Entries for December, 2005

December 12th, 2005

Ang tagal na!

ang halos higit kumulang na 2 linggo na ala akong update d2 ay parang abnormal sa akin. Ngunit mayroong mga bagay kasing dapat iprioritize. Marami akong dapat tapusin sa office na mga year end reports. Ngunit naisisingit pa rin naman ang mag ilang gimik tulad ng panonood ng sine ( kahit pa nga madalas mag-isa lang ako). Pwera pa ang mga dvd movies na kinatutulugan ko na.

Ganito nga yata talaga ang buhay ng soltero minsan nais ng may makakasama, minsan mas nais pang mag-isa. Pati ang pagtula ay di ko na naaasikaso. Ayaw akong dalawin ng Musa ko. Di tulad noon na halos utot ko na lumalabas ang mga salita at walang hirap na nakakabuo ng tula.

Inuurungan na yata ako ng bayag sa pagtula o talagang ako ay mapaghanap lamang.
Posted by kikomontesena at 03:33 PM | Add a Comment

December 16th, 2005

Mga tula

Basang-basa
Ni Francisco Montesena 12/16/05



My pumulak
sa aking
lalamunan
habang sinasabayan
ang hangin
sa paghalinghing.
Saka lamang nagising,
basang-basa
sa pawis
at di makahinga.
Kinapa sa bibig
ang nakasamid;
At doon
natagpuan
ang tumigas mong
mga ala ala.


Hapdi
Ni Francisco Monteseña 12/16/05

Sa paglulumiyad
ng apoy
sa kalan,
natupok
maging tubig.
Sa pagkulo’y
nabantilawan . . .
hapdi
at aringking
ng balat
na tinamaan,
di na muling
susugba
sa apoy na
namulatan.

Butiki
Ni Francisco Monteseña, 12/16/05



Musika ang bawat
Tiktik
Ng butiking
di mapakali
sa kisame,
nakatitig sa akin
habang ako’y nakatitig din
sa kanya . .
mata sa mata.
Hanggang ako
ang naunang
sumuko
At bumawi ng tingin.

Kahit sa butiki,
di magawang
magsabi ng hangarin.


Posted by kikomontesena at 04:06 PM | Add a Comment

December 21st, 2005

Hinagpis sa Simbang-Gabi


Ako ang tsaa,
Ikaw ang bibingka.

May mga pagkakataong
tinatalo ng tapang ng tsaa

ang sarap ng bibingka.
Minsan ay hindi ko malasahan

ang halong itlog
o ang pinong galapong.

Marahil sa kadahilanang
sa bawat pagsubo,

kaligkig ng lamig sa simbang-gabi
ang aking nararamdaman.

Kaya madalas ayain kitang magmadali
sa pag-uwi. Kahit pa nga nais

mo pang malasahan ang mga kakaning
tuwing pasko lamang nagsusulputan.

Ako, heto at magbabalot muli sa kumot
habang ikaw ay mananabik muli

sa susunod pang araw
ng simbang-gabi.


Posted by kikomontesena at 11:02 AM | Add a Comment

December 22nd, 2005

Alphabet

excerpts from The Philippine Star


Here’s a glossary of memories of the things we usually associated Christmas with, in the eyes of a child that was us:

A = Apple, Angel

B = Bethlehem, Belen, Baby Jesus, Bell

C = Christmas tree, Christmas card, Candle, Caroling, Chestnut, Crepe paper

D = Deck the Halls With Boughs of Holly

E = Exchanging gifts

F = Fruit cake, Firecrackers

G = Gift, Grapes, Garland

H = Ham, Hark the Herald Angels Sing

I = I’ll Be Home For Christmas, I Saw Mommy Kissing Santa Claus

J = Jesus, Joseph, Jingle Bells, Joy to the World

K = Kriss Kringle

L = Little Christmas Tree

M = Mary, Manger, Misa de Gallo, Monito-Monita

N = Ninong, Ninang, Noche Buena

O = O Little Town of Bethlehem

P = Poinsettia, Pasko, Party

Q = Queso de bola

R = Ribbons, Rudolf the Red-Nosed Reindeer, Rondalla

S = Santa Claus, Silver Bells, Silent Night, Stocking, Snowman

T = Toys, Twelve Days of Christmas

W = Wreath, Watusi, Wrapper, White Christmas, Whispering Hope

Y = You’re All I Want For Christmas

Z = Zoo
Posted by kikomontesena at 08:09 AM | Add a Comment