December 10th, 2007

Sa UP Dec 8

Nagpunta ako sa UP campus noong Sabado para sa :

1) miting sa opisina ni Tata Raul Funilas para sa yahoogroup na Kamakatahan kaugnay ng binabalak na launching ng Unang Sulyap, ang unang koleksyon ng mga tula mula sa mga miyembro. Nakailang ikot ako ng campus bago natagpuan ang tangggapan na ilang beses na palang inikutan ng jeepney. Nadatnan ko doon si Rose Ydia at si Ka Willie Bongcaron, siyempre si Tata. Pagkakita ko pa lamang sa chapbook ay na-impress na ako sa cover pa lamang. Ang ganda ng pagkaka-layout ni Zig Dulay sa mga obra ni Kuya Sam Gilbang. Mukhang mamahalin ang chapbook na ayaw kong tawaging chapbook dahil isang magandang libro ito na may high quality paper at prints. Ilang sandali ay dumating sa miting sina Kuya Sam na may dalang meryenda kumpleto mula sa pansit hanggang sa pantulak. Nagbiro ako na ang sarap palang makasama sa miting si Kuya Sam. Dumating din si Kyo Zapanta na seksing-seksi ngayon. Bakas sa mata ng mga dumalo ang tuwa sa kinalabasan ng pagpapagod ng mga moderators sa pangunguna siyempre ni Tata Raul. Nais sana naming i-set ang date para sa formal launching ng libro subalit dahil sa gahol na sa panahon, (karamihan sa mga members ay may mga personal ng commitment sa mga darating na araw ng Disyembre) ay isinantabi na muna ang launching na maaaring pas-usapan sa susunod na miting. Personal na nagbigay at nagsulat ng mensahe ang mga naroon sa kani-kaniyang kopya ng libro kaya mapalad kaming nagkaroon ng pirma at dedication ng mga umattend na members. Humabol sa miting si Zig Dulay na napakabata pa pala at malayo sa inaasahan ko. Nagpahinga kami sandali pagkatapos ng usapan dahil kailangan naming tumungo sa film showing ng Tribu para sa medical support kay Tata. Inisponsor ito ng LIRA kungsaan officer si Tata at members din si Kuya Sam, Mic Camba at ako at 2006 fellow naman ang karamihan sa mga members ng Kamakatahan tulad nila Kyo, Kuya Willie¸ Me-ann, Rey Tamayo at iba pang di ko matandaan (pasensya).


2) Tumuloy kami sa Film Institute at doon ay napakiusapan ako ng LIRA president na si Bebang na magtakilyero muna dahil dumarating na ang mga estudyante. Hindi naman ako makahindi sa kaniya kahit alam kong nagsisimula na ang okasyon sa UP-ICW para naman sa launching ng LIKHAAN journal. Nagtext ako kay Sir Vim kung anong oras magsisimula para makapagpaalam ako kay Bebang. Text back niya ay mga 7 para safe. Mabuti na lang at sinalo ni Dai, isa pang LIRA member ang pagtatakilyera para makasimple akong umalis. Pagdating ko ng ICW nang 7, tapos na pala ang launching at tinatawag daw ang pangalan ko upang magbasa. Nanghinayang ako, pero ganoon talaga. Bumalik na lamang ako sa Tribu showing dahil nais ko talagang mapanood ito at malaman kung bakit ito pinaguusapan. Satisfied naman ako sa movie dahil napakanatural umarte ng mga tauhan sa pelikula kahit di naman mga kilala. Napakanatural ng eksena sa mga rambulan at maging ang simpleng mga pangyayari sa mga gilid, eskinita ng Tondo. Maganda ang paglalarawan ng pelikula mula sa mata ng isang bata.


3) Pagkatapos ng film, around 9 na siguro iyon ay tumungo kami muli sa ICW para naman sa writers night. Natuwa ako dahil napakarami kong nakitang pamilyar na mukha. Maging ang mga dating kaibigang hindi ko na nakikita ay lumapit at bumati sa akin tulad ni Alex Agena. Nandoon din ang mga kasama kong Performance Poetry trainor sa Baguio na sina Siege Malvar, siya pa talaga ang lumapit sa akin para batiin ako, at si Sir Fer Edilo na may number pala sa programa. Nakigrupo muna ako sandali sa mga 2007 LIRA fellows ( na ang graduation ay sa Dec 11 na) kasama si En at Mao habang di na mabilang ang nalagok na Tanduay at Coke blend. Binati ko din ang ilang mga writers na andun, Si Sir Jun Balde ay napaka-warm kahit kailan sa akin at lagi daw niyang nababasa ang mga tula ko kapag nag-gogoogle siya. Napakasipag ko daw. Si Sir Mike Coroza naman ay nagkuwentong inanyayahan siya noong isang buwan ng aking High School Alma Mater sa Laguna at doon niya nalamang ang pinsan pala niya ay naging adviser ko noong Second Year. Tinapik ako sa balikat ni Sir Rio at ibinulong na tinatawag daw ako para magbasa at saka ko sinabing nagtakilyero muna ako courtesy of Bebang kaya nalate. Kinakantyawan ako ni Sir Vim kung bakit daw di ako nagpe-perform sa mag invitations niya kahit ipinaliwanag ko na sa kaniya noon pa ang problema ko sa opisina. Binati din ako ni Sir Eros Atalia at nagapologize na di daw niya ako nabati sa Komisyon, (nanalo din siya doon). Sumimple na lamang akong umalis nang mga 11 pm na dahil parating na ang sundo ko sa Vinzon’s hall.



Posted by kikomontesena at 08:15 AM | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: