Entries for July, 2007

July 2nd, 2007

Silence

The Rhythm of Silence

Francisco Monteseña





Alone in the dark,

with the absence of sight.

Can’t see the difference between things,

understand the purpose of their presence,

their reason of existence.



Silence leads me to hear

the quiet beating of my heart.



I can feel the rhythm

commanding me to dance,

with my heart as the drum.

Loosen my tight muscles

in harmony with the beat.

Flex them a little,

display some footwork ,

with the melody of my soul

that no one can hear but only

me and you.



In this imaginary dance floor,

I sway in music of silence.

in slow dance or tango

where I need a partner to go.



I felt a presence who leads me

to an enchanting experience.

Like lovers in heat,

I wish to make love

with anyone near.



I realized

It is not really the senses

which are important,

who will lead me

to feel, see, touch,

smell, and hear

the rhythm,

but only you.



How I wish that your

hand will guide me

to a never-ending dance

we call

Life



Shall we dance?


Posted by kikomontesena at 11:36 AM | Add a Comment

anong nangyayari?

*Nakabili ako ng "Girbaud" rubber shoes at 40% off sa Sta. Lucia East Mall last Saturday.

** I heard the news about my auntie na na-stroke at comatose ngayon.. Noong malakas pa ito ay masama ang ugali sa pamilya ko at sa nanay ko, at ngayon pareho na naming pinatatawad ng nanay ko anumang nagawa niya sa amin.

***Napanood ko na ang Transformers, at go go go , manood na rin kayo.

**** sa text nagsimula, sa text nabubuo, bahala na kung paano matatapos

***** I was advised by my optometrist na ipa laser na ang mga mata ko, lumalabo pa ito kahit naka contact lens na ako. But its 50K per eye so lumalagapak na 100K ang kailangan ko. Sus! I was just there to have an eyeglass pero dahil sa taas ng grado ng mata ko eto nga ang suggestions nila. Ewan ko magpapakabulag na lang yata ako

****** I've got a new MP4 na ipinabili ko sa isang kaibigan from Australia. Lahat kami d2 sa office ay nagbilin sa kaniya. Tinanong ako ng officemate kong si MJ, anong gagawin mo sa Ipod mo? Sabi ko sa kaliwang tenga ang Ipod, sa kanan ang MP4. Ang yabang ko bwehehehehhehe. But kidding aside with all the technology, sino ba naman ang hindi maho-hook sa mga gadgets? Even my nephew na grade 3 pa lamang ay may PSP na, eh noong panahon ko , game & watch pa lamang ang alam ko








Posted by kikomontesena at 02:45 PM | 4 comments

July 4th, 2007

Kahapon

Kahapon
Ni Francis Monteseña, 7/4/07


Lilingon tayo at lilingon,
Iyan ang likas na tugon
sa lagi nang tanong
kung gaaano kahalaga
ang tinalunton.
O kaya
May dapat lingunin:
Mga bakas
na di man makita’y
may mga markang
nakakintal sa daan.
Mga pumanaw na tanaw
na patuloy na nagpapasilay.
Parang hanging
mahirap pigiling samyuin.
Itanggi mang itangi
ang nagdaang oras,
ang tiktak nito’y
tibok ng lupang
kahit ilibing
ay madidinig pa rin.
Anupa’t ang di pagharap
sa lipas mang alaala
ay pagiging bitag
sa bukas na madawag.
Lumingon tayo
at angkinin muli
ang mga dinaanan
ng sulyap,
ang mga hinipong
pangyayari,
ang mga bagay
mang nabasag.
Dito mabubuo,
sa pagbabalik
ang mga palaisipang
kulang sa bahagi.
Kung nanaisi’y
Piliin ang akma
sa sukat ng gunita,
Katulad ng pagpili
sa kamusmusang
binalot ng katuwaan,
Tila pagpili ng laruang
nasira man ay di maiwan-iwan.
Ay! Kahapon
Kahit pa wikaing
Ibaon, ibaon
Ilibing, ilibing.

Kahit pa sabihing
Iba na ang naglalaro
Ng laruan mo noon,
O kaya’y
Iba na ang laro ngayon,
Nasa mga sulok pa rin
ng daan ang nagdaan,
mahirap kaligtaan.
Ang nakaraan
ay di kalansay
na naiiwang nakalibing.
Ito ang kaluluwa ng bukas.


Posted by kikomontesena at 09:16 AM | Add a Comment

July 10th, 2007

Share: Washington Post Rhyme

excerpts from Ricky Lo's column on Phil Star:


These are entries to a Washington Post competition asking for a two-line rhyme with the most romantic first line but the least romantic second line:



My darling, my lover, my beautiful wife:

Marrying you screwed up my life.  



I see your face when I am dreaming.

That’s why I always wake up screaming.  



Kind, intelligent, loving and hot;

This describes everything you are not.  



Love may be beautiful, love may be bliss,

But I only slept with you ‘cause I was pissed



I thought that I could love no other —

that is until I met your brother.  



Roses are red, violets are blue,

Sugar is sweet, and so are you.

But the roses are wilting,

The violets are dead, the sugar bowl’s empty

And so is your head.  



I want to feel your sweet embrace;

But don’t take that paper bag off your face.



I love your smile, your face, and your eyes —

Damn, I’m good at telling lies!  



My love, you take my breath away.

What have you stepped in to smell this way?



My feelings for you no words can tell,

Except for maybe “Go to hell.”  



What inspired this amorous rhyme?

Two parts vodka, one part lime.

Posted by kikomontesena at 08:40 AM | Add a Comment

July 11th, 2007

Tula na naman

Eskultor
Ni Francisco Monteseña, 7/11/07


Kung ang tuntungan ko ma’y lupa’t
Inililipad ng alikabok ang anyo,

marahil ay ito ang tama mong hipo.
Sinusukol ka lamang ng takot

na baka magawa mong mahaba
ang aking mga kamay

at makaya kitang lingkisin.
Dinadalaw ka ng sindak

na baka magkabuhay
ang aking mga mata

at matukoy ko ang hantungan
ng iyong mga tingin.

Nagsasalikop ang pangambba
sa iyong mga ugat

na baka malikha mong makinis
ang aking balat, at madama ko

ang gaspang ng iyong pagsalat.
Baog kang manlilikha!

Kaya hanggang ngayon,
nananatili akong walang buhay
Posted by kikomontesena at 04:43 PM | 2 comments

July 12th, 2007

Phil Graphics


Nasorpresa ako nang tanggapin ng Phil Graphics ang mga una kong english poems na ginawa noong una pa na di pa ako nagwoworkshop. Di ko alam kung matutuwa ako. Kasi nagtry lang ako kung papansinin nila dahil di na sila nag-aaccept ng Filipino poems at surprisingly eto nga:





Dear Mr. Monteseña:

Thank you for your contribution.

Poems - Miss Lady Long Gone
The man apologizes to his lady
Lady turned down the man's apology
The man depends himself and doubts the Lady's love
The lady finished off the man
The lady & the angel
The Rhythm of Silence

It's accepted and will appear in our forthcoming issue.

Message from:

- The Literary Editor -




Best regards,

Christine C. Mangulabnan
Editorial Asst.



Posted by kikomontesena at 04:19 PM | 1 comments

July 23rd, 2007

The week that was

* I attended the lecture na ginanap sa UST, kinuha ko na rin doon ang copies ko ng Tomas #11 kungsaan naka-feature ang mga unedited poems na isinubmit ng mga fellows for the 8th National Writers Workshop. Ang ganda ng quality ng Tomas na may pamagat na " Brushes With Words." As usual mam Ophie was so nice to me na nangakong bibigyan niya ako ng book niya kapag bumisita muli ako sa UST.

** Nag dvd marathon ako , inumpisahan ko sa North Country ni Charlize Theron, The Game ni Michael Douglas, Sling Blase ni Billy Bob Thorton, Match Point directed by Woody Allen at isang napaka-controversial ng tema na Spanish or Mexican film na "Adentro", I forgot the whole title tungkol sa isang paraplegic na humiling sa korte ng karapatang mawakasan ang kaniyang buhay sa gitna ng pagtutol ng mga kamag-anak. bihira akong makurot sa puso ng mga pelikula, pero ang isang ito ay nahikayat akong di lumabas ng kwarto ko at tapusin ang pelikula mula sa umpisa hanggang sa climax ng movie.

Posted by kikomontesena at 08:19 AM | 3 comments

July 24th, 2007

Tula

Balon
Ni Kiko A. Monteseña 7/24/07


Kung timba akong
inilulusong sa balon,

Takot man sa dilim
ay di maaaring umahon.

Sakaling marating,
At matanaw na ang pusod,

Di nag-aalala
na ako ay malunod.

Dahil ang katapusan
Ng bagabag at agam-agam,

Iaahon mo rin ako,
Iyan ang katotohanan. .
Posted by kikomontesena at 11:02 AM | 1 comments

July 25th, 2007

Lohika

Lohika
Ni Kiko A. Montesena 7/25/07


Kung kamatayan
Ay nandiyan lamang sa tabi
At naghahasa ng kaniyang karit,
Ano ang laban ng katawan
Kung hinihingi na niya
ang oras ng katapusan?
Laban ng masama sa katwiran?
At kung ang katawan ang katwiran,
Saan ang hangganan ng paglaban?
Katulad ng pagtabi ng kamatayan
sa sundalong sugatan, nanunubok,
naghihintay lamang ng pagkakaton.
Kung gayun, ang kamatayan ang kalaban?
Ngunit sino ang tinig na nagsasabing siya
ang kaaway na kumakaway?
Para saan ang pag-ibig
na hanggang kamatayan?

Posted by kikomontesena at 11:56 AM | Add a Comment