May 24th, 2006

dulo

Pagdating Sa Dulo
Francisco Monteseña 5/23/06




Laging bugtong
ang mga salita ko ngayon.

Dito ay pilit
itinatago’t kinakanlong
ang paglaki ng bilbil,
pag-urong ng libog
at singasing ng kahapon.
Sa mga palaisipan ikinukumpisal
ang mga kasalanang takasan man
ay muli at muling kinalulugdan.

Ano pa ang silbi ng pagsisisi?
Sa patuloy na pag-iimpok
ng hinagpis, walang dumating na saya;
O sadyang pinanlabuan na ng mga mata
kaya di nakita ang ganda ng iba.
Humina na ang pandinig
sa musika ng paligid, sumisigid
araw-araw ang hilahil, nanunutil
ang panahong ayaw papigtal, umuusal
ng panalangin, tapusin,
ang lahat ay baliin.

Nakapapagod
ang buhay nang tumandang
walang pinagkatandaan.

Posted by kikomontesena at 07:27 AM | Add a Comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: