Entries for April, 2007

April 3rd, 2007

Bday

I feel really blessed na ang pamilya ko, mga kapatid, pamangkin, magulang ay nandiyan para sa akin taun-taon kapag nagcecelebrate ako ng birthdays. kahit walang handa o meron, pumupunta silang lahat sa bahay par magbigay ng suporta. I received lots of gifts from them from clothing to perfume, ngunit ang pinaka-natatangi ay ang message ng bunso kong kapatid na " Kuya, huwag kang matakot mag-isa dahil kahit kailan nandito lamang ako at ang aking pamilya para sa yo." Ang sabi ko naman di ako natatakot mag-isa dahil marami namang home for the aged ngayon. At ang sagot niya, "di ka tatanggapin doon dahil ang taba mo at magastos ka sa pagkain."

Masaya namang nairaos ang bday ko sa bahay, nagpaluto na lamang ako. Originally ang plan was an outing pero susme, ang mahal ng overnight.

Paggising ko pa lamang ang dami nang text messages akong natanggap, pagbati mula sa mga kaibigan.

Ang sarap magbday






Posted by kikomontesena at 08:06 AM | 3 comments

April 10th, 2007

Bakasyon?

Nagbakasyon ang lahat, at naiwan akong tahimik na sadyang aking pinili. Dama ko ang pagkatuwa ng aking bahay, di siya ulila ngayong ganitong panahon. Natuwa din ang mga halaman, di sila matutuyuan sa aking pagpapaiwan. Limang araw akong nag-iisa, namaga ang mata sa panonood ng The Shooter ni Mark Wahlberg, The Last Mimzy, The Contract ni Morgan Freeman at John Cusack, Music and Lyrics, Reign Over me ni Adam Sandler, Premonition ni Sanda Bullock. Nailabas ko din ang practice set ko sa watercolor at di pa rin natapos ang sinimulang imahen ng babae. Nakapaglinis ako ng buong bahay, binago ang ayos ng ang bigat-bigat na narra sala set, bumili ng book shelf at inayos sa aking kwarto. Nakapagtransfer ako ng mga indie music ng Indio, Sublime at iba pang reggae collections ng pamangkin ko sa Ipod ko.

Nakapagbisita iglesia noong Biyernes Santo at ang nakakagulat kahit halos maligaw ang sasakyan namin ay may bumubulagang simbahan sa amin kaya't di kami nahirapang maghanap ng pitong simbahan (umabot lamang kami hanggang Marikina.)

May tamlay na dala ang hangin sa aking pagtula, nabawasan ng sigla kaya't balak na namang magpahinga sa pagsusulat for the nth time

Iba na ang pakiramdam ko ngayon, laging masakit ang ulo, ang katawan, mabilis mapagod parang pagod na pagod na kailangan ko nang magpahinga kahit galing pa lamang sa isang linggong pahinga. ( o siguro'y hangover lamang.)
Posted by kikomontesena at 02:46 PM | Add a Comment

April 11th, 2007

May tula

Panunudla
Ni Francis Arias Monteseña 4/11/07


Dahil mas madaling manudla,
nagmasid ka, dahil ayaw mo
na ikaw ang humawak ng pana.
Pasikat ang araw noon, inaya ka niya,
Hindi ka nagsalita, napasunod ka
sa kaniyang panggaganyak.
Siya ang unang umasinta
sa markang nasa puno, ilang sablay
bago siya tumama, hindi man sa gitna,
umaliwalas ang kaniyang mukha.
Ipinasa niya sa iyo ang pana
at hinimok kang higitan ang nagawa.
Matagal kang nakatayo,
humingi muna ng pahintulot sa puno.
Humingi ng pasensya sa sakit
na madarama ng puno sa panunudla.
Maari ka namang tumanggi
ang iyong narinig sa hangin.
Bumuga ito ng malakas
habang siya’y nakaabang.
Di mo mabitiwan ang tudla.
sapagkat may sinasabi
ang mga dahong mapipigtal,
ang sangang mababali,
ang mga bungang malalaglag
kahit di mo mabaybay
ang kanilang pakiusap.
Hinubad mo ang iyong tsinelas,
inihanda ang hahataking pana,
nilawayan ang aalagwang tudla,
inisip ang papatak na dagta.
Nakita mo ang kaniyang pagkainip,
siyang busangit at ang pasensya’y
mabilis umimpis.Pikit-mata
tumudla ka sa inaasinta, katahimikan.
Nauna pang pumatak ang dugo sa iyong puso,
nauna pang nadama ang sakit kaysa sa puno.
Kung dangan kasi’y kaybilis mong mahimok
sa hibok ng tukso Noon siya lumukso, sa saya,
nang matamaan mo ang ubod ng marka.
Noon ka tumalikod, na may nabaling sanga,
nalagas na mga dahon at nalaglag na mga bunga.


Posted by kikomontesena at 04:03 PM | 2 comments

April 16th, 2007

initttttt

Disyerto
Ni Francisco A. Monteseña 4/14/07



Naiiga ang tubig
sa mga labak,
kahit mga dahak sa lubak,
darang ang bawat patak.
Sa di mapatid na uhaw,
wari’y baliw ang araw
sa pagdinig sa mga himutok
ng alinsangan, alinlangan
sa pagkaligaw ng ulan sa kungsaan
at di mapasyal dito kungsaan
ang tanging basa ay ang dila
at ang tanging pamatid uhaw ay luha.
Posted by kikomontesena at 10:19 AM | Add a Comment

Danak

Danak
Ni Francisco A. Monteseña


Nang mahabi ang pahiwatig
malinaw na lumabas ang kalatas:
Nasa pag-agos ng dugo
ang katubusan ng pagkabayani.
Sa talinghaga ng pagkamatay
mabubuhay ang ningning
ng nangyaring pakikibaka.
Nandito ang liriko ng paglaban:
Sa timyas ng pakikipagbuno
sa dilim, sa tahak ng lagim.
Kung dugo ang aantala
sa dumarating na buntala,
kaysarap mamatay,
anong sarap mamatay!

Kung ang hulagway ng pagsuway
ay nasa pagkitil sa buktot at sugapa,
dugo ay kaytamis idilig sa lupa.

Posted by kikomontesena at 04:26 PM | Add a Comment

April 23rd, 2007

Paningit

We taught that Nina's show in Bagaberde Pasig was last Saturday, we found out na tuwing Monday pala siya. Favorite kasi siya ng balikbayan cousin ng brother in law ko, Maritess Ardieta , yung original Wilma sa Flordeluna na nang-aapi kay Janice de Belen.

Eh dahil andoon na kami we were forced to watch Jimmy Bondoc's show. Yung unang part na Flipside ang galing ng repertoire nila at may connect sa audience, si Jimmy susme, kaya pala di sumikat-sikat walang ka-connect-connect sa audience, kanta lang ng kanta

Napanood ko ang : Blades of Glory ni Will Ferrell, The Reaping, Perfect Stangers, Mr. Bean's Holiday, Pride, at di ko pa tapos ang Meet the Robinsons.





Posted by kikomontesena at 08:02 AM | 2 comments

May tula

Pandama
Ni Francisco A. Monteseña, 4/23/07



Bakit hindi mo maintindihan
ang simpleng paghahayag ng damdamin.
Anong ibig mong sabihin?
Yan ang lagi mong tanong sa akin.
Gayung may mga salitang di na dapat sipatin,
puso ko ang naghahayag ng panimdim.
Nakapapagod magpaliwanag
lalo’t di maapuhap ang liwanag
ng sasabihin, basta’t sa aking tingin
sapat nang tibok ang siyang damahin.
Lagi kang nagtatanong, walang pagkasawa.
Na tila nasa aking pagsagot
ang pagkilatis sa nadarama.
Kung ganito’y di mo ako kilala,
di mo gagad ang badya ng aking tingin,
ng pagkilos, ng paghinga, ng haplos,
ng haraya ng aking kamay
na sumasagi sa iyong buhok at balat.
Anong pagkilatis pa ang kailangang sagutin
ng iyong pagtatanong. Tingnan mo ako!
Sino ang nakikita mo?
Kung hindi mo masagot
kapwa na lamang tayo managot
sa bangungot ng paglayo –
Hindi rin lamang tayo magkatagpo.
Posted by kikomontesena at 03:02 PM | Add a Comment

April 24th, 2007

AVHRC at UST

1. Mula sa Amado V. Hernandez Resource Center|:



Magandang umaga!

ang mga akdang napili para sa Liyab literary zine (May issue)-

-Inday Grecil ni Frankie Del Rosario
-"untitled" ni Eden
-Sa iyo, Obispo ni layaw
-"untitled" (sabi nila tapos na raw ang ligaya...)ni layaw
-Linlang ni Francisco Arias Montesena
-Karsel ni Rey Tamayo
-Medalya Sa Pakikidigma ni Alexander Martin Remolino


2. Natanggap din ako bilang fellow for this year's UST National Writers Workshop from May 7 to 12. Nakausap ko thru phone si Dr. Dimalanta.

May isang fellow yata na nagback-out dahil sa change ng sched at location kaya ako ang nakapasok. Thank you sa yo ha! kung sino ka man.
Posted by kikomontesena at 07:35 AM | 1 comments