September 1st, 2007
eto na ang Pinaltok!
Pinaltok ni Onyok
Ni Francisco Arias Monteseña
Unang Gantimpala
Gawad Komisyon ng Wikang Filipino 2007
Tuwang-tuwa ako tuwing oras ng meryenda. Tiyak ko na ang ihahain ni Inay ay ang paborito kong Pinaltok.
Maaga siyang gumising at agad inutusan si Kuya Ben na ilabas ang kudkuran ng niyog. Agad sumunod si kuya. Biniyak ang ilang niyog at agad kumubabaw sa kayuran at parang hineteng kumabayo sabay kayod sa niyog. Nang matapos ay nagkusa na siyang gatain ang niyog kahit di sinasabi ni Inay. Alam niyang ang gata ang gagamitin ni Inay na pampasarap sa Pinaltok. Si Inay naman ay naggadgad ng kamoteng-kahoy at gabi. Binilog-bilog sa palad at isa-isang inilagay sa malapad na bandehado. Isinalang niya sa tungkuang may apoy ang kaserola at ibinuhos ang gata. Hinintay kumulo kasama ang ilang dahon ng pandan. Nakahanda sa isang tabi ang pulang asukal.
Plok, plok, plok
................
simula lang ng kuwento yan mga bata

Posted by kikomontesena at 11:42 AM | 2 comments