Entries for August, 2007

August 6th, 2007

Casino

We went to Fiesta Casino last Saturday night. My sister treated us for her husband's bday. We had a very good lunch na buffet style kaya naman halos di ako makalakad sa bundat. they played roullette at nagenjoy naman kami.

I am expecting na sana makasama ako sa Performance Poetry workshop ni Sir Vim scheduled sa Sept 28 to Oct 2. Ang venues ay sa UP, sa Clark at Baguio. Bale trainor's training ito na sponsored ng British Council in line sa tour ng performance poet na si Francesca Beard. Sana makapagpaalam sa office ng maayos.

Posted by kikomontesena at 08:59 AM | Add a Comment

August 13th, 2007

grab a copy

mga friendly friends,

Please grab a copy of the latest Phil Graphics issue , Vol 18 No 10, week ending aug 13, yung si Erap ang nasa cover. Nandun ang english poem ko na ginawa noong una pang panahon na bahagi ng isang palitan ng salita sa Pinoypoets noong hinahandle pa ni Jun dela Rosa.

Dahil may Quentin Tarantino fever ngayon, pinanood ko ang pelikula niyang Reservoir Dogs kungsaan isa rin siya sa mga bida. madugo talaga ang mga pelikula niya

Natawa naman ako sa text message ni Makoy tungkol sa interview kay Angel Locsin: Sabi dw ni Angel "Palagi na nga akong puyat, magpapaabort pa ako!" Nasaan daw ang konek dito? Di ko masagot dahil di pa ako nagpapa-abort bwahahahhahaa, kayo...Pakisagot nga po si Makoy







Posted by kikomontesena at 02:41 PM | Add a Comment

August 16th, 2007

Elemental

Elemental
ni Francisco A. Monteseña, 8/16/07



Dayuhan ang paniniwala
sa lahat ng di inaakala.
Nandiyan sila,
hindi tayo nag-iisa.
Nakikihati sa hamog mang
nalalaglag sa lupa.
Ito ang paliwanag na di maliwanag
ni Indang nakakikilala sa di nakikilala.
Mayroon kang bantay
noon pa mang isilang.

Mula noon ay matagal kong
Inabangan ang pagsasa-anyo
ng mga bagay na madalas sa akin
ay kumakalabit:
mga huni sa isip,
sagitsit sa paligid,
mga yabag,
minsan ay dagundong,
o kaya ay bulong.
Dinig ko ang mga boses sa paligid,
umaaligid, sa lamig ng hangin
ay nagpapasigid.
Magsiiling man
ang mga Pantas-Agham,
may mga hiwagang
di natututuhan-tulad nang pagkakalikha
sa kanilang tila bula,
lilitaw, papailanlang,
magpaparamdam
at biglang mababasag…mawawala.
Mga di maisamata
ngunit alam mong naririyan;
mga tapat na katotong
kalipon sa maghapon,
nanggaganyak, nangungusap,
umaawit, nakikipangarap,
tumututol, umiiyak,
kakambal na kahit sa hirap.
Ay! marahil iilan lamang kaming mapapalad.
Posted by kikomontesena at 02:05 PM | Add a Comment

August 22nd, 2007

CCP- ANI 33

CCP’s ANI marks 20th Anniversary
>
> ANI, the Cultural Center of the
> Philippines’ (CCP) literary yearbook, marks its 20th
> Anniversary with the launching of its Nature and
> Environment Issue on September 11, 6:33 pm, at the
> CCP.
>
> In his introduction to ANI 33, editor
> Hermie Beltran writes that the volume explores anew
> nature and environment as metaphors of the human
> condition.
>
> The volume includes poems, short stories,
> essays, translations and a play by 77 contributors,
> namely, Jose Marte A. Abueg, Merlie M. Alunan,
> Alexander Barrios Agena Jr., Mark Angeles, Billy T.
> Antonio, G. Mae Aquino, Carlos A. Arejola, Bryan
> Mari Argos, Mesandel Virtusio Arguelles, Genevieve
> L. Asenjo, Abdon M. Balde Jr., Archie Barcelona, Gil
> S. Beltran, Herminio S. Beltran Jr., Ramon M.
> Bernardo, Kristoffer Berse, Hazel E. Caasi, Raymond
> Calbay, Nonon Villaluz Carandang, Ravelth B. Castro,
> Dexter Bomediano Cayanes, Jose Jason L. Chancoco,
> Kristian S. Cordero, Soledad B. Corong, Genaro R.
> Gojo Cruz, Mario L. Cuezon, Inez Ponce de Leon, Ayn
> Frances dela Cruz, Maureen Gaddi dela Cruz, Rodrigo
> V. dela Peña Jr., Dennis Espada, Filipino L.
> Estacio, Raul Funilas, Jeneen R. Garcia, Luis P.
> Gatmaitan, Fernando R. Gonzalez, Gelacio Y.
> Guillermo Jr., Sid Gomez Hildawa, Tala
> Isla-Contreras, Ferdinand Pisigan Jarin, Marne L.
> Kilates, Erwin C. Lareza, Nestor Lucena, Maricristh
> T. Magaling, Niño Manaog, Gutierrez Mangansakan II,
> Perry C. Mangilaya, Noahlyn Maranan, Pia
> Marquez-Matic, Glenn Sevilla Mas, Marcel L. Milliam,
> Francisco Arias Monteseña, Victor Dennis Tino
> Nierva, Emma S. Orozco, Voltaire Q. Oyzon,
> Chuckberry J. Pascual, Emman Pascual, Zosimo
> Quibilan Jr., Betty Regala, Raymund P. Reyes, Elyrah
> Loyola Salanga, Romel G. Samson, Soliman Agulto
> Santos, Fely M. Senido, Rakki E. Sison-Buban,
> Beverly Siy, Emeniano Acain Somoza Jr., Dolores R.
> Taylan, John Iremil E. Teodoro, Kathline Tolosa,
> Christian Tordecillas, Enrico C. Torralba, Ma.
> Georgina J. Verdolaga, Santiago B. Villafania,
> Camilo M. Villanueva Jr. and Rosemarie Medina Ydia.
> Book design and layout are by Rommel Manto, using a
> photograph of Junyee’s installation, “Angud”, for
> the cover, and a print, “Inang Kalikasan” by Neil
> Doloricon.
>
> (For verification, please contact: Mr. Arnel F.
> Tabaranza, CCP Literary Arts Division, tel. no.
> 832-1125 locals 1706, 1707; mobile 0917-8379922.)

Posted by kikomontesena at 08:54 AM | Add a Comment

August 23rd, 2007

All About Eye

Finally, nakapagpacheck up na rin ako ng mga mata ko. Natatakot ako dahil tuwing gabi ay halos wala na akong makita kahit nakacontact lens pa ako. Ang sabi ng doktor, may mga gasgas ang mga mata ko at pinayuhan na magpalit na ng contact lens kaya ayun, nagpagawa na rin ako ng eyeglass para makapagpahinga ang mata ko sa constant use ng CL pati na rin ng extra pair pa na may astigmatism naman. So all in all isang pares ng CL, isang eyeglass, at isa pang for astigmatism ang naipagawa ko hayyy, sobrang gastos.
Posted by kikomontesena at 10:11 AM | 1 comments

August 30th, 2007

Bahay at buhay

*Nagpapaayos ako ng bahay at ang punong-abala ay ang aking sister, siya ang nagpaplano sa hitsura, canvass ng materials, karpintero at sa lahat-lahat. Sa kaniya ko ipinagkatiwala dahil magandang lumabas ang bahay ng isa kong kapatid, parang condo type ang naging dating, ang ganda ng banyo at kusina na gusto kong mangyari sa bahay ko. Balak din niyang lagyan ng loft para doon ako magkuwarto at ang nanay ko naman sa baba. Wish ko lang magkasya ang budget ko at wag sanang mag over-budget sa aming estimates. Excited na ako sa magiging hitsura ng bahay ko. Lahat yata ng savings ko simula noong magtrabaho ako, sa bahay napupunta. Sa mga gamit at sa kung anu-anong pagkukumpuni.

**HIndi ako nakarating sa UMPIL dahil maysakit ang Nanay ko na laging natataon kapag may mga ganitong okasyon.

***Medyo magulo ang line-up ng performers sa Pistang Panitik sa Saturday Sept. 1. May separate list kasi ang pamunuan kungsaan kasama ako sa Performance Committee, ngunit may iba palang inimbita ang ibang officer. Ayun nagkagulo-gulo. Yung isa, nagtetext na tuloy kami sa pagperform at ang pangulo naman ay nagtext na di na tuloy. Syempre susunod ako sa pangulo kaya di ninyo na ako mapapanood magperform. Sayang naman ang binili kong malapad na sumbrero at sandals, tapos nagpatagpas ako ng isang sanga ng punong langka para kunin ang mga dahon na gagamitin ko sanang props. At sayang ang maraming oras ng pagpapraktis. Isinoli ko na rin ang gagamitin ko sanang damit. Anyway, dasal kong maging maayos ang pagdaraos sa Sabado kahit di ako matutuloy. Sana sa susunod na imbitasyon maging mas maayos ang ugnayan at palitan ng impormasyon para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.


****Pinanood ko ang "The Invasion" ni Nicole Kidman at nag-enjoy ako. Pati yung indie film ng "Signos", maayos ang istorya at magagaling ang mga artista.

Posted by kikomontesena at 09:07 AM | Add a Comment

Komisyon Sa Wikang Pilipino

Katatanggap ko lang ng tawag mula sa Komisyon ng Wikang Filipino na ang una kong attemp na magsulat ng kuwentong pambata ay nagwagi ng Unang Gantimpala. Di ako makapaniwala kaya humingi ako ng patunay. Ifinax nila ang Katibayan/ sertipikasyon at bukas ay inaanyayahan ako sa awarding sa Bayview Hotel. Di ako makapaniwala. ang maikling kuwntong pambat ko ay may pamagat na "Pinaltok ni Onyok."
Posted by kikomontesena at 04:00 PM | 4 comments