bubog?

Sa pag-unawang ipinasubo ng iyong kalagayan,

nilululon mo ang tigas at hapdi kahit wala

ni pangkaraniwang sarap. Sabi mo’y  kahit pa lipas

sa panlasa, nabubusog ka rin ng pangangamba.

Kahit mangawit man ang panga, ang bayad mamaya

ay higit pa sa sinangkutsang grasya.

Sabi mo’y pangarap mo noong hulihin

lahat silang kumikinang sa langit, tila mga kending

kaysarap paglaruan ng iyong dila at hilig.

Naglalaway ka habang nakatingala, nagbibilang

kung ilang bituin ang magkakasya sa bibig.

Iyon marahil ang narinig ng maagap na tadhana

kaya kusa niyang ibinadya ang iyong kapalaran

na lumamon ng mga tala – sila man

 ay magsabubog sa bibig.

 

 

Posted by kikomontesena at 04:16 PM | 3 comments