March 16th, 2007
tula
Bahay-Musmos
ni Francisco Arias Monteseña
Kaydaming pinamahayan ang ating gunita,
lahat ay di kaylangang mamaalam.
Tagni-tagning bahagi ng kamusmusan.
OO at wala na ang mga dinding na noon
ay pumapagitan sa sala, silid at kusina,
ngunit humihiyaw pa rin sila
sa mga tinig ng ating paglalaro:
tagu-taguan, sungkahan, mahuli taya!
Ang bukbuking sahig na nalibing man sa hangin
ay siyang yumayakap sa mga yabag ng ating pagbababag:
harutan, tuksuhan, takbuhan
Ang kisameng bumagsak na sa kadupukan
ay siyang saksi sa mga oras
na tayo ay napapagalitan sa kakulitan;
Sa mga tanong nating walang katapusan.
At nang tayo ay tumalikod
upang sa ibang lugar makipamahay,
katahimikan ang dito ay nagbantay.
Ngunit sa kalinga niya na sumilay sa una nating anyo,
nakarinig sa una nating tinig, nakaramdam
sa yabag ng ating unang paghakbang,
walang lugar ang paglisan, (babalik at babalik tayo.)
Ay, paanong makakaipod sa dulo
kung hindi tayo titingin sa pinagsimulan.
Ni hindi kailangang magpaalam sa mga alaala.
Sa mga kagiliw-giliw na ragasa ng kamusmusang
namugad sa dingding, sahig, kisame at haligi
nitong ating palaruan at tahanan.

Posted by kikomontesena at 08:14 AM | Add a Comment