December 6th, 2007
Mula sa blog ni Rene Villanueva (RIP)
Ito ay isinulat ni Sir Rene pagkatapos niyang
maglecture sa LIRA noong Oktubre. Bisitahin ang
kanyang blog para sa iba pa niyang akda.
www.renevillanueva. blogspot. com
TUESDAY, OCTOBER 23, 2007
Hindi Kailangan ang Manunulat
Galing ako sa isang panayam noong Linggo na dinaluhan
ng mga nagsisimulang makata at nag-aambisyong maging
manunulat. Gaya ng dapat asahan, salamin ng
ekspektasyon ang mga mata nila. Sigurado sa
pagkakahawak sa bolpen ang mga kamay nila at bawat isa
ay matamang nakahanda na magtala ng anomang payo na
magagamit nila sa mahaba-habang landas ng pangangatha.
Ngunit, tulad ng dati, hindi ko napigilan ang sarili
ko at muli ko na namang pinairal ang walang-pusong
ako. Nang umagang iyon, walang pangimi kong tinigpas
ang mga pangarap nila at ang mga bituing nakasungaw sa
kanilang balintataw ay hinablot ko pababa upang
mahulog at mabasag. Binigo ko sila sa kanilang
inaasahan.
Sinabi ko sa kanila ang totoo: na hindi kailangan ng
lipunan ang manunulat, na walang kahit sinong
nangangailangan sa manunulat.
Hindi kailangan ng lipunan o ninoman ang manunulat
dahil walang silbi ang pagmamanunulat.
Walang praktikal na buting naidudulot sa isang
komunindad ang manunulat. Hindi ito napakikinabangan
tulad ng paglalatero, dentista, abogado o kahit
pagiging ama o ina ng isang tahanan.
Kung iisipin, ano ba talaga ang silbi ng isang
manunulat, na hindi kayang gawin ninoman sa lipunan?
Walang anoman.
Karaniwan, iniisip nating ang manunulat ay tagalikha
ng pangarap para sa ating lahi. Sila ang may bokasyon
para managinip para sa lahat. Pero hindi natin
kailangan ang manunulat para magkaroon ng pangarap.
Hindi monopolyo ng manunulat ang kakayahang managinip.
Bawat isang indibidwal ay may kakayahang masiyahan o
di-masiyahan sa mga bagay sa kanyang paligid. At dito
nagmumula ang pangarap at panaginip.
At ang pagkakaroon ng kakayahang mangangarap, ang
kakayahang mag-isip ng mas magandang posibilidad ay
kakayahan ng bawat tao. Kahit Juan o Pedro ay puwedeng
magmithi ng mas mabuti kaysa kasalukuyang kalagayan o
kairalan.
Kung gayon, walang natatanging silbi sa lipunan ang
manunulat.

Posted by kikomontesena at 03:10 PM | Add a Comment