Entries for June, 2007

June 5th, 2007

Tula

Bagahe
Ni Francisco A. Monteseña, 6/5/07


Huwag mo nang tangisan
ang pagsasabagahe ng mga alaala.
Kahit pa sila ay mga hantik
na patuloy na nangangagat.
May katapat na gamot
sa kanilang nalikhang sugat.
Buksan mo na ang maleta
at kung maaari
ay huwag mo nang titigan
ang mga sinasalansan.
Kung nais mo’y unahing itupi
ang mga noo’y pinaniwalaan:
pangako, sumpa
Itali sa supot ang mga halikhik
at tunog ng harutan.
Bitawan mo na ang lahat
na noo’y itinago:
sulat, pasasalamat,
karinyo, kapritso,
lambing, daing.

Itapon na ang mga dahilan
sa likod ng mga itinatago:
kupasing pag-asa,
lumuting paghihintay,
basag na pagsamo.

Hindi nagsisinungaling
ang mga yabag
na walang tunog,.
Hindi na biro
ang pagkawala ng panlasa
sa noon ay mga maiinit
at kinasasabikang tagpo.
Ito na ang tamang panahon
ng pagliligpit.
Hindi ito pagtakas.
Ito ay paglaya.


Posted by kikomontesena at 03:31 PM | Add a Comment

June 13th, 2007

Mga Bago

* May bagong bukas na therapeutic massage center sa Antipolo accross Shopwise, sinubukan ko noong Monday at it was so relaxing, ang sarap ng pakiramdam after the 1 hour session at P225 sulit na sulit.

** May bagong bukas na gym sa Antipolo accross sa tricycle station na sinasakyan ko coming from the office, nagenroll ako kahapon at one month free kaya ang binayaran ko na napakamura ay good for two months na. Sana mawala na ang tiyan at bilbil ko dito. Sa unang salang ko aba at parang nanibago ang katawan ko thread mill pa lang at stretching nahihilo na ako Kasi ba naman ang daming repetitions. Mabuti na lamang at mababait ang mga nagaassist doon, todo asikaso sa akin.

***May bagong position na inoffer sa akin sa office in lieu of my third year anniversary last June 7. Iniisip ko pa kung tatanggapin ko, It is a pretty good offer kaya natetemp ako kahit pa nga ayoko na sa trabahong ito.

**** May bago na akong laptop ( actually 2nd hand kong nabili) from my co-officemate na nagipit sa pera. Maganda pa ang unit (Dell) at tamang-tama sa balak kogn magseryoso sa pagsusulat.
Posted by kikomontesena at 08:19 AM | 3 comments

June 16th, 2007

Blackout

* Ive watched Blackout and its a different Robin I saw. Iba ang atake niya dito kesa sa la Visa Loca. Imagine na magpalaki siya ng tiyan at magmukhang marungis just to fit the role to a T. Pinanood ko ito hindi dahil sa fan ako ni Robin, actually na ooa-an nga ako sa pag-arte niya. Nanood ako dahil fan ako ni Iza Calzado. I really like her beauty, so mesmerizing.

Actually dalawang istorya ito sa punto bista ng karakter ni Robin bilang Gil kungsaan ito ang central story at ang kwento ni Iza bilang Belen na may sariling conflict ang karakter. Dito mas nagustuhan ko ang pag-arte ni Robin kaysa kay Cesar Montano sa Ligalig. Mahusay din si JM Reyes bilang anak ni Robin na si Nino, natural ang pag-arte ang magaling umiyak. Si Ella Guevarra ay walang dialogue dito ngunit ang lakas ng presence sa pelikula. kahit ang neighbor nilang lalaki na may tattoo na malaking mata ay mahusay din. Maganda ang istorya at ang pagkakalahad ng twist. Sayang nga lang at mas marami pa ang nanonood ng gasgas na plot na "Regine/ Piolo" movie kaysa sa seryosong pelikulang tulad nito.

**naglinis ako ng kwarto ng mother ko at natuwa naman siya sa akin.
Posted by kikomontesena at 12:43 PM | Add a Comment

June 18th, 2007

Jokes

Pampalamig ng ulo. read till the end, hehehe.

IBANG POSISYON:
Husband: Shall we try a different position tonight?
Wife: Thats a good idea dear!... doon ka sa may plantsahan at ako naman ang
uupo sa sofa at manoood ng tv.

REGALO:
Mare: Di yata nagustuhan ni Pare ang birthday gift mo, ah...
Mrs: Oo nga, 7 months na, di pa rin ginagamit.
Mare: Bakit, ano ba regalo mo sa kanya?
Mrs: Memorial Plan.

KRIMINAL:
KRIMINAL 1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?"
KRIMINAL 2: "Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito, wala parin siya!
Sana naman walang nangyarin! g masama sa kanya...

TUTPIK:
Kustomer: Ano ba naman itong tutpik nyo, iisa na nga lang, ang dali pang
mabali!
Waiter (inis): Alam nyo, sir, ang dami nang gumamit nyan, pero kayo lang
nakabali!

CONFIDENT VS CONFIDENTIAL:
Anak: Itay, ano ang kaibahan ng confident sa confidential?
Itay: Anak kita, CONFIDENT ako dyan. Yung bespren mong si Tikboy, anak ko
rin, CONFIDENTIAL yan.

FIRST LOVE NEVER DIES:
Anak: Inay, totoo ba na "First love never dies"?
Nanay: Aba, oo. Tignan mo yang tatay mo, hangga ngayon, buhay pa ang
animal!

PROMOTION:
Judge: Ikaw na naman! Sampung taon ka nang humaharap sa korte ko ah!
Swindler: Your Honor, di ko kasalanan kung hindi po kayo ma-promote.

AMPON:
Anak: 'Nay, tinutukso po ako ng kalaro ko na anak ako sa labas!
Nanay: Hindi totoo 'yan, anak. Ang sabihin mo sa kanila, ampon ka!

ANG SULAT:
Patient: Dok, malungkot dito sa mental kaya naisipan kong sulatan ang
sarili ko...
Doc: E ano naman ang laman ng sulat mo?
Patient: Di ko pa po alam kasi next wik ko pa ata matatangap.. .

RAPE SUSPEK:
ATTY: Inday, pwede mo bang idiskrayb dito sa korte ang taong nangreype sa
'yo?
INDAY: Maitim, panot, tagyawatin, pango ilong, at bungal...
SUSPEK: Sige!...mang- asar ka pa!!!!

Chemistry teacher asked a sexy student, "What are NITRATES?
The student replied shyly, "Ma'am, sa motel po.
NITRATES are higher than day rates!"


Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala
niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.


WHO'S GUILTY?
Wife dreaming in the middle of the night
suddenly shouts, "Quick, my husband is back!"
Man gets up, jumps out the window and realizes, "Damn! I am the
husband!"


Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin
nila, nagkopyahan tayo?!

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!


Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?!
Ang H2O ay water! At
ang CO2... cold water.


Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
"Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel.
"Oo naman!" tugon ni Dado.
"Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel."O,ano, meron bang basketbol sa
langit?"
Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong
balita sa 'yo. Ang maganda, may basketbol doon. Ang masama...
kasali ka sa makakalaban namin bukas!" (ngek!)


Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang
Pacific Ocean, siyaang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yungDead Sea?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!


Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.


Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aaway
Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito,away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!


Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang
ipagsabi.Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng onemonth.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Mister: Bakit Naka-record diyan na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sarecord, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad?
Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Tag-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.


Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan parin!


What is the difference between a girlfriend,a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.

Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.


Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay
kaming kumain. Ngayong
mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!


Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano
raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!


Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya
ang kanyang misis na may
katalik na lalaki sakama...
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANGUSAPAN!


Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!

Posted by kikomontesena at 08:39 AM | 2 comments

Tula

Mille Luce
ni Francisco Monteseña, 6/18/07



Dahil Itay, ang sabi mo
ay di kailangang paniwalaan
ang mga di kapani-paniwala,
natutuhan kong magsinungaling.
Na di ko naririnig ang taghoy ng lupa,
ang bulong ng dingding, ang sitsit ng dilim.
Nahihiya akong makita mo ang nakikita ko.
Kaya noong isakay mo ako sa mga balikat mo
upang tanawin ang libong liwanag
mula sa burol na madalas mong pasyalan,
hindi ko nahiwatigang ayaw mo lamang ipakita
ang iyong mga mata sa akin at baka malaman kong
iba ang iyong nakikita sa aking nakikita.
O kaya naman ay ayaw mo lamang
ipasilag sa akin na may ibang liwanag
akong mahahanap - mille luce,
repleksyon ng milyong kislap
na namamahay sa iyong mga mata.
Dito ka nagkakaroon ng panibagong buhay.
At akong iyong pasan-pasan,
ay pinaglalahuan ng takot at agam-agam.
Alam kong di mo ako bibitawan.
Sabay tayong mangangarap mahiga
sa bunton ng mga ilaw.

Kailan kaya matatapos
ang pagkahaba-habang pagtanaw?
Posted by kikomontesena at 03:21 PM | Add a Comment

June 25th, 2007

Tula

Putot
Ni Francisco Arias Monteseña, 6/25/07



Sa unang hakbang
ay kaya pa ang bigat.
Batid pa ang baybay ng gaan.
Hanggang sa ikaw’y sumakay
Na may bitbit pang bagahe.
Walang angal akong umabante.
Sa tapik ng iyong paa,
Nasanay na ako sa bigat ng dala-dala.
Kaya’t nang umalis ka
sa pagkakasakay,
Naiwan akong naghahanap sa bigat,
Kumakapa sa hirap
na ngayon ay hinahanap-hanap.
Pangungulila sa lumisang pasan,
Paninibago sa biglang-gaan.
At madalas naiisip ko
Muli kayang ialok ang likod,
Ang buong katawan
sa ngalan ng paghahanap
sa nakagamayan nang bigat.

Minsan may sarap na lasap sa pagkakadagan.

Posted by kikomontesena at 03:04 PM | 1 comments

Pobya

Pobya
Ni Francisco A. Monteseña, 6/25/07



Ngayong gabi,
napaglabanan mo
ang takot sa dilim.
Kinulob ng init ang nginig,
dinarang ng alab ang sindak.
Kinatulong mo akong mapaglabanan
ang pangingilag sa itim.
Ngayon ay ito ang kumukumot sa atin.
Biglang nawala sa higpit ng aking yakap
ang lahat ng iyong alinlangan,
Hanggang ikaw mismo ang magpaubaya.
“Halika… dito… ito.” anas mo.
Pinagkasya natin sa kipot ng kuwarto
ang agam-agam. Tinantiya ang pagdagan,
Ang paglaban sa nakapanungaw na nginig
sa iyong mga mata.
Ngayong gabi,
natapos na ang lahat
ng iyong mga bangungot,
Sa lundo ng ating di pagkilos,
sa dalas ng paghinga pagkatapos,
sa higpit ng aking mga yakap,
baluti mo ay ako sa anumang takot na lumulukob.
Posted by kikomontesena at 04:42 PM | Add a Comment

June 27th, 2007

City Lights

City Lights
Ni Francis Arias Montesena, 06/24/07


Dito ko nais humimlay,
Sa kama ng laksang kailawang
di nakapapaso sa tingin.
Maliligo sa sinag ng libong liwanag
magpapasakop, magpapatihulog
sa gayuma at haraya ng mga kindat.
Mula sa mga matang natutuhang
maglakad sa dilim, isang hiwaga
ang larawan ng kumpol-kumpol na dagitab,
di lamang sila langkay ng mga alitaptap,
di lamang perigrinasyon o ilusyon.
Mula dito, walang sakit ang mahulog
sa dalisdis kung ang sasambot ay mga sinag.
Tuwing nagagawi ako dito,
handa na akong mamatay.
Anong kapayapaan ang dala
ng pakikipagusap sa liwanag?
Walang ingay, walang ingay.
Kung ako ang mangangasong naninila ng bituin,
sa gabing ito lahat ng liwanag ay akin.
Kung sumapit man ang umaga’t
maghubad- baro na ang dilim,
naisilid ko na sa aking bulsa
ang mga sinag at salamisim.
Wala mang silbi ang magdadaang gabi
sa paglitaw ng araw, sa aking silid,
isasabog ko ang ninakaw na mga ilaw.
Iisa-isahing kaulayawin ang rikit ng syudad,
Yayakap sa mga kulay na kaniyang isasabog
Hanggang ako ay makatulog habang abala ang araw.
Muling gigising sa piling ng mga liwanag.
Posted by kikomontesena at 02:40 PM | Add a Comment