October 4th, 2005
Movies
Ang gaganda ng aral na nakuha ko sa mga movies na napanood ko:
1. Casshern : An asian movie, Japanese, na tungkol sa isang guardian spirit, na pumuprotekta sa mga taong nangangailangan. Pero ang mas malalim ay ang epekto ng digmaan, ang lagim na dulot ng pansariling dahilan - ang maghanap ng sikreto sa ikahahaba ng buhay; ang halaga ng pamilya at minamahal; ang sumbat ng budhi. An galing ng special effects ala matrix --- DVD
2. Little Black Book - dito naman ang halaga ng pagtitiwala at pagpapanumbalik ng tiwala sa sarili. na bagamat nabibigo, ang lahat ay may oras lalo na ang tagumpay, basta maging matiyaga lamang; ang halaga ng pakikipagkaibigan
3. Game Nemesis - magandang twist ng movie tungkol sa inaakalang riddle and game na humantong sa murder. Ang aral ay di mo alam na ang kaaway ay nasa tabi lamang, in the most unexpected palces and people around.