Entries for February, 2007

February 12th, 2007

61st wedding anniversary

Umuwi kaming magkakapatid lahat sa province sa Majayjay Laguna to celebrate our parents 61st wedding anniversary.

Nakakatuwang okasyon at kaysayang pagmasdan ng mga matatanda na buhay pa at malakas. Its really a feat na umabot sa ganitong katagal na pagsasama na nagkaroon ng 12 bunga. Isa ang patay at 11 ay buhay na buhay. Nagpamisa muna kami ng Linggo ng umaga Feb 11 at tumuloy sana sa venue ng okasyon na sinira ng isang nangangampanyang Mark Jimenez. Pinagkaguluhan kasi siya ng mga tao dahil sa pamumudmod ng pera at Jollibee hamburgers. pati ang lugar na pagdadausan ng aming kasiyahan ay nilusob ng mga tao.

Anyway sa bahay na lang ginawa ang celebration, nag rent ng karaoke machine at ginanap ang isang maikling programa habang nakaupo sa gitna ang mag-asawa. Nagbigay ng salita ang eldest brother ko at dito ko na nakita nangilid ang luha ni Inay. Pagkatapos nito ay hinandugan ko ng isang tulang kumurot sa puso nila at sa mga kapatid ko dahil nakalarawan doon ang buhay namin noon. Sumunod ay pagpapakilala sa mga dumating na kapatid , apo, kamag-anakan. Mga awit na handog at pagbubukas ng mga regalo. Pagkatapos ay sayawang umaatikabo dahil may dance instructor na binayaran ang isa kong Ate. Kaming mga lalaki naman ay lango na sa alkohol ng lambanog at beer sa pulutang malalaking isda.

Nasukol pa ako ng mga kaklase ko noong high school kaya nag-usap na rin kami para sa binabalak na silver reunion ng batch namin. Ako kasi ang president.

Posted by kikomontesena at 08:16 AM | Add a Comment

February 18th, 2007

Phil graphics

nasa Feb issue daw ng Phil Graphics ang tula kong Pagkagapok, pero wala akong makuhang copy sa Antipolo. Baka naman amy nakabili sa inyo, bayaran ko na alng ang kopya
Posted by kikomontesena at 10:44 AM | 2 comments

February 19th, 2007

Humor

Pinoy Humor

__________________________________________________________


On wedding night, man asks wife: Akala ko ba first boyfriend mo ko? Bakit
hindi ka na virgin?
Wife: Ikaw talaga ang first boyfriend ko. Yung iba, customers ko lang.
Peks man!
__________________________________________________________


(Sakristan sa bubongan, namboboso ng pari at madre)
Madre: Paano kapag nabuntis ako?
Pari: Bahala na ang nasa itaas.
Sakristan: Goodness! Bakit ako? Nanood lang naman ako, a!
__________________________________________________________


Intsik died. Punta heaven. Asked niya St. Peter: "Ano dyan, kabila?"
St. Peter: "Impiyerno. Super init dyan."
Intsik: "Lipat ako dyan."
St. Peter: "Ha? Bakit?"
Intsik: "Ako tinda halo-halo."
__________________________________________________________

After sex with college coed, Mayor: "How much?"
Coed: P200 lang, Sir."
Mayor: "Ha? How can you survive with just P200?"
Coed: "My sideline is blackmail, Sir."
__________________________________________________________


Anak: Magpapakamatay na ako! Lagi na lang akong mali ! Wala na kong
ginawang tama! Di nyo ko mahal!
Ama: Anak, nagkakamali ka.
Anak: Tingnan niyo! Mali na naman ako!
__________________________________________________________

Lent joke.
One day during Holy Week, Alan and Lino were in a restaurant for a meal.
Alan: Waiter, do you have shark meat?
Waiter: No, Sir, we don't have that.
Alan: What about dolphin meat?
Waiter: No, Sir.
Alan: Whale>
Waiter: None, Sir.
Alan: Then give me lechon and roast beef. God knows I ordered fish!
__________________________________________________________


Mister: Kung marunong ka sanang maglaba, nakakatipid sana tayo ng P3,000 sa
maid.
Mrs: Oy, oy, oy! Kung ikaw sana magaling sa kama, sana nakakatipid tayo ng
P7,500 sa driver!
__________________________________________________________


Pastor: Next Sunday, I plan to preach about the sin of lying. In order to
understand it better, I want you all to read Chapter 17 of Mark

On the following Sunday, Pastor asks parishioners: How many of you read
Mark Chapter 17?
(Every hand went up.)
Pastor: Mark has only 16 chapters. I will now proceed with my sermon on
the sin of lying.

__________________________________________________________



Posted by kikomontesena at 04:30 PM | Add a Comment

February 21st, 2007

What's happening?

I submitted my entries yesterday sa UST Writers Workshop. Ewan kung matanggap but at any rate napagbigyan ko ang sariling magtry. Bahagi ng aking goal ngayong taon na mapublished at makapagattend ng national workshops.

Ang ready to collect na bayad ng Phil Graphics sa published poems ko ay yung para sa Oct 06 issue pa lamang , di pa raw available yung sa Feb 07

nagdadalawang isip ako kung sasali ako sa Palanca (baka sa makababasa nito sabihin na naman, napakataas ng pangarap ko)

Inihinto ko muna ang pag-aayos sa mga poem collections ko. Stop na muna ang balak para sa paglilibro.

I enjoyed watching Little Miss Sunshine, Little Children, Hannibal Rising, Primieval, De javu, The Holiday at syempre ang Dreamgirls.

Thanks sa mga friends na continously sharing messages of inspirations and lalo na dun sa mga bastos na jokes

Sa Friday na ang performance ko sa Alab Art Space sa Intellectual Property Office. Kinakabahan ako dahil puro mga bigatin ang magpepresent: Angelo Suarez, Vivian Limpin, Vim Nadera, Marne Kilates, Marge de Castro ,UP Quill, Joey Baquiran, Raul Funilas, Manolito Sulit, Michael Coroza, Arnold Azurin, Becky Anonuevo at ang hamak na si ako. Bahala na si Batman




Posted by kikomontesena at 08:03 AM | 1 comments

February 24th, 2007

IPO

Nakakahiyang nakakatuwa ang nangyari sa poetry reading ko sa IPO, kasi ba naman lasing na yata si Bebang at nakalimutang ilagay ang microphone sa sahig na bahagi ng performance ko kaya ang ginawa ko na lamang, sa wall ako kunwari gumapang gapang habang nakablind fold. At dun bumagsak ang isang wall na may nakasabit na isang malaking painting. Buti na lamang at di pa nagssisimula ang pagtula ko at naayos naman agad, bwahahaha imagine the impact, sa akin agad natuon ang mata ng mga tao. At then humiga agad ako at ayun!

SAbi ni mam Becky, inabot ka ng nerbyos ano? si sir Rio naman, " Ayus ang ginawa mo Kiko, nanira ka lamang bwahahahahhaa". Pero si Director General Adrian Cristobal ay sumenyas naman sa akin ng Thumbs up.

Buti na lamang at ang performance ni Gelo Suarez ay the usual Gelo na nagsisisigaw kaya tila naging bahagi ng palabas ko ang pagbagsak Wala ngang nangantyaw sa kin buong gabi eh!

bumabaha sa alak, at medyo malagihay ako umuwi. Super succesful ng poetry reading at maraming artist ang natuwa. Pati ang mga coordinators ng event ay binabalak na gawing regular na ang ganitong pagkakataon. Sana mainvite muli ako
Posted by kikomontesena at 09:12 AM | Add a Comment

February 28th, 2007

Magkauri

Magkauri
ni Francisco Arias Monteseña 2/28/07


Huwag mo akong tawaging ahas
sapagkat gumagapang, namumulupot;
mukha lamang akong nakatatakot.

Huwag mo akong tawaging buwaya
sapagkat namimigtal ng hininga,
lalo pa at bunganga’y nakabuka

Maaari mo akong tawaging alaga
sapagkat karaniwan na
ang aking anyo sa balana.

Nakakasalubong mo ako
ngunit di napapansin
sa aking panginginain.

Dahil ikaw na amo, akong alaga’y
sa iisang mangkok na ngayon
nagsasanib ang mga laway.
Posted by kikomontesena at 04:46 PM | Add a Comment