June 9th, 2006
Tula
1. Pamamahay
Ni Francisco Arias Monteseña 6/8/06
Kilalanin mo ang bawat aninong
pumapasok sa pintong ito.
Nakauungos sa iyo at di mo maabutan.
Silang mga nauuna pang mamahinga
sa iyong likmuan. Silang nauuna pang sumilip
sa di mo malirip na bahagi ng iyong tahanan.
Ikaw na nahuhuli’y kumilatis
sa ayaw pakilalang mga panauhin.
Paano susupilin ang kanilang
masibang panginginain? Ang lahat sa iyo’y
inaaring kanila. Ni ang iyong pagkurap
ay di mabawi sa kanilang umaapuhap, bigla.
Pahihintulutan mo bang sagarin nila ang lahat?
May mga nagbabadya pang darating.
Iinom, muling manginginain at hindi na
tuluyang aalis, hanggang ikaw ay di makatiis.
Ipinid mo na ang pintuan. Ang nasa loob ay ipagtabuyan
Ipakilalang ikaw ang nagmamay-ari ng lahat
nang kanilang kinikilusan. Ikaw ang dapat
na maunang dumating. Walang iba, ikaw lamang.
2. Uk-ok
Francisco Monteseña 6/2/06
Nasanay nang
sa sulok
magmukmok;
Ang aking mga tula’y
nahahapo,
inaantok.
Ang di pagpansi’y
udyok,
katok.
May dapat bihisang
lungkot,
takot.
Bubuksan ko na ang dibdib
nang sa sulok di magmukmok,
mahapo’t maantok.
Ang udyok at katok sa sarili:
Nawa’y mapalis
ang lungkot at takot.
Nang ang mga tula ko’y di lamunin ng
gabok,
usok.
***Uk-ok = Uka

Posted by kikomontesena at 07:10 AM | Add a Comment