Entries for March, 2007

March 6th, 2007

Forwarded Joke

Inusisa ni Totoy ang kanyang tatay.


Totoy: Bakit po masarap ang sex?
Tatay: Kasi, may kiliti o sensation iyon na katulad ng nararamdaman mo pag nangungulangot ka.


Totoy: Bakit po mas nasasarapan ang mga babae kaysa sa mga lalaki sa sex?
Tatay: Gaya ng nasabi ko, ang sex ay parang pangungulangot. Kapag nangungulangot ka, mas nag-e-enjoy ang iyong ilong kesa sa ang iyong daliri.


Totoy: Bakit ayaw po ng mga babae na ginagahasa sila?
Tatay: Iyang panggagahasa eh maihahalintulad sa naglalakad ka sa kalye, tapos, may lumapit sa iyo at kinalikot ang iyong ilong. Magugustuhan mo ba iyon?


Totoy: Bakit po ayaw ng mga babae na makipag-sex pag nireregla sila?

Tatay: Anak, kapag dinudugo ang ilong mo, nangungulangot ka ba?


Totoy: Bakit ayaw po ng mga lalaki na mag-condom kapag nakikipag-sex s ila?
Tatay: Ikaw ba eh gusto mong mangulangot na may guwantes ka sa iyong daliri?


Totoy: Bakit po sa pribadong lugar ginagawa ang pakikipag-sex?

Tatay: Mangungulangot ka ba sa harapan ng buong klase mo?



Posted by kikomontesena at 10:17 AM | Add a Comment

March 7th, 2007

Dibdib

Dibdib
ni Francisco Arias Monteseña



Hindi ako bastos ngunit hindi ko sasalagin ng dahilan ang malimit sinisilag sa mga kababaihan. Anong init ang ibinibigay nang pagsipat sa niluluhog? Isang pagsuko sa kapangyarihan ng babaeng magpahinuhod gamit ang angking alindog.

Huwag sanang isiping laman lamang sila ng isip tuwing naririnig ang langitngit ng kama, kapag nadarama ang lambot ng sopa, o marahil kapag nakikita maging ang kalaparan ng sahig. Di lamang marahil maiwasang lagyan ng malisya ang aking tingin o ang mga hingang malalim. Di lamang mapaglabanang samyuin ang nakasiping nilang bango sa hangin. Iba ang kanilang dating.

Nagiging marupok ako kapag naiisip ang sarisaring korte at lambot ng dibdib. Di mapanatag sa duyan ng kuwentuhan kapag magkakasama kaming mga kalalakihan. May nagyabang na kaniya nang nahawakan ang halos lahat ng korte ng dibdib. Hanggang sumal-it ang isa at isa pa sa walang katapusang paramihan ng nalasap na kandungan. Sa pag-uwi at pag-iisa sa silid, saka ko doon naiisip: ang dibdib na dinadambana ay siya ring dibdib na bumuhay sa akin at sa libo pang kalahi. Ang dibdib na kinalilibugan ay siya ring dibdib na pinagtataniman ng puso ng bawat kabiyak, ng bawat Ina. Na walang pagkasawang ibinibigay sa pagyakap kapag ang anak ay nababalisa.

Pahabol: Ang sabi’y ang dibdib ang humuhugis sa pagkababae. Matanong ko naman, paano si Betsay na natapyasan ng dibdib sa sakit? Di na ba siya babae? O nabawasan ba ang pagkababae? Paano naman si Andoy na nag-Japan at umuwing malusog na malusog ang kuwan. Siya ba’y aariin nang babae?

Dito ay may sumagot: Ang babae ay hindi lamang isang dibdib.
Posted by kikomontesena at 07:41 AM | 1 comments

March 13th, 2007

Anong meron

1. Kagabi, pinanood ko ang three movies tuluy-tuloy (ang hapdi tuloy ng mata ko ngayon ).

Pan's Labyrinth, ang ganda ng movie. Dito ang hirap ihiwalay ng reality sa fantasy. Kung ang mga nakikita ba ng main character na si Ofhelia ay totoo o likha lamang ng kababasa niya ng fairy tales. Bukod sa husay ng effects at maganda rin ang storyline. (ewan ko nga ba kung bakit di ito nanalong Best Foreign Language Film sa Oscar) mahusay din ang atake ng mga characters especially si Ofhelia, ang captain at si Mercedez. Takaw eksena ang Faun (Pan) at yung monster na ang mata ay nasa kamay.

In Pursuit of Happyness: Kung saan napakahirap naman talagang hanapin ang happiness, kung saan nagtatanong ang main character kung bakit kailangang iwan nya palagi ang anak sa isang maliit na kindergarten school na mismong di alam i-spell ang salitang happiness. Nasa pagtyatyaga lamang ang lahat at sa huli ay makikita din ang hinahanap.

Manila Exposed Volume 5: Akala ko nang mapanood ko ang una ay iyon na ang huli, marami pa palang susunod. Mas magaganda ang mga bebot ditto, mas makikinis hehehehehe.

Nakalinya kong panoorin ang Turistas at The Queen.

Ayan alas dos na ako ng madaling araw natulog at gumising naman ng alas singko for work. Inaaantok ako hohohummmmm.

2. Umattend ako sa UP ng book launch ni Sir Rio, nakabili ng kopya, at nakipag-inuman sa mga fellows at ilang members ng LIRA.



Posted by kikomontesena at 01:08 PM | Add a Comment

March 16th, 2007

tula

Bahay-Musmos
ni Francisco Arias Monteseña



Kaydaming pinamahayan ang ating gunita,
lahat ay di kaylangang mamaalam.

Tagni-tagning bahagi ng kamusmusan.
OO at wala na ang mga dinding na noon
ay pumapagitan sa sala, silid at kusina,
ngunit humihiyaw pa rin sila
sa mga tinig ng ating paglalaro:
tagu-taguan, sungkahan, mahuli taya!
Ang bukbuking sahig na nalibing man sa hangin
ay siyang yumayakap sa mga yabag ng ating pagbababag:
harutan, tuksuhan, takbuhan
Ang kisameng bumagsak na sa kadupukan
ay siyang saksi sa mga oras
na tayo ay napapagalitan sa kakulitan;
Sa mga tanong nating walang katapusan.
At nang tayo ay tumalikod
upang sa ibang lugar makipamahay,
katahimikan ang dito ay nagbantay.
Ngunit sa kalinga niya na sumilay sa una nating anyo,
nakarinig sa una nating tinig, nakaramdam
sa yabag ng ating unang paghakbang,
walang lugar ang paglisan, (babalik at babalik tayo.)
Ay, paanong makakaipod sa dulo
kung hindi tayo titingin sa pinagsimulan.
Ni hindi kailangang magpaalam sa mga alaala.
Sa mga kagiliw-giliw na ragasa ng kamusmusang
namugad sa dingding, sahig, kisame at haligi
nitong ating palaruan at tahanan.
Posted by kikomontesena at 08:14 AM | Add a Comment

March 19th, 2007

May tula

Linlang
Ni Francisco Arias Monteseña, 3/19/07


Makulay ang kampanya
at may buhay ang mga kaway,
masigasig ang pang-akit ng mga salita,
ngiti ay hindi nawawala.
Sila’y umiindak sa tunog ng palakpak.
Huwag na huwag kang pagaganyak
sa balatkayong nakakubkob
sa kanilang mga salita - matamis pa sa nilupak
Sila ay mga larawang binubukalan
ng sandamakmak na palabas.
May pakitang giliw na maglalahong tiyak
kapag naluklok na sa pedestal na hangad.
Huwag na huwag sanang
mabihag sa tinis ng pag-awit;
ni huwag sumabay sa pagsayaw.
Maging dilat sa tunay na anyo
na kanilang itinatanghal,
tila mga hayop na pumapanggaaw.
huwag na huwag kang patatangay
sa kanilang mga atungal.




Posted by kikomontesena at 02:11 PM | Add a Comment

March 20th, 2007

Anong bago

Ewan ko lang kung may malusutan ako sa mga pinagsumitihan ko ng mga entries (UST, IYAS, Iligan), crossing my fingers Nais ko lang talagang magbakasyon at lumayo sa araw-araw ko nang ginagawa.

Nagsimula na rin akong gumawa ng mga haikus at sa english ha, hehehehhee, try ko ring magsubmit sa haiku contest ng japan embassy tutal matagal pa ang deadline.

Pinanood ko kagabi ang pinakalatest na movie ni Jennifer Lopez, kapartner si Antonio Banderas, ang Bordertown. Seryoso ang tema ng movie at nakulangan pa rin ako sa akting ni Jennifer kahit pa nga nagpapakapolitikal ang tula. Magaling pa sa kaniya ang support noong aktres na pumapel na "Eva" bilang rape victim. Sinimulan ko na rin ang 300 kaya lang ang hapdi na ng mata ko
Posted by kikomontesena at 02:23 PM | 2 comments

March 26th, 2007

Heroes etc


1. Di na ako magtataka kung bakit talk of the town ang series na "Heroes". Once na simulan ko kasing panoorin parang ayokong umalis sa pagkakapagkit ng mga mata ko sa tv. Very engaging ang mga episodes at sa Chapter 1 pa lamang nakakaengganyo na.

On a personal note, noong panoorin ko siya ( considering 2 episodes pa lamang yun na bawat episodes ay may 3 o 4 yatang chapters) parang escape ko na rin na makarelate sa mga characters. Bawat powers nila ay tila naranasan ko na in this lifetime, one way or another. Mas typical at marami ay yung "flying powers" ni Peter at seeing the future ni Isaac. Halos gabi-gabi ay may napapanaginipan akong bago in the future na paglipas ng panahon ay marerealize ko na "ito, ito ang napanaginipan ko noon"; madalas din akong lumilipad sa panaginip tulad ni Peter. Yung teleportation ni Hiro ang pinakakwela sa akin, time bending and travelling in time, sarrrap noon. Ayoko ng powers ni Claire, having cell regenerated everytime na may mangyari sa kanyang disgrasya. Yung telepathic capability noong cop parang meron din ako bwehehehehehehhehe.

Ewan ko ba, siguro epekto na rin ito ng series na ito. Recommended ko po, kumuha na kayo ng kopya.

2. My sister treated us sa Max's kagabi dahil graduation sa Kindergaten School ng lovable na si Carrick, 1st honorable po siya.

Ang anak ko na si Twain ay 1st honor lang naman with numerous certificates and commendations. at ang kapatid niya ay sa 7 subjects nagtop Hayy nasa lahi talaga namin bwehehehehehe.

3. Nagperform ako sa Ortigas Foundation, dahil medyo hinahayblad ako noong araw na iyon ay idinaan na lamang ako ng sasakyan ng ate ko sa tapat ng building. Ako dapat ang huling magpeperform pero dahil wala pa ang performers, ako na ang naging una.

4. sana makapagrelax ako at makalayo sa kinagawian ngayong bakasyon, Gusto kong magpunta sa mga lugar na ako lang mag-isa o may kasamang hindi kamag-anak, mag unwind lamang ba at lumayo sa mga ingay at problema.

Posted by kikomontesena at 08:04 AM | Add a Comment

Share: Batman, Radio Active Sago Project

ALAALA NI BATMAN
by: Radioactive Sago Project
from the album: Urban Gulaman


(right-click on BACK above to control playback functions)

Ano ba yun…
Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun.
Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala
rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno
nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una
kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sarili
ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang
kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero
hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang
gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang
galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.
Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong
nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot
and Friends at saka That's Entertainment. Pero ako, isa lang talaga
ang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idol
ko talaga (Idooool!).

Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di
bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang
relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi
ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay
na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman.
Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo,
sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na
mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong
binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng
Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo
naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun,
at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang
ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-
tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng
tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.

At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho
mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking
kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na
aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at
kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na
ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mga
kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo'y kaibigan pero
yun pala'y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na
mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang
suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mga
hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na
matiis. Hindi ko na kaya.

Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko
na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak.
Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula!
Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa
tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng
hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay!
Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit
na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad!
Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka!
Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga
kamay!

Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman,
diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala
lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal.
Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa
tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning,
paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling
Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung
sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-
bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo…

Posted by kikomontesena at 12:22 PM | Add a Comment

March 27th, 2007

Sentimiento de Primero

Sentimiento de Primero
Ni Francisco Monteseña



Nang simulan kong hugutin
sa sarili ang lumipas,

noon nagsimula ang parusa,
sanga-sangang pagkakasala.

Bumukal ang amoy
ng ilahas na alaala, nakasusuka.

Nang mailabas ang lahat ng nasa loob,
noon nahugot ang sari-saring bangungot,

Noon ako tumakbong ang ulo ay pugot.
Ganito ako nagising, nanghihilakbot.

Matindi pa sa parusa ang manatiling dilat
habang nasusunog sa ningas

na di mamatay-matay; Dito ako nabayubay,
sa lugar na di nakikilala ang pangalang Pag-asa.
Posted by kikomontesena at 12:15 PM | 3 comments

March 29th, 2007

halugaygay

Natapos ko na kagabi ang episodes 1 to 17 ng Heroes, nakakaadik. Pahiram naman ng episode 18 kung sinong meron hehehhee. Ang daming magagandang quotes pa at very poetic. Pag nagkaoras ako, iisa-isahin ko ang mga iyon.

Kinakantyawan na ako ng mga pamangkin at kapatid ko dahil sa bday ko sa Apr 2 , gustong magswimming sa isang exclusive spot dito sa Antipolo " Callos Spa" eh ang mahal mahal ng overnight. Nag-iisip pa ako kung itetreat ko na alng sila sa restaurant. Kailangan kong magtipid

Masaya ako dahil nagbabakasyon sa bahay ko ang favorite kong pamangkin at anak ang turing ko dito. Pero malungkot din dahil laging may sakit si Inay.

Parang ayaw kong umuwi ng province this vacation. Isang van silang uuwi pero parnag gusto kong may gawing iba naman para sa sarili ko. nais kong bumalik sa pag-gygym kasi bumabalik na naman ang hingal ko at tyan ko hehehhehe.



Posted by kikomontesena at 08:06 AM | 1 comments

March 30th, 2007

Muyas
Ni Francisco Arias Monteseña, 3/28/07



Madalas ikinukumpara mo
ang kulay ng iyong mga buhok
sa kulay-kalabaw na langit,
abuhing nakapanungaw sa iyong uluhan,
koronang hitik sa karanasan.
Sinasalamin mo ang kabuuan ng sarili
sa repleksyon sa langit, (tila naghahanap
ng nawawalang rikit sa gabing pusikit).

Lagi na ay umuuwi kang bigo,
ipinaaanod sa halumigmig ng ganoong mga tagpo
ang paghahanap (malaon nang batid na
walang mahahagilap na ikaw sa langit).
Bakit hindi mapakinang ng mga suot mong alahas
ang iyong mga mata? Marahil ay nababagot ka
sa haba ng panahong paghahanap
kung kanino maipamamana ang sarili.

Ay! huli na yata..
Iilan na lamang ang humahanga
sa mga bagay na luma.





Muyas – mga namanang alahas o gamit.


Posted by kikomontesena at 10:09 AM | Add a Comment

May tula

Uklo
ni Francisco A. Monteseña, 3/30/07
kay Jun Ducat



Dahil sa bigat ng pasan,
humulagpos ang pagtitimpi.
Umapaw ang pagbabakasakaling
gagaan din ang lahat.
Walang pagkaampat ang bigat,
bombang sumabog ang lahat.

Sa pagsambulat kaya’y makatatakas?

Kanina, habang di pa sumisiping ang poot,
Lubos kang katangi-tangi.
Sa mapagpakumbabang tinig,
itinali mo sa sarili ang kapalaran nila.
Lahat ay minasdan kang may aliwalas.
Di nila batid ang tuktok mong palaisipan.

Nang bumaba ang araw, nagbago ang lahat.
Naunang naging gabi ang iyong isip.
Agad hinanap ang kandiling dulot ng mga tala.
Nang hindi makasilo kahit isa ay piniling bihagin
ang mga walang malay na nakisakay
sa aliwalas ng iyong pagkatao - isang pagkakamali.

At nagtagpo ang maraming tagpo;
kung saan kumalat ang mga bituin at planetang
nadurog sa pagkakapira-piraso ng iyong sarili.
Noon ka nabihag na di makita ang mukha
sa pagkakauklo, bumubulong habang nakayuko.

Posted by kikomontesena at 03:05 PM | Add a Comment