August 18th, 2005
Mga Pangyayari
1.Nag-usap kami ng masinsinan ng boss ko at nasorpresa ako sa mga bagay na sinabi niya , labis kong ikinatuwa at may hifgit pa akong natanggap na sorpresa. Hindi ko na muna siguro hahangaring umalis dito. Hehehehehehhehe.
2. Hindi pa rin ako binabayaran ng dati kong employer, may utang pa sila sa king mga 25k at hanggang ngayon ginagawa akong bumbay na hulugan. Hmmmppp. May marunong bang mangulam dyan?
3. Normal na muli ang pagtae ko ng tula sa pinoypoets, normal na muli buhay ko. kaya lang di pa ako nakakapagrevise ng mga tula para sa Sunday LIRA session namin.
4. Pinaayos ko alulod ng kusina ng bahay ko. Balak kong palagyan ng 2nd floor. Magkano kaya magagastos ko? wag na lang kaya muna hanggat mahal pa ang semento at dolyar at gasolina?
5. Ang dami ko pa ring backlog sa trabaho. Mabuti na lamang at halos angkin ko ang oras sa opisina.
6. napanood ko ang advance screening ng The Longest Yard ni Adam Sandler. Ewan ko ba kahit gaano ka-corny ang mga pelikula niya, fan na niya talaga ako. Di ako nakokornihan sa kanya tulad ng pagkabweset ko sa akting ni " sino na nga ba si Ace Ventura-the pet detective? at yung nasa The Mask?"
annestephie
