Entries for November, 2005

November 3rd, 2005

Mga takbo ng isip

Kung ano ang haba ng bakasyon ay yun din ang haba ng aking pagdurusa. Isang linggo akong may trangkaso at nasabay pa dito ang pagoospital sa nanay ko. Tatlong araw siya doon lumagi at habang naghihirap siya sa mga iniksyon at gamot na ang lalaki at ang mamahal ay parang ako ang nahihirapan. Matanda na ang katawan ng nanay ko para abutin pa ang mga kahirapang ganoon. Iniuwi siya sa bahay ko at kami dalawa ang naiwan habang ang mga kapatid ko ay nasa probinsya para maiba ang hanging nalalanghap. Ako ay nakaantabay lagi sa oras ng pagpapainom ng gamot sa nanay ko.

Pumasok pa rin ako sa opisina kahit maysakit ako at iniwan ko muna nanay ko sa isa kong kapatid. SA opisina ang dami pang problema. Susuko na yata ako.

Posted by kikomontesena at 12:44 PM | 1 comments

November 8th, 2005

Sungka

Sungka
Francisco Montesena, 11/7/05



Ilang ikot lamang sa larong sungka
ang buhay at pag-ibig.Kung nasa iyo

ang swerte ay maaaring humaba o masikig.
Ngunit mas madalas ang malas na masilat

sa butas at hindi magawang paratingin
sa bahay-bahayang pinamumugaran ng naipong

butil. Tulad ng paglingap na unti-unti mo
lamang inihuhulog sa akin. Ni hindi mo

magawang ibuhos ng lubusan. Kaya marahil
madalas madulas sa butas na walang pag-ahon.

Manghinayang man sa panahong inilagi sa
makailang pag-ikut ikot,ang aanihin ay lungkot.

Ang sabi mo kasi matuto akong umuwi at hanapin
ang daan patungo sa iyo tulad ng paghahanap

ng aking kamay sa sungkahan.Hindi mo lamang
napansin na matagal na oras ang inilagi

sa dulong butas ng sungka upang maranasan
ang kandili ng sariling bahay. Subalit hungkag

sa init kaya nga minarapat maghanap ng ibang butas
na may init na inihahain. Kahit pa nga batid kong

panandalian lamang ang pakikitira tulad ng mumunting
butas sa sungka. Susugal ng husto kahit pa ilang

beses mamatay sa pagkatalo. Sana nga lamang ay may
pakinabang ang makailang ulit na pagkahilo; matanto

mo na sa iyo man uuwi, umaasa pa rin ako ng mainit
na pagsalubong tulad ng mga nauna kong pag-uwi.


Posted by kikomontesena at 09:58 AM | Add a Comment

November 9th, 2005

2 tula

Halik at Gusi
Ni Francis Montesena  11/9/05

Hindi lamang sa dulo ng bahaghari mayroong gusi.

Natagpuan ko rin iyon
sa dulo ng iyong mga labi.
Kayamanan ang iyong ngiti.
Ngunit tulad ng mga
pakikipagsapalaran,
maghihirap muna
bago makadampi.
Bago makahipo
sa nakatagong yaman,
dadaan  sa pakikihamok
sa libong pagsubok.
Kahit pa isang halik
lamang ang katumbas,
kung mula sa puso
ng dilag na kapilas.

Hindi na kailangang maghintay sa bahaghari.



Walang Kupido
Ni Francisco Montesena 11/9/05



Sa mitolohiya lamang nabuhay si Kupido.

Ang palasong babaon
sa puso ay gapok,
walang talim.
Walang lilipad
na paglingap
sa kaniyang pagpana;
Dahil katulad
ni Kupido,
bawat palaso ay huwad.
Mababasa lamang
sa kuwento ang bisa
at pang-akit ng bawat tudla.

Walang babaon sa puso,
Naging bakal na
sa nalugaming pagsuyo.

 


Posted by kikomontesena at 11:33 AM | Add a Comment

November 16th, 2005

5 poems in emanilapoetry book

Limang tula ko po ang napili ng emanilapoetry para makasama sa kanilang anthology. Natutuwa ako at unti-unti ay naiibigan ng mga mambabasa ang aking mga likha. akala ko noon ay mananatiling ako lamang ang maniniwala sa mga ito. Unang hakbang na ito. Salamat sa lahat ng mga kaibigan at impluwensya sa panulaan.

Posted by kikomontesena at 08:07 AM | Add a Comment

Apology Accepted

Nag sorry na sa Akisum at dinelete na niya ang tula ko sa blog niya. Sa akin ayos lang naman basta sinabi sa akin at yung credit syempre dapat sa akin. Next time ha! Kung gusto mong manghiram ng poems I have over 700 sa baul ko.
Posted by kikomontesena at 11:43 AM | Add a Comment

November 22nd, 2005

Forwarded message

ROMANCE MATHEMATICS

Smart man + smart woman = romance

Smart man + dumb woman = affair

Dumb man + smart woman = marriage

Dumb man + dumb woman = pregnancy

______________________________

OFFICE ARITHMETIC

Smart boss + smart employee = profit

Smart boss + dumb employee = production

Dumb boss + smart employee = promotion

Dumb boss + dumb employee = overtime

_____________________________

SHOPPING MATH

A man will pay $20 for a $10 item he needs.

A woman will pay $10 for a $20 item that she doesn't need.

_____________________________

GENERAL EQUATIONS & STATISTICS

A woman worries about the future until she gets a husband.

A man never worries about the future until he gets a wife.

A successful man is one who makes more money than his wife can spend.

A successful woman is one who can find such a man.

_____________________________

HAPPINESS

To be happy with a man, you must understand him a lot and love him a

little.

To be happy with a woman, you must love her a lot and not try to understand

her at all.

______________________________

LONGEVITY

Married men live longer than single men do, but married men are a lot more

willing to die.

______________________________

PROPENSITY TO CHANGE

A woman marries a man expecting he will change, but he doesn't.

A man marries a woman expecting that she won't change, and she does.

_____________________________

DISCUSSION TECHNIQUE

A woman has the last word in any argument.

Anything a man says after that is the beginning of a new argument.

_____________________________

HOW TO STOP PEOPLE FROM BUGGING YOU ABOUT GETTING MARRIED

Old aunts used to come up to me at weddings, poking me in the ribs and

cackling, telling me, "You're next." They stopped after I started doing the

same thing to them at funerals.

Posted by kikomontesena at 07:38 AM | Add a Comment

November 23rd, 2005

You are Wallace Stevens.  You love everything especially the sound of things.  Too bad you are so obscure that at times even you don't

understand what the hell you have written.

 

Siya raw ang katulad ko sa modern day american poet ayon sa quiz na nabasa ko sa blog ni Eds.


 

Posted by kikomontesena at 01:40 PM | Add a Comment

November 24th, 2005

Hinabing Buhay

Ang mundo ay isang malaking palaruan.

Hinahabi sa pangarap
ang lahat ng bagay na dito makikita.

Kinukulayan ng bahaghari
ang mga damdaming uusbong
sa pagbuo ng landas at katauhan.

Muli at muling tatakawin
ang isip sa malilikhang anyo ng kasiyahan.
May ngiti ang labing sasalubungin ang araw sa pagsikat,
pahahalikin sa mga palad, paiikutin ang kinang sa ulunan;

Muling ibabato sa langit
upang paglaruan ng ibang may kailangan.
Padadaanin ang maghapon sa pakikipaghabulan sa alon,
pakikipagtunggali sa daluyong. Sa sandaling ang tubig ay huminahon,
maglalambing sa hangin na isamang liparin at galugarin ang kalawakan.


Hihintaying lumatag ang dilim,
tatalon ng marahan sa ibabaw ng mga bituin..
Ang buwan ay haharutin. . . pagagalitin upang mamasdan
kung mamumula ang pisngi sa biro at pagmamagaling.
Hihingi ng paumanhin upang tulungang sa lupa ay pabalikin.
Magbabalik sa pangarap at paglalaro. Tatakas sa katotohanan ng buhay.
Sa ganito lamang paraan mananatili ang katinuan.

Posted by kikomontesena at 12:33 PM | Add a Comment

Bilanggong Kamusmusan

Bilanggong Kamusmusan
Ni Francis Montesena 11/23/05

Madalas mong kinakausap ang nakakulong na manyika
sa eskaparateng kristal. Siya na iyong kaibigan.

Ibigin mo man siyang tulungang ilabas sa bilangguang
kinasadlakan ay hindi maaari at baka marumihan.

Bilin ng iyong Inang huwag paaalikabukan, ni mahawakan;
Dahil bawat dumi ay kabawasan sa kamahalan ng kanyang

pagkakabili. Kaya naman natuto ka na lamang tingalain
at tanawin ang kanyang kinalalagyan. Noon ay naiinggit ka

sa manyikang may magarang kasuotan at tahimik lamang na
nagmamasid sa iyong pakikipag-usap sa kanya. Nang lumaon,

naunawaan mong kagaya mo ay kapwa kayo nakakulong
sa pagmamahal na sakim. Ang ipinagkaiba lamang,

nagawa mong makatakas at matutong mamuhay ng may kalayaan.
At ng ikaw ay magbalik pagkalipas ng kamusmusan,

napansin mong ang manyikang kinainggitan ay naroon pa rin
Malungkot na nakatitig sa iyo sa damit niyang kupasin.


Posted by kikomontesena at 01:19 PM | Add a Comment

Kahit Sa Mga Titig Lamang

Kahit Sa Mga Titig Lamang
Ni Francis Montesena 11/22/05


Hangin ang nakapagitan sa ating bawat titig.
Nais mang aninagin ang iyong mukha ay hindi magawa

dahil ang anyo mo ay nilalagom ng alimuom.
Walang magawa kundi kapain sa isip ang iniwan mong hugis.

Ang iyong matang malamlam na ngayon ay hindi ko na makita;
Ang iyong mga labing laging basa, hindi ko na mahaliikan.

Inunahan nang dampian ang aking labi ng hamog ng kapaligiran.
At ako ay nagtatakang hindi pa rin nila mapunuan ang aking

Paghahanap. Ibigin ko amng pisilin ang iyong ilong na madalas
kong ginagawa sa ating lambingan ay hinahadlangan nitong

paninigas ng kalamnan. Hindi makagalaw sa pagkakagapos
ng hangin ang aking kabuuan. Naniniwala na akong gaano man

kadalisay ang pag-iibigan ay wawasakin at hahadlangan
ng mga kahinaang hindi mapaglabanan. Ayaw ko mang sumuko,

gagawin ko na upang ako ay lumaya at ikaw ay makita
kahit sa malayo, ibigin ka kahit sa pagitan ng ating mga titig .

Posted by kikomontesena at 01:23 PM | Add a Comment

November 25th, 2005

You are invited

Are You Up For The Challenge?

On Dec. 10, 2005, Pinoypoets will be holding its grand members night
at Penguin Bar, Malate.

pp.d@..., will bring together members and friends in an evening of
poetry, music and fun activities. There will be musical performances
by Sruvaleh, Ria Bautista of Paramita, Babes Alejo, Ergband, Jacie
and Honey and other surprise numbers. Some of the members will also perform poems from their poetry CD, Ora Poetika. Exciting and daring challenges that will bring out the funny sides of these poets will also be provided to entertain members and guests.

The activity will also be highlighted by the launch of their
official website, www.pinoypoets.com which was conceptualized by a
team of experts from PODD, a Cebu based web designing and
Development Company, headed by Christine Rohm and EO Cedeno, who incidentally are members of the group.

The event intends to raise funds for the production of the group's
second poetry chapbook, Obverse Volume II (O2), scheduled for
release in early 2006 and other forthcoming activities.

Everyone is encouraged to bring with them poems, either their own
composition or just personal favorites for an open mic reading.
Event starts at 8:00PM. The P80.00 entrance is inclusive of 1 bottle
of beer.



Posted by kikomontesena at 09:50 AM | Add a Comment

December 1st, 2005

Register na

AXN is hosting a MALL CHALLENGE this December in Manila “ Amazing Mall Challenge”



It would be GREAT if anyone in the office can enter and get us some press...we will give an entire ECONOMICALL OUTFIT if you enter and get selected for the challenge!!!!





YES< EVERYONE IN THE OFFICE WILL BE REQUIRED TO ENTER J



It does not have to be you, it can be a friend, family, etc… they need teams of two to run around the mall doing amazing mall type stuff ( solve puzzles, find stuff, etc)



Please enter or find someone to enter J



Register at this link ASAP!!!



http://www.axn-asia.com/promotions/axn-amazing-mall-challenge/

















Posted by kikomontesena at 07:55 AM | Add a Comment
« 2005/10 | 2005/12 »