Entries for August, 2006

August 2nd, 2006

Alipato

Paghalik Ng Alipato
Francisco Montesena



Nais pasukin ng alipato
ang ating kapwa guwang;

maluluwang na puwang
na pinamamahayan ng lungkot,

ng nilulukot na takot.
Nais pagningasin

sa kaniyang paglipad
ang lapad ng ating pangarap.

Pagbabagahin ng pakiusap
ang bawat pangungusap.

Sa pagitan ng bawat kibot,
yayapos ang alab; kahit mahinay,

didingas. Ang bawat pagpansin,
sisiping sa nangungulilang anyaya:

Kakalagin ang tanikala, susunugin
ang gapos ng paniniwala sa pag-iisa.

Bawat alipatong mamumugad
sa ating guwang ay di makapapaso

sa naghihintay na pagkalag
sa pintig ng ating paglaya.

Kapwa tayo tatakas.


Posted by kikomontesena at 04:58 PM | 1 comments

August 3rd, 2006

Gunam-gunam

1. Tang-ina , nanonood ako kagabi ng "My Super-Ex GF" ni Uma Thurman at Luke Wilson at tumatawa ako mag-isa nang malakas. Imagine magkaroon ka ng selosang GF na may super powers, riot talaga. Lalo na ang eksenang nagse-sex sila, wasak ang kama

2. Noong Tueday night naman, nag-enjoy din ako sa "Wolf Creek". Very realistic ang pagkakagawa ng movie. At yung eksenang tinotorture na yung mga babae, madadala ka at maaawa. Based pa naman ito sa true events tungkol sa mga missing persons sa Australia. Mahirap talagang magtiwala ngayon sa mga taong di mo kilala. lalo na yung mukhang mababait at kusang nag-aalok ng tulong.

3. Uuwi ang Nanay ko sa probinsya for a week. Dadalawin ang Tatay ko so sarili ko na naman ang bahay ko.

4. Ineedit pa rin hanggang ngayon ang selection ko ng poems. Humihingi pa sa akin ng another set of collections si Sir Bob


Posted by kikomontesena at 08:40 AM | 3 comments

Tula

Alupihang Bakal
Ni Francisco Montesena



Nalulunasan ang kaniyang lumbay
tuwing maririnig ang dupikal
ng paparating na alupihang bakal.

Sumisigaw ang huni
habang papalapit sa kaniyang lugar.
Saka siya mananabi, bubulong ng dalangin.

Kaya kayang tangayin ng hagibis
sa mahabang pamamalisbis
ang lahat ng kaniyang dinadala?

Ilang beses nang binalak putulin
ang nag-uugnay sa sarili at mga pangyayari.
Isinasaisip: ang bakal ang makapangyayari.

Sinuyod ang kahabaan
ng umaalagwang nagdaan.
Muli niyang binuhay ang nais:

Sa pagbabalik, mag-aabang, iigpaw,
magtatapos ang di masimulan.
Di na ikukulong sa bulong

ang alulong ng isipan. Bukas,
aantayin muli ang pagdaan ng alupihan,
Iaangkas ang balak na di maisapilak.

Muli’t muli,
Ihaharang ang sarili sa ragasa
ng bukas na walang katapusan.
Posted by kikomontesena at 03:31 PM | Add a Comment

August 4th, 2006

Tula

Burdadora


I

Laging natutusok ang iyong daliri
ng karayom sa tuwing nagbuburda.
Hindi ka nasasaktan, ang mahalaga sa iyo
ay maiiwas ang tela sa tutulong dugo,
baka mag-iwan ng mantsa at bakas.
Hindi lamang karaniwang pagsusulsi
ang iyong ginagawa kungsaan ang pagtahi
sa butas o tastas ay karaniwang
nasa paghuhugpong lamang
ng sinulid sa damit. Sa pagbuburda
ay banayad ang dampi ng daliri
sa karayom tungo sa tela. May sinusunod
na sining, kailangan ng dalubhasang mata,
o kundi man ay sensitibong paghinga.

Maraming nag-aabang sa iyong likha.
Sa terno o barong na di karaniwang nakikita.
Di nila nababanaag ang iyong anyo sa mga disenyo.
Ikaw ang iyong likha at silang lahat ay ikaw.
Minsan nangarap kang matuunan ng pansin
at hindi ang mga bulaklak o paru-paro
o bahagharing nakapalamuti sa lahat ng sulok
na iyong binurdahan ng kalungkutan.
Nais mong magsa-bulaklak,
lumipad gaya ng paruparo,
o magsabog ng kulay gaya ng bahaghari,

Noon ako dumating.

III

Naghahanap ako
ng hindi makita

Isang kisapmata,
nakulong ka

sa aking tingin.
May iba sa iyo,

di pangkaraniwan.
Nakapuyod ang buhok

na ayaw padampi
sa hangin. May kulay

ang pisnging hindi naman
nasasayaran ng pulbos.

Nahuli ko
ang panakaw mong

sulyap sa akin.
Doon pa lamang,

ikaw ay inangkin.


III

Dumalang ang paglikha mo ng disenyo. Ipinagkatiwala sa iba ang noon ay ayaw ipamana. Hanggang mabilang na lamang ang tumatangkilik sa iyo. Ang mga mamimili ay mapanibugho. Ang ilan ay nagalit sa akin. Naglaho na raw ang ningning ng mga disenyo at aking inagaw ang kung anumang layaw na kanilang niyayakap sa pagbili ng iyong mga likha. Ako ay naguluhan, ayokong maging makasarili. Unti-unti kitang pilit ibinalik sa dati mong kinatatayuan. Nasa aking paglayo ang ikalulugod ng marami.

IV

Hinahanap kita,
di maitatanggi.
Ngayon,
handa na kitang
balikan.

V

Sarado ang pinto,
Walang naiwang dibuho
Walang naghihintay
na bulaklak
na paruparo
na bahaghari.

Tumalikod ako,
nang mapansin
ang isang gulanit
na piraso ng tela.
May mantsa ng dugo,
nakaburda
ang aking
pangalan.


8/4/06




Posted by kikomontesena at 01:29 PM | 2 comments

August 8th, 2006

Happy Bday Tata

Pagdating Ng May Talim
(kay Tata)
Ni Francis Monteseña, 8/7/06


Kusa kang dumating
May bukas na palad, nakalahad
Ang iniaabot na pangalan; laan
Na pamanang iniiwan, tatanggihan?

Kusa kang dumating
Walang ikinubling ngiti, daiti
Ng pagtanggap, balat sa balat.
Kapwa makata, dakila sa walang ‘ngalan.

Kusa kang dumating
Inaring ikaw ang aking anyo, salamin.
Sinasalamin ang narating sa paparating.
Walang bugso ng panibugho.

Kusa kang dumating
At ikaw ay tinanggap, buong giting
sa aking pagdakila, simula
ng dugtong na pangarap,

Kusa kang dumating,
Di man ihasa ang talim, taimtim
Ang inuukit na dalangin
Ikaw, ako, kapwa totoo

Nagmamahal sa tula.
Posted by kikomontesena at 07:56 AM | Add a Comment

Tula

Kasi


Tumalikod ka. Iniwan akong
di nakikilala; sabay sa lutong
ng iyong halakhak, ginanyak

mo ang maraming tagasunod patungo
sa alimpuyo ng iyong palad, nakabilad.
Di mapamuksa ang paglalanggas

ng liwanag sa daing ng bawat
lumalapit. Humarap ka sa kanila
na isang bagong tao, nakabelo,

binabalutan ng bango
ang lumilibot na hangin;
tinutunton ang banal at sagrado.

At tahimik na gumapang sa paligid
ang anas ng pagbabago. Nabuwal ka
at nagsalita sa himig ng Sto Niño.

Umusal ng dasal ang lahat ng pasal
sa basbas na banal. Ang mga hangal
na di nakayang lumunok sa ritwal

ay lumisan, silang ulila sa paniniwala.
Ako na iyong tinalikuran ay lumapit
at pilit na sa iyong daliri inipit

ang aking larawan. Tinitigan mo ako
na wari ay di nakikilala, bumulong
ng orasyon sabay sa pagbagsak ng luha.

Iniutos mo sa mga tagasunod
na ako ay ilayo. Na ako ay kabilang
sa mga di naniniwala at sa kaniya

ay walang sampalataya.
Sa katotohanan, sa ating dalawa
Ikaw ang tanging nagtalusira.


8/8/06
Posted by kikomontesena at 03:53 PM | Add a Comment

August 9th, 2006

Isa Pa

Durungawan



Muling umiingit ang mga bintana.
Unti-unti ay may luwang ang siwang
na noon ay matagal nakapinid.
Nagtiwalang ibukas sa hangin
ang hangaring libutin, ikutin
ang paligid ng ikinulong na malay.
Buhay, dumudulay sa bawat
mahagip ng tingin. Sa pagbukas,
muling inilatag ang tatag. Haharap
sa nakababahing na alikabok
o sa panibagong sikat.
Di man lubos ang pagbubukas,
may kasiguruhang muling manunungaw
ang inuhaw na pintig sa noon
ay kinakalarong daigdig.
Kung sisibol man ang unos
sa tarangkahan at hahampas
ang sigwa sa pasimanuhan,
naihanda nang lubusan ang sarili
sa pagbayo ng bagyo.
Ngayong humupa na ang lahat
may araw ding maisusulat muli
ang pangalan sa nagsara
at nagbubukas na durungawan.


8/8/06
Posted by kikomontesena at 08:28 AM | 1 comments

August 11th, 2006

forwarded message

This is very informative in taking care of our health.


BRAIN DAMAGING HABITS


1. No Breakfast
§ People who do not take breakfast are going to have a lower blood sugar level. This leads to an insufficient supply of nutrients to the brain causing brain degeneration.

2. Overeating
It causes hardening of the brain arteries, leading to a decrease in mental power.

3. Smoking
It causes multiple brain shrinkage and may lead to Alzheimer disease.

4. High Sugar Consumption
Too much sugar will interrupt the absorption of proteins and nutrients causing malnutrition and may interfere with brain development.

5. Air Pollution
The brain is the largest oxygen consumer in our body. Inhaling polluted air decreases the supply of oxygen to the brain, bringing about a decrease in brain efficiency.

6. Sleep Deprivation
Sleep allows our brain to rest. Long term deprivation from sleep will accelerate the death of brain cells.

7. Head covered while sleeping
Sleeping with the head covered, increases the concentration of carbon dioxide and decrease concentration of oxygen that may lead to brain damaging effects.

8. Working your brain during illness
Working hard or studying with sickness may lead to a decrease in effectiveness of the brain as well as damage the brain.
9. Lacking in stimulating thoughts
Thinking is the best way to train our brain, lacking in brain stimulation thoughts may cause brain shrinkage.

10. Talking Rarely
Intellectual conversations will promote the efficiency of the brain

--------------------------------------------------------------------------------------
The main causes of liver damage are:

1. Sleeping too late and waking up too late are main cause.
2. Not urinating in the morning.
3. Too much eating.
4. Skipping breakfast.
5. Consuming too much medication.
6. Consuming too much preservatives, additives, food coloring, and artificial sweetener.
7. Consuming unhealthy cooking oil. As much as possible reduce cooking oil use when frying, which includes even the best cooking oils like olive oil. Do not consume fried foods when you are tired, except if the body is very fit.
8. Consuming raw (overly done) foods also add to the burden of liver.
9. Veggies should be eaten raw or cooked 3-5 parts. Fried veggies should be finished in one sitting, do not store.


We should prevent this without necessarily spending more. We just have to adopt a good daily lifestyle and eating habits. Maintaining good eating habits and time condition are very important for our bodies to absorb and get rid of unnecessary chemicals according to "schedule."

Because:

Evening at 9 - 11pm : is the time for eliminating unnecessary/toxic chemicals (detoxification) from the antibody system (lymph nodes). This time duration should be spent by relaxing or listening to music. If during this time a housewife is still in an unrelaxed state such as washing the dishes or monitoring children doing their homework, this will have a negative impact on health.

Evening at 11pm - 1am : is the detoxification process in the liver, and ideally should be done in a deep sleep state.

Early morning 1 - 3am: detoxification process in the gall, also ideally done in a deep sleep state.
Early morning 3 - 5am : detoxification in the lungs. Therefore there will sometimes be a severe cough for cough sufferers during this time. Since the detoxification process had reached the respiratory tract, there is no need to take cough medicine so as not to interfere with toxin removal process.
Morning 5 - 7am: detoxification in the colon, you should empty your bowel.

Morning 7 - 9am : absorption of nutrients in the small intestine, you should be having breakfast at this time. Breakfast should be earlier, before 6:30am , for those who are sick. Breakfast before 7:30am is very beneficial to those wanting to stay fit. Those who always skip breakfast, they should change their habits, and it is still better to eat breakfast late until 9 - 10am rather than no meal at all.
Sleeping so late and waking up too late will disrupt the process of removing unnecessary chemicals. Aside from that, midnight to 4:00 am is the time when the bone marrow produces blood. Therefore, have a good sleep and don't sleep late.

TAKE CARE ABOUT YOUR HEALTH . .
Posted by kikomontesena at 10:15 AM | 2 comments

August 18th, 2006

Updates

Andami kong trabaho ngayon kaya di ako makagawa ng tula. Dalawang kompanya ang hawak ko ngayon, at yung isa bago pa lamang sineset-up ang accounting system. Ayaw ipagkatiwala ng boss kong Amerikano sa iba ang accounting maliban sa akin, gusto raw niya nang mapagkakatiwalaan, in fairness binigyan naman niya ako ng retainers fee for having an hour a day to work on their books.

Dumating sister ko, di nakatagal sa abroad. Pasalamat na rin kami, talagang ang kalaban yata ng mga OFW ay homesickness. Maayos na siya ngayon at pauwi na ng probinsya.

Sa 2 weeks na bakasyon ng nanay ko, natuwa naman akong nakita ulit niya doon ang mga kumare niya, at nanalo pa siya sa jueteng ng P2,100 sa tatlong pisong taya, bwahahahhahahaa. Sana pag-uwi ko nasa bahay ko na siya. Namiss ko siya, ang ingay niya sa umaga at ang lakas ng volume ng TV pag dumarating ako sa gabi.

Salamat naman at it will be a long weekend dahil walang pasok sa Monday.

Hanggang ngayon ala pa akong balita kay Sir Bob sa editing ng mga tula ko, siguro busy siya sa UMPIL dahil Buwan ng Wika ngayon. Di bale, di naman ako nagmamadali. Si Tata Raul nga sa Dec pa daw lalabas ang libro. Sa mga naghihintay, wag mainip at ilalabas ko rin ito

May mga lumalabas na masasakit sa katawan ko, kapag talaga nagkakaedad ang daming nararamdaman sa katawan. Sasamahan na nga ako ng Ate ko sa kilala niyang doktor pero parang ayaw ko nang pumunta ng hospital. Noon kasi, nagpacheck up lang ako, tuloy admittance na sa Veteran's Hospital. May bukol na nakita sa bituka ko at inoperahan.

mainit ang ulo ng boss ko buong week, pero di naman sa akin kundi sa mga kasamahan ko.



Posted by kikomontesena at 07:45 AM | Add a Comment

TULA

Piit


Sa pagkalas sa palabas,
iyong tinuklas ang anyo ng sarili.

Inilibing ang lahat
ng nahihimbing.

Ibinangon ang ngayon,
humulagpos sa noon.

Pinatid ang angas ng bukas
Nagpumiglas sa gapos

ng panggigipuspos. Pinigtas
ang nilubid na alalahanin,

tikim sa paglaya.
Kinalas ang kadenang

nakapulupot, tila sapot
na bumihag. Sa pagsigaw,

lumitaw ang berso
ng pagsusuri sa sarili:

Lalabas ka ba at aahon
nang may pagmamalaki?

O itutuhog muli ang lahat
sa pagsasarili?


8/18/06

Posted by kikomontesena at 02:50 PM | Add a Comment

Isa pa

Garapon


Inihanda mo ang mga garapon;
Pagdilim ang tamang oras ng pagbabaon.
Tinakal mo ang asin; kailangang tama
ang sukat sa naisin.Inihalo mo sa tubig.
Nang mapunit ang langit sa langitngit
ng hagdanan, noon ako napaingit.
Hindi panaginip nang makita kitang
garapon ay labit. Marahan kang
pumanaog sa silong ng kubo,
agad nagdukal. Sa sukal ng dibdib,
bigla ang iyong luha’y bumukal.
Sa hukay, iyong inilagay
ang baong garapon. Umadyo kang muli,
naglinis ng sarili saka sa aki’y tumabi.
Sa pagkakahimlay, ginutay nang utay-utay
kong paghihinala ang tahimik na gabi.
Bumangon ako, kinapa sa sariwang lupa
ang lahat ng iyong ginawa. Doon ay iniluwa,
ang garapong laman ay mga basang sulat
ng pagliyag. Mga salita ko ng pagmamahal
na hangarin mo ay tumagal kaya’t nagawang
iburo sa lupa. Saka ko binasag ang garapon,
sabay sa paglaya ng mga salita.
Bubuin kong muli ang mga pangungusap
sa gitna ng mga bubog ng garapon


8/18/06



Posted by kikomontesena at 04:22 PM | Add a Comment

August 23rd, 2006

May Tula na naman!

1.
Pasan
Francisco Montesena



Ang lahat ng bawal ay malinaw.
Sa mataas at dukha, lahat ng likha

ay may dulong hahantungan.
Kaya’t nang hingin mo ang pahiwatig,

di ko kailangang tumugon, nakabaon
sa lupa ang yapak ko sa tinuntungan;

Nakaukit sa balat ng mga puno
ang imahen ng aking mukha;

Nakabalatay sa kulay ng bahaghari
ang paghahari ng aking lakas;

Nasa dagat ang lalim ng aking pagkatao;
Nasa bundok ang taas ng aking pagpapahalaga

sa lahat, nakakalat, huwag kang magulat
kung ang iyong pagtatanong

ay tila lamang pagsusumbong
ng hindi kayang mabuhat. Sa aking pagsukat,

bulak ang bigat ng iyong inilalahad. Ang sa akin,
lahat ng nakikita mo’t di madalumat,

pasan-pasan, dala-dala, tulak-tulak,
nang walang pag-angal.


Posted: August 22, 2006


2.
Burado
Francisco Montesena




Naglalaho ang mga titik sa pader.
Ito ang iyong kinatatakutan.
Mabuti pa ang makitang nakaukit
sa lapida ang hanap na pangalan.
Doon ay siguradong malalim
at di mabubura. Hindi na sa dibdib
magbababag ang bagabag
sa paghahanap kung nasaan
o saan iniwan ng iyong anak
o kapatid o kabiyak ang kanilang
mga bakas. Hindi tulad ngayong
patuloy na nagninilay kung ano
ang kanilang lagay sa hanay
ng iba pang mga pangalang
sa pader nakabalatay.

Malabo na ang mga titik sa pader.
Kasabay nang panlalabo
ang paglalaho ng kanilang anyo;
ang di pagbabalik ng halik;
ang nawalang sulyap ng paglingap;
ang pagtakas ng lumipas.
Makikilala mo pa kaya sila
sa inyong pagtatagpo?
O may magaganap
na paghaharap?

Ayaw mong bumitaw sa hiyaw ng pag-asa.
Kahit pa nasa kaway ng kaaway
ang kanilang pangalan at dala-dala.
Patuloy ang iyong paghahanap.
Hangga’t aninag mo pa ang mga letra
sa bawat pader, sa bawat daan,
kahit humantong sa naghanay na lapida.
Makita lang nang malinaw ang lahat.


Posted: August 23, 2006



Posted by kikomontesena at 02:55 PM | Add a Comment

August 28th, 2006

Tahimik

Gusto ko munang manahimik.
Posted by kikomontesena at 08:13 AM | Add a Comment

August 31st, 2006

Isang Linggo

What a week!

Lunes, sa isang subdivision na ginawang short cut ng colorum van na nasakyan ko, aba at hinabol kami ng shotgun ng gwardya, ipinutok pa. Mabuti na lamang at may pasaherong pulis sa loob ng van at naayos naman.

Martes, nasiraan sa gitna ng C-5 ang Van na sinasakayan ko

Miyerkules, nasiraan sa may Kalayaan ang Van na nasakyan ko,

Huwebes, ang ulo ko yata ang nasisiraan dahil ang daming reports na kailangang tapusin, month end kasi.

*****
Napanood ko na ang "Kubrador" at maganda nga siya. Kung pagbabatayan ang realistikong mga pangyayari, mahusay ang pagkakalahad at magaling si Gina Pareño.

*****

Ang dami ko pang biniling pirated DVD na nakalinya kong panoorin sa bahay.

****
Nasa program ng "Pistang Panitik" sa Sept 3 sa World Trade Center ang pangalan ko, nakalinyang tumula. Hayyyy kulang sa preparation! ano kaya ang itutula ko? at ano kayang gimik ang makakacatch ng atensyon.

****
Tagumpay ang UMPIL na ginanap noong nakaraang Sabado. Natuwa ako kay Dr. Miclat, kilala niya ako at binati pa. Binati ko ng personal si Mam Becky Anonuevo sa Palanca niya. Binati ko si sir Mike Coroza, pero ewan ko mukhang malamig siya sa akin. Ang dami kong natutuhan sa copyright discussion, balak kong baguhin ang disenyo ng ilalabas kong book na ineedit pa rin hanggang ngayon. In fairness, humingi muli ng paumanhin si sir Bob Anonuevo na busy lang daw kasi siya ngayong mga panahong ito. Ang sisipag ng mga fellows sa pag-uusher sa mga bisita ng UMPIL.

****
Wala akong maitula.

*****
Napakinggan ko si Tata Raul Funilas sa radyo, DZRM. At in fairness ang boses niya ang pinakabatang pakinggan sa lahat. Panay ang text ko na batiin ako, eh halos puro kamag-anak niya ang binati




Posted by kikomontesena at 12:21 PM | Add a Comment