Entries for November, 2006

November 2nd, 2006

Virus

Virus is spreading everywhere,ang ym ko infected at ang cellphone ko navrusan din. Kumakain ng load, imagine kakaload ko lang tapos ng icheck ko 60 pesos na lang. Automatic itong nagsesend ng MMS messages sa mga selected persons na nasa address book ko. Hassle talaga at pinatay ko na alng muna. Nang itawag ko sa smart, wala daw silang magagawa dito. Bakit walang magagawa eh to the network advantage ito na maubos ng maubos ang load dahil sa virus na ito.

Sa mga makakatanggap ng anything na may attachement na MMS message coming supposedly from me ay idelete agad. Virus po iyan at sorry wala akong kasalanan biktima din ako.


Posted by kikomontesena at 07:40 AM | Add a Comment

November 6th, 2006

Sa LIRA

Ang sabi nila, upang di masaktan kapag kinikrit ang tulang inihain sa isang palihan kailangang ihiwalay ang tula sa makata. Ngunit kahapon sa LIRA damang dama ko at kitang kita sa mukha ng ilang fellows na nasabihan ng ilang nagkomento ng "Di ko maaring ituring na tula ang tula mo sa dahilang ...." o kaya ay "napakaprosaic at sorry di yan tula para sakin" ang tama at sakit sa damdamin ng sumulat. Kaya as much as possible kapag ako ang nakatokang magbigay hg komento nais kong simulan sa kung ano ang lakas ng tula kesa sa isasampal agad sa mukha ng makata ang mga negatibong pagbasa. |Naniniwala pa rin ako na ibat iba ang interpretasyon at pagbasa ng bawat isa. Sana nga lamang wag pa ring makalimutan ang respeto kahit pa nagkokomento. Ngunit kung kaya namang ilaban ng makata ang katwiran sa kalakasan ng tula, go go go.
Posted by kikomontesena at 03:49 PM | 1 comments

November 8th, 2006

The Banquet etc..

Pinanood ko ang The Banquet sa dvd at nagustuhan ko ang istorya, ang visuals at ang conflict. Di man siya kasing level ng Crouching Tiger, masasabi kong maganda ang buong pelikula bagaman at expected ko na kung paano ang acting dito ni Zhang Ziyi (o Ziyi Zhang) bilang The Empress.

Napanood ko na ang The Grudge at mas naibigan ko ang original version nito kesa sa English version.

The Feast - nagustuhan ko ang atake nitong mal Quentin Terentino naa From Dusk Til Dawn. At sa closing credits ang co-producer pala ay ang magkaibigang Ben Affleck at Matt Damon.

Posted by kikomontesena at 12:26 PM | Add a Comment

November 10th, 2006

Tula

Laho
Ni Francisco Arias Monteseña, 11/8/06



Walang nasasalat ang mga daliring
kumakapa sa pintog ng loob, hungkag.
Sinisimulan sa ulo ang hipo
at magtataka sa nipis ng nasusuyod.
Maglilimi kung paanong tumutubo ang isip
sa itaas at hindi sa dibdib at mula sa panginginig ng dilim
paano dumuduro ang luwalhati sa pagal na damdamin?

Hindi ako ito! Hindi ako.

May pasubali ang lahat ng pagbabago:
Lahat ay maglalaho ngunit hindi ang katwiran.
Nagbabagong-anyo maging ang kawalan;
May nagsasa-tubig, nagsasa-yelo.
Nasa may katawan kung ang bigat ay pawawalan.
Nanlalabo man ang mata’y may maaaninag,
May kakawalang bulong sa pusong tatanggap.

Ako ito! Ako ito.

Sa pagyakap sa lahat ng nag-iiba,
Payapang may pupuno sa bawat naglalaho.

Posted by kikomontesena at 02:42 PM | Add a Comment

November 13th, 2006

The week that was

Pinanood ko ang "Flags of Our Fathers" at pinakamagaling umarte para sa akin yung Indian na si Adam Beach (di ko alam kung Indian talaga siya in real life). Isa lang talaga ang message ng pelikula na dapat ipakita lagi kung ano ang katotohanan. Magaling talagang direktor si Clint Eastwood.

Buti na lang di pa natatanggal si Rosita sa Pinoy Dream Academy. Simula kasi nang banggitin niya ang mga katagang " Pobre na nga ako kinakawawa pa", parang nakuha niya ang sentimyento ko. At tyak pati na rin ang masa kaya bago pa lang siya lumalabas sa stage nagsisigawan na ang audience.

Di ako nakarating sa usapan namin ni Sir Egay para kunin ko ang order kong books sa kaniya, masama kasi pakiramdam ko noong Saturday.
Posted by kikomontesena at 02:00 PM | Add a Comment

November 15th, 2006

Sa lamay

Nagpunta ako sa lamay ng tatay ni Emong at napakabata pa nitong namayapa at the age of 51. Naisip ko bigla di na mahaba ang panahon para sa akin kung sakali man dahil nasa pamilya ko rin ang sakit na hypertension. At dahil medyo lumulusog at hinihingal na rin ako, kung di ako mag-iingat maaari kong sapitin ito. Dr. Miclat was so generous and kind na pinasakay niya ako sa kotse niya on our way back home. Gusto pa nga ihatid ako sa bahay, nahiya naman ako.

Posted by kikomontesena at 10:05 AM | Add a Comment

November 17th, 2006

Tula

IKAW
NI Francisco Arias Montesena



Marahil isang katapangan
ang sumabay sa igpaw
ng kapangahasan;
walang kaba
sa di maantalang pagdating
ng pagsubok, walang damang dagok.


Sa hatak ng sentimyento,
Ibinubukas ang sarili
sa lahat ng pangako:
may aalo sa lungkot,
may yayakap sa ginaw,
may darating,
may darating.


Ano pa ang titingalain
sa maya't mayang tinatanaw,
kung lubos na ang anyong
ipinasisilip sa balintataw?
Nandiyan ka,
Nandiyan ka lamang.


Pawawalan ko sa kawalan
ang sigaw na likha ng pag-iisa.
Baka doo'y sakaling
Ikaw ang makaulinig
sa hibik, sa hikbi.


Hanggang magbigay-daan
sa naudlot kong paghakbang
ang naghihintay mong anino.
tumitibag sa moog
ng pangungulila, ikaw¦
Ikaw.


Posted by kikomontesena at 12:09 PM | Add a Comment

November 20th, 2006

Sa Bday ni Itay

Finally, napilit din akong umuwi sa Laguna dahil sa celebration ng bday ng tatay ko. At siguro sa pagkakita sa akin doon, natuldukan na rin ang samaan ng loob. 81 years old na tatay ko at malakas pa rin, good to hear na healed na ang sugat niya sa baga at pilat na lang daw at dadaanin na lamang daw sa vitamins sabi ng doktor.

Sama-sama kaming nanood ng Pacquiao game at nanalo ako sa pustahan namin magkakapatid ng P200.

Napanood ko na ang "Babel" ni Brad Pitt. maganda ang pelikula na ang style ay ala "Crash" ni Sandra Bullock na magkakaugnay ang mga pangyayari kung hindi man directly ang mga tauhan. Di ko lang nagustuhan ang ending at may mga tanong pa rin ako.
Napanood ko rin ang Casino Royale at nag-enjoy ako sa movie.
Posted by kikomontesena at 07:43 AM | Add a Comment

From the net: Famous Lines

Famous Lines

"Pinapaikot mo lang ako.
Nagsasawa na ako. Mabuti
pang patayin mlo na lang
ako."

-electric fan

------------------------

"Hindi lahat ng walang
salawal ay bastos"

-winnie d' pooh

------------------------

"Alam mo ba wala akong
ibang hinangad kundi ang
mapalapit saio. Pero
patuloy ang pag-iwas mo"

-ipis

------------------------

"Hala! Sige magpakasasa
ka! Alam ko namang katawan
ko lang ang habol mo."

-hipon

------------------------

"Ayoko na! Pag nagmamahal
ako lagi na lang maraming
tao ang nagagalit! Wala
ba akong karapatang
magmahal?!?"

-gasolina

------------------------

"Hindi lahat ng green
ay masustansya."

-plema

------------------------

"Hindi ko hinahangad na
ipagmalaki mo na ako'y
sau. Ayoko ko lang naman
na sa harap ng maraming
tao ganun mo na lang ako
itanggi.."

-utot

------------------------

"Sawang sawa na ako
palagi nalang akong
pinagpapasa-pasahan,
pagod na pagod na ako."

-bola

------------------------

"You never know what you
have till you lose it.
And once you lose it, you
can never get it back"

-snatcher

------------------------

"Ginawa ko naman lahat
para sumaya ka. Mahirap ba
talagang makontento sa isa?
Bakit palipat-lipat ka?"

-TV

------------------------

"Hindi lahat ng maasim
may vitamin c"

-kili kili

------------------------

"Sige, batihin mo ako....
Sigeee.....
BATEEEEEE!!!!!!!!"

-omelette

------------------------

Pilitin mo man na alisin
ako sa buhay mo, babalik
at babalik ako!

-libag

------------------------

"Wag mo na akong bilugin.."

-kulangot

------------------------

"Paano tayo makakabuo kung
hindi ako papatong sa iyo?"

-lego

------------------------

"Hindi lahat ng dugo
puedeng idonate"

-regla


Posted by kikomontesena at 04:34 PM | 3 comments

November 27th, 2006

Maysakit

Ilang araw akong di nakapasok sa office dahil sa trangkaso. Kahit masama pa ang pakiramdam ko ay kailangan ko nang pumasok ngayon. Ang daming events na dapat ay naroon ako ngunit dahil sa maysakit, nakakulong lang ako sa kwarto; sa lamay ni Erwin Robledo, Sa GA ng PP, sa LIRA, sa usapan namin ni Sir Egay, sa usapan namin ni Tata Raul.

Naisip ko, ang ilang mga bagay na ginagawa ko ay sekondarya na lang talaga at dapat laging una ang kalusugan. Lalo pa nga at may takot ako dahil sa lugar namin ay ang daming namatay dahil sa high blood na hamak na mas bata kaysa sa akin.



Posted by kikomontesena at 04:29 PM | Add a Comment