October 13th, 2006
Bagong Balita
Poetry:
Ilang ulit kong tinangkang tumalikod, hindi ko magawa, di ko talaga magawa. Ganoon yata ako pag may tampo gusto tumakas sa lahat. Nakalimutan ko nagagamot lahat ng oras. May mga nasagap ako muling good news sa status ng binabalak kong book kaya eto balik sa normal ang mood ko.
Personal:
Medyo may tampuhan kami ng younger sister ko dahil sa ang sentro ay ang anak niya na anak ko na rin. Mahal na mahal ko ang bata dahil iniwan siya sa kin ng sister ko ng halos apat na taon, kami ng nanay ko ang nag-alaga tapos nang medyo stable na siya at ang pamilya niya kinuha niya ang bata na hindi kami inihanda sa aming mararamdaman. Nangyari na ito matagal na dahil 10 years old na ang bata ngayon. Ngunit tila ngayon lamang nabubuksan sa pagitan namin ang samaan ng loob. Maayos naman kaming nakapagpaliwanagan sa text at naiintindihan niya ako. Ang medyo may rift lang ay sa pagitan namin ng bayaw ko at naiipit ang sister ko. Ang hirap kasi talaga ng walang sariling pamilya. Mahal na mahal ko pa naman ang pamangkin ko dahil hawig na hawig sa akin ang bata, matalino at laging nag-eexcel sa school kahit singing contest, spelling contest, sa mga test laging nasa top 5. Parang nagmana talaga sa akin. At tuwing dumadalaw sila sa bahay ko , damang dama ko na nasasabik din siya sa amin ng nanay ko, natutulog na katabi ko o ng nanay ko.
Movies/ Hobbies:
Nakabili ako kay Sir Edgar Samar ng Season 3 ng Smallville, (tapos ko na ang Season 4 & 5) at ang paborito kong si Dakota Fanning sa series na Taken. Tapos ko na ang Supernatural series at di ko nagustuhan ang season finale. Dalawang episodes pa lang ng Ghost Whisperer ang nasimulan ko. May nabili akong asian movies na R rated, na ang mga stars ay pamilyar na mukha sa mga soap operas na napapanood ko sa GMA or ABS. Nagulat ako dahil bold ang mga eksena pero natuwa din naman dahil it was a feast to the eyes. Nakasisingit pa rin akong manood sa mga movie house, recently nga lang ay pinanood ko ang The Departed at ang galing-galing doon ni Jack Nicholson. At ang ganda ng story.

Posted by kikomontesena at 08:19 AM | Add a Comment