Entries for July, 2005

July 1st, 2005

Kapuso

Tungo ako kahapon ng GMA 7 for the call I received for a possible job hiring for the position of Payroll Manager.

Umaga ang schedule ko pero nalate ako dahil sa traffic, 830 ang schedule tapos 930 ako nakarating. buti na lang sa hapon ay may schedule pa. Punta muna ako ng office para kunin ang paycheck ko at saka bumalik ng GMA. Naghintay pa ako ng mga one hour dahil ang higpit ng security. Tapos sa 10th floor kami nag exam.  Sa loob ay medyo perfectionist ang examiner, Nagkamali mali pa ako sa instruction pero ang buong exam ay napakadali sa akin dahil sa tagalog at karaniwan sa tinatanong ay dinidiscuss sa LIRA tulad ng analogy.

Tapos pumapabor talaga ang pagkakataon sa akin dahil ako lang ang pinaiwan sa batch na nagexam for an interview, kaya nga lang di rin natuloy dahil ala pang interviewer.

 

sana makapasa ako sa exam at interview at tuluyan ng maging KAPUSO

 

 

Posted by kikomontesena at 11:44 AM | 2 comments

July 4th, 2005

LIRA WEEK

Sa Luneta kami nagLIRA with Sir Joey BAquiran. Muntik pa akong di magising buti na alng andun pa rin ang dependable alarm clock na bunganga ng nanay ko na di ako tinigilan hanggat di ako bumabangon.

Nag MRT, LRT na lang ako para mabilis. Nagtanong tanong sa mga guard kung saan doon ang K|anlungan ng Sining. Nadatnan ko na ang mag-vrroooo na sina Kath at Ergoe doon. Sumunod na sa amin si Xam. Konti lang ang nakarating. Siguro mga 12 or 11 lang kami. Maaga nagdiscuss tungkol sa kachummyhang Langit topic na gagawing comical. Saan pa ba tutungo ang tula kundi sa toilet humor. Tinanong ni Xam si Sir Joey kung pumasa ang tula ko ang comment nya:                     "Nakakadiri mang sabihin ay pumasa naman!" bwahahahahahaha. Ang kay Ergoe ang panalo sa akin sa pagkukumpara nya kay Darna na may special voice over pa sa pagsigaw ni Kath, hehehehhee.

Ang Linggo ay maraming bagong lecturer kaming nakilala. Sinimulan ang umaga ni Sir Rio sa pagbabalik sa tinig at himig, pagbasa ng mga tula sa aklat nyang" Ang Hayup na Ito". Kila Tata Raul Funilas kami nananghalian at humiwalay ako sa PP group para maiba naman ang environment hehehehe. Punong puno ng arts and sculpture ang bahay ni Tata at ansabi pa nya na sa grupo lang namin tumutula sai Rio Alma, baka raw may nakikitang potential sa grupo namin. Sana nga! sana nga!

Noong hapon na ay maganda ang session namin kay Vim Nadera dahil nakaaktuwa siyang magdiscuss dahil di boring, Kalaunan dumating na sina Krip Yuson, Marne Kilates at isang di ko nakuha ang pangalan. maayos din ang discussion with Krip Yuson kasi talagang interesante ang mga tualng diniscuss at sa huli'y nagpa raffle pa siya ng books. Congrats Kath!

nagkwento pa si Rio ng tungkol ka Alejandro Abadilla at naging karanasan niya dito noong 18 yrs  old pa lang siya.

May assignment kami sa Villanelle, mabuti na alng kanya-kanyang topic. Sana maayos ko na ang pinagpuyatan kong likhain kagabi.

Posted by kikomontesena at 08:15 AM | Add a Comment

Para SA tula kong "Almusal"

May kaugnayan ang pangunahing pagtatasa ko sa mga tula ng Pinoy Poets sa talakay ko hinggil sa lirikong sandali. Gaya ng dati, pumili ako ng mga tulang sa aki’y natatangi. Ngunit sa halip na ipaliwanag ko lamang kung bakit maganda ang tula at kung ano pa ang makapagpapakinis dito, nais kong gawing saligan (framework) sa aking talakay ang mga halimbawang tula na ipinadala sa akin. Bibigyan ko ng pagtatasa ang tula sa liwanag ng lirikong sandali, at kung papaano magagamit ang mga lirikong sandaling ito sa pagtuklas sa iba pang posibilidad ng tula. Datapwa wala nga talagang iisang pormula ang pagtula, nais kong makatulong ang puna ko sa pamamagitan ng mas praktikal na mga payo.

Sa tulang “Almusal” ni Francis Montesena, malinaw ang lirikong sandali: Ang pagsasalo sa agahan ng dalawang tao—ng isang “ako” (o ko) at ng isang “ikaw” (o iyo, mas madalas). Natatakot ang persona sa nakatakdang isumbat ng kaniyang kausap.

Maganda ang tensyon ng dalawang ito sa tula, at masasabing naging matalas ang mata ng makata sa paghuli ng tunggaliang ito. Sa paghuli ng ganitong uri ng mga lirikong sandali, na nais kong tawaging mga dramatikong pagtutuos—maaari ng isang persona, o dili kaya ng dalawa o higit pang tauhan na namamalas ng isang uri ng persona—mahalagang makita kaagad ang salungatang magaganap o naganap. Ang salungata’y di lamang eksklusibo sa mga tauhan; maaari ring kasangkot dito ang persona, na mas madalas, tulad ng tulang naririto. Matagumpay din tayong pinukaw sa pagbaling sa tunggaliang ito.

Sa tulang ito, agad na hinuli ang ating pansin sa pamamagitan ng isang mahigpit (firm) na paanyaya: “Katahimikan/ang ating almusal ngayon.” Dito pa lamang sa unang saknong, nagpapakita na ang tula ng malinaw na tono ng salungatan at dinadala na rin ang mambabasa sa tanghalan nitong sagupaang ito—ang hapag kainan. Nakaabang ang persona sa maaaring pagsinghal ng kausap, habang nakapagitan sa kanila ang kanilang agahang lumalamig na.

Sumabit lamang ang tula sa huling mga saknong, na nagpaguho sa pakana ng makata: “Nagsisisi kung bakit minsa'y nagpaunlak/sa iyong paanyayang magkape,//gayung kape rin pala/ang inihahain sa almusal.” Bagaman mahihinuha naman ang di pagkakamabutihan ng magsing-irog na ito (hindi na binanggit kung mag-asawa sila o nagsasama; hindi naman mahalaga), at iyon nga ang nailahad na drama sa mga naunang saknong, hindi ko tiyak kung saan nagmula ang kabatiran—o pagsisisi pa nga sa pagpapaunlak sa anyaya ng mangingibig na makipagkape—ng persona. At lalong hindi ko maunawaan ang dalawang pinakahuling taludtod. Una’y nawalan ng silbi sa lirikong sandali ang agahan lumamig na inihain sa tula—na maaari sanang nagamit bilang mga makabuluhang simbolo. Dapat ay itinuturing natin na mahalaga ang lahat ng detalyeng binabanggit natin sa kabuohang organiko (organic unity) ng Tula.

Maging ang paggamit sa kape sa huli’y wala ring nagawa sa tula. Sapagkat hindi malinaw kung ano ang ipinahihiwatig ng persona sa tula. Bakit nasabi ng persona ang “gayung kape rin pala/ang inihahain sa almusal”? Maaaring balikan ng makata ang mismong lirikong sandali na malinaw naman sa kaniya. Una, ano ba ang nais niyang ipakita? At ikalawa, ano pa bang bago ang maaaring masabi hinggil sa ganitong pagtutuos, na kung tutuusi’y naisulat na rin nang makailang-ulit? May hinala pa nga akong totoo itong nangyari, at mukhang balot na balot pa ang karanasan at ikinukubli (sisihin natin si Ernest Hemingway; siya ang nagpayong sumulat ng kung ano ang alam natin). Kapag may binabalot, may tinatago. Dahil maselan. Kung kumpisal ito, at maaari nga, nararapat na layuan nang mabuti ang paksa nang maisulat ng maayos. Bigyan ng mabuting layo (distance) ang sarili mula sa pinapaksa ng lirikong sandali.

Posted by kikomontesena at 12:53 PM | Add a Comment

Joke time

Senior card
GMA: Kumusta po ang naibigay na benepisyo sa inyo ng senior card?Lolo: Ok na rin po 'yung 20% discount sa gamut. Sana lang po magamit naman sa iba.
GMA: Tulad po saan?
Lolo: Sa motel po.
 
Pinoy ingenuity?
A Filipino doctor has introduced the use of a device that enlarges a man's sex organ by up to 5 times with no side effects. It's called a magnifiying glass.
 
Vibrating cellphone
Mrs: Bilis! Nahulog cellphone ko sa loob ng panty ko, "nagbavibrate."
Mr: E anong gagawin ko? Kukunin ko sa panty mo?
Mrs: Gago! Kunin mo yung charger baka ma-low batt!
 
Regalo
Mare: Di yata nagustuhan ni PARE ang birthday gift mo ah?
Mrs: Oo nga,7 months na di pa rin ginagamit.
Mare: Bakit, ano ba regalo mo sa kanya?
Mrs: Memorial Plan.
 
Kriminal
KRIMINAL1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayinnatin?"
KRIMINAL2: "Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parinsiya! Sana naman wlang nangyaring masama sa kanya...
 
Diamond
Juan: Birthday ng asawa ko.
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.
 
Si Gino
LOLO: Gino paabot nga ng kape ko.
APO: Lo, Gina po.
LOLO: Gino paabot nga ng kutchara.
APO: Lo, Gina po.
LOLO: Punyeta kang Gino ka! Tigil-tigilan mo yang kabaklaan mo! buset..... 
 
Tutpik
Customer: Ano ba naman itong tutpik nyo, iisa na nga lang ang dali pang mabali.
Waiter (inis): Alam nyo sir, ang dami ng gumamit nyan, pero kayo lang nakabali!
 
Confident Vs. Confidential
Anak: Itay, ano kaibahan ng confident sa confidential?
Itay: Anak kita, CONFIDENT ako dyan. Yung bestpren mong si Tikboy, anak ko rin, CONFIDENTIAL yan. 
 
First love never dies
Anak: Inay, totoo ba na "First love never dies?"
Nanay: Aba, oo. Tignan mo yang Tatay mo, hanggang ngayon buhay pa ang animal!
 
Suko sa mister
Mrs 1: Suko na ako sa mister ko, lagi na lang ako binubugbog bago niroromansa...
Mrs 2: Mas grabe yung mister ko. Binubugbog ako tapos si Inday ang niroromansa.
 
Pagod daw...
Mrs: Ano ba? Two days na tayong kasal, 'la pa rin.
Mr: Kasi pagod ako.
Mrs: Cge ka, pag ayaw mo maghahanap ako ng lalaki. Mr: Cge, gawin mong dalawa, tig isa tayo!
 
Kabayo at Prinsesa
HORSE: Mahal na prinsesa ako'y dating prinsipe na isinumpa.
PRINSESA: Ha! Kapag ba hinalikan kita e babalik ka sa pagiging prinsipe?
HORSE: Malakas ang sumpa ...... kailangan daw ay Chupa!
 
Pari't Madre
Pari: Sister, ikaw ba ang nasa CR? Kunin ko lang toothbrush ko.
Sister: Sandali, naka-panty lang ako.
Pari: Ok, antay ako.
Sister: Pasok na po father , wala na ako panty!
 
Estudyante
Bugaw: Sir, Chicks P1, 500 Studiante!
Man: Ganun ba? Hanapan mo ako ng mga P1,000 lang pero mas magaling pa sa studiante.
Bugaw: Meron din, sir. Ang PRINCIPAL ok yun!
 
After the wedding
Husband: Sinungaling ka, sabi mo virgin ka! Bakit kagabi maluwag na!
Wife: Ulol ka! Dahil lasing ka, katabi mo kagabi si mama!
 
Pamboboso
Anak: Inay, sinisilip ng kaklase ko 'yung panty ko!
Inay: Bastos 'yun, ah! Ano ginawa mo?
Anak: Inalis ko at itinago ko 'yung panty, para 'di n'ya makita!
 
Promotion
Judge: Ikaw nanaman! Sampung taon ka nang dito humaharap sa korte ko, ha?
Swindler: Your honor, hindi ko kasalanan kung hindi po kayo ma-promote.
 
Ampon
Anak: 'Nay, tinutukso po ako ng kalaro ko na anak ako sa labas!
Nanay: Hindi totoo 'yan, anak. Ang sabihin mo sa kanila, ampon ka!
 
Ang sulat
Patient: dok. malungkot d2 sa mental kaya naisipan kong sulatan angsarili ko...
Doc: e ano namn laman ng sulat mo?
Patient: d ko pa po alam kc next wik ko pa ata matatangap...
 
Immigration
Arab interview at US immigration:
Q: Your name please...
A: Abdul Aziz
Q: Sex?
A: Twice a week.
Q: I mean male or female?
A: Does not matter...sometimes even with camel.
 
Liit naman
Wife: honey... bili mo naman ako ng bra...
Husband: Hon.. wag ka ng magbra...liit namn dede mo e..
Wife: E bat ikaw naka brief
 
Downy
GIRL: Ang puti naman ng bird mo...
BOY: Aba syempre ah!!! Likas papaya ata gamit ko diyan!!!
GIRL: Ginagamitan mo rin ba ng Downy?
BOY: Baket? Bango ba?
GIRL: Lambot eh!!!
 
Hide and Seek
GIRL: Hide and seek tayo. if u find me, papayag akong makipag-sex sa 'yo...
BOY: Eh, kung di kita makita?
GIRL: Nasa likod lng ako ng piano... 
 
Rape Suspek
ATTY: Inday! pwede mo bng idiscribe d2 sa korte ang taong nangrape sayo?
INDAY: maitim, panot, tagyawatin, pango ilong at bungal...
SUSPEK: cge!...mangasar ka pa!!!!
 
Lost a Bird
a priest lost a bird & asked during mass...
Priest: anyone got a bird?
all men stood up.
Priest: i mean, any1 seen a bird?
all women stood up.
Priest: i meant any1 seen my bird?
...all nuns stood up
 
Dalawang CRA ulo....
CRA1: Magaling ka na ba?
CRA2: Oo namn!!!
CRA1: Talaga?...kaya mo bng 2mawid sa ilaw ng flashlight ko?
CRA2: Ano ko cra? e pano kung patayin mo flashlyt mo?...e d nalaglag pa ko!!!
 
TEACHER and BOY
TEACHER: Anong mangyayari pag puputulin ang 1 mong tenga?
BOY: hihina po pandinig ko.
TEACHER: e kung dalawang tenga?
BOY: lalabo po paningin ko!
TEACHER: baket naman?
BOY: malalaglag po salamin ko.
 
Tatlong nagyayabangan na daga ...
Daga1: kakain ako ng keso na may rat-killer!
Daga2: ha!!! kakain ako ng keso sa mouse trap!!!
Daga3: tsk! tsk! tsk! manood kayo!!!! manrereyp ako ng pusa!!!

Posted by kikomontesena at 01:31 PM | Add a Comment

July 5th, 2005

Pagbabalik

Sa Iyong Muling Pagbabalik

 
 

Panahon ng mga imbi,

bingi at sinungaling,

ng mga luha at hula,

pangako at paglisan,

pagdating at pamamaalam.

 

Inaanod ang mga salitang

walang laman

ng iyong dilang

madulas sa madalas

na pangugusap.

 

Gumuguhit ng mga

titik na walang anyo 

ang iyong mga

pangako at mga sumpa

ng kawalang hanggan.

 

Lumilikha ng alingasngas

ang mga haplos na madalas

bumibiktima sa mahinang

pusong madaling nahahalina

ng tamis ng mga salita.

 

Hindi magawang mamuhi

ng pusong nasanay

na sa pangako,

tusukin man at bugbugin

ng ‘di mo pagsipot.

 

Ilang beses mang inanod

ang iyong sumpa,

aasa pa rin ang pandamdam

na babalik ka sa kung saan ka

nagsimulang magmahal.

 

Babalik ka sa kamay

ng taong nagturo sa ‘yo

ng pag-ibig

 
 
 
 
Posted by kikomontesena at 05:21 PM | 1 comments

July 6th, 2005

May Babalikan ang Panahon

May Babalikan Ang Panahon

 

 

Ang nagdaan, inuulit nitong bukas.

Pangitaing sumisilip ang kahapon,

Pagkat ngayo’y ala-alang di tatakas.

 

 

Ang oras man, lumalayo, lumilipas.

Sa pagbalik, gunita’y di matatapon.

Ang nagdaan, inuulit nitong bukas.

 

 

Bawat dahong nalalaglag, pahimakas,

Itong bukas ay pag-asang matitipon.

Pagkat ngayo’y ala-alang di tatakas.

 

 

Ang araw man, di mapansin na lumipas,

Mga bakas, bumubulong na himaton,

Ang nagdaan, inuulit nitong bukas.

 

 

 

Ang panahon maglaho man at mapilas,

May rekwerdong iiwanan sa paglaon,

Pagkat ngayo’y ala-alang di tatakas.

 

 

Itong ngayo’y di hihinto, walang kupas,

Ang kahapon, pagbabalik siyang layon.

Ang nagdaan, inuulit nitong bukas,

Pagkat ngayo’y ala-alang di tatakas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
Posted by kikomontesena at 07:38 AM | 1 comments

July 7th, 2005

Fantastic 4

Nanood ako kagabai ng Fantastic four kasi crush ko si Jessica Alba, ang sexy.

Ok naman sa effects, at kwela ang kulitan ni The Thing at Torch. Kaya lang parang bitin, may kulang pa akong hinahanap.

Posted by kikomontesena at 07:59 AM | Add a Comment

Bless you

If you woke up this morning
with more health than illness,
you are more blessed than the
million who won't survive the week.


If you have never experienced
the danger of battle,
the loneliness of imprisonment,
the agony of torture or
the pangs of starvation,
you are ahead of 20 million people
around the world.


If you attend a church meeting
without fear of harassment,
arrest, torture, or death,
you are more blessed than almost
three billion people in the world.



If you have food in your refrigerator,
clothes on your back, a roof over
your head and a place to sleep,
you are richer than 75% of this world.
If you have money in the bank,
in your wallet, and spare change
in a dish someplace, you are among
the top 8% of the world's wealthy

If your parents are still married and alive,
you are very rare,
especially in the United States.

United States.


If you hold up your head with a smile
on your face and are truly thankful,
you are blessed because the majority can,
but most do not.


If you can hold someone's hand, hug them
or even touch them on the shoulder,
you are blessed because you can
offer God's healing touch.

If you can read this message,
you are more blessed than over
two billion people in the world
that cannot read anything at all.

If you can read this message,you are more blessed than overtwo billion people in the worldthat cannot read anything at all.
You are so blessed in ways
you may never even know

 



Posted by kikomontesena at 09:33 AM | Add a Comment

Kampay

Kampay Ng  Mga Anghel

 

Minsan kang dumaan

nang malagasan ng pakpak.

Umiiyak sa hapdi’t di mapangiti.

Naawa ako at ika’y nilunasan

ng haplos hanggang makaidlip.

 

Sa iyong paggising

Wala na ako.

 

Ako naman ang lumipad

at naghanap ng masisilungan.

 

Kung magtatagpo tayong muli

sa ating pagkampay,

 

Hangin na lang ang bahala.

 
Posted by kikomontesena at 11:41 AM | 1 comments

BAlitaktakan

Balitaktakan

 

 

 

 

Mahirap mabuhay sa mundo ng balitaktakan.

 

 

Manood ka ng TV, balitaktakan.

Makinig ka sa radyo, balitaktakan.

Magbasa ka ng diyaryo, balitaktakan.

Sa senado, kongreso, balitaktakan.

Sa bahay, bunganga ng ama at ina mo, balitaktakan.

Sa barberya at tambayan, balitaktakan.

Sa loob ng utak mo, balitaktakan.

 

 

Kailan kaya maririnig

Ang pagsiyap ng ibon?

Ang paghuni ng tuko?

Ang lawiswis ng kawayan?

Ang bulong ng hangin?

 

 

Kailan kaya maririnig

Ang dasal ng musmos?

Ang kabog ng dibdib?

 

 

Babababababababababababa

Lililililililililililililili

Taktaktaktaktak

Taktaktaktak

Kankankan.

 

 

 

 

Maingay na maingay na ang lahat.

 

 

 

 

 

 

 
Posted by kikomontesena at 12:39 PM | Add a Comment

July 8th, 2005

Masakit

Kahapon di sinasadya at kaylanman ay di ko gagawin, dahil wala sa natural kong manakit ng damdamin, manginsulto o anuman, 2 taong malapit sa akin ang nasaktan ko ang loob. nagtampo, ng di ko talaga maunawaan ang dahilan. Sa mahigit 30 taong pakipikdigma ko sa buhay, alam ko ng umiwas, alam ko kung kelan susulong, halos alam ko na ang mga galaw ko, pero bakit tila may nasasaktan pa rin ako. Nasa akin na talaga siguro ang kamalian. At muli mabuti pa nga sigurong magbalik na ako sa dating ako, tahimik , mapili. Hindi rin kasi nila alam na doble ang sakit na nararamdaman ko. Masakit malamang nakasakit pala ako ng damdamin. Pasensya. Asahan ninyong isang bagong ako ang tatayo. Mas seryoso. Noon kasi nagpakaseryoso ako, wala naman akong kaibigan, tapos nagpaagos ako sa daloy maraming nakapansin. Nang may makapansin, mayroon ding pumupuna. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. O talagang wala akong lugar sa mundo.

Ang hirap makasakit ng malalapit sa puso.

Posted by kikomontesena at 07:48 AM | 1 comments

Walang Pangalan

ang dahilan ng pagtatampo....

Pag-ibig na Walang Pangalan

 

Mga hungkag na pangako ang iiwan

ng dalawang pusong ayaw magpagapos.

Pagmamahal ay di dapat pangalanan.

 

At kahit pa magpang-abot ang pagitan,

Kung di tunay ang pag-ibig, hindi puspos,

mga hungkag na pangako ang iiwan

 

nitong labing  naliligaw ng kandungan.

Dahil bawal na pagluhog ang ‘binuhos,

pagmamahal ay di dapat pangalanan.

 

Kung di kaya ‘wag ipilit na lumaban,

At harapin ang damdaming nag-uutos.

Mga hungkag na pangako ang iiwan

 

nitong pusong nanlalamig, nasugatan.

At sa piling nitong galit, nagpupuyos,

pagmamahal ay di dapat pangalanan.

 

Kung hatakin saanman ng kapalaran,

Hinding hindi magsisisi sa pagtuos.

Mga hungkag na pangako ang iiwan,

Pagmamahal ay di dapat pangalanan.

 
 
 
 
 
Posted by kikomontesena at 07:49 AM | Add a Comment

Sestina

Pagtatangka sa sestina…

 

Eroplanong Buhay (Buhay ay Eroplano)

 

 

 Eroplanong lumilipad itong buhay.

Sa simula ng lakbayin, dinadala

ay hangaring umimbulog, magpasakop

sa pangarap na lamunin ang liwanag.

May kiliti ang pag-ihip nitong hanging

umaangkin sa bakal mang paghahangad.

 

 

Mahirap ang pag-abot sa hangad

na pangarap, pinipilit na mabuhay

ang makinang umuungol, kahangina’y

sinusugba, ipu-ipo man ang dala.

Kabuua’y sasalubong sa pagliwanag

nitong langit…sa kaniya papasakop.

 

 

Sa dilim man sasalubong sa pagsakop

nitong buwan; eroplanong tanging hangad

ay maglakbay. Ang layuni’y maliwanag:

Matikman ang katayugan nitong buhay.

Pagkatapos, malalasap sayang dala

nang malayang pangangabay sa mahanging

 

 

himpapawid. Walang takot magpahangin

nang malakas. Batid niyang sa pagsakop

ng pangarap, lakas-loob ang magdadala

sa paglipad. At kapag ang paghahangad

ay matayog, sakripisyo sa pagbuhay

sa maalab na layuning mapagliwanag

 

 

kanyang buhay. Di masilaw ng liwanag

nitong araw ang hangaring magpahangin

nang malakas. Himpapawid ang buhay.

Tanging saksi sa pagtaas…papasakop.

Kahit na di maabot, bituing hangad,

tanging nasa, alapaap ay madala

 

 

sa pagbaba. Matayog man ay padadala

sa paghimpil ang naabot na liwanag.

At sa wakas, sa malayang paghahangad,

dampi muli ng maluming ihip-hangin

ang sa lupa ay hahalik at sasakop.

Muli’t muli, eroplano’y mabubuhay.

Itaboy man nitong hangin at padala

muli dito sa itaas, may liwanag

itong buhay… papasakop, ‘yan ang hangad.

 
Posted by kikomontesena at 09:06 AM | Add a Comment

July 11th, 2005

Kapuso

I just received the good news last Friday na nakapasa ako sa GMA& exam for Payroll Manager, kaya lang ang gusto daw ng Finance department ay CPA. I told them my experiences working in that department will vouch for my integrity kaya ngayong Lunes nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila for an interview tomorrow kahit di ako nakalusot sa CPA qualifications nila. Sana maipasa ko ang interview at ng magign Kapuso na ako this coming days. hehehhehee. Please pray for me.
Posted by kikomontesena at 03:51 PM | 1 comments

Hinog na Mangga

Ang Delikadesa Ay Isang Hinog Na Mangga

 

 

 

 

Ang mangga kapag pinangos

at lumitaw na ang buto,

Pilit pa ring sisipsipin

ang natirang tamis,

at hanggang hindi litaw ang bunot,

di pa rin titigil sa kakasupsop

ang sinumang uhaw pa sa tamis.

Subalit may hiya naman itong patapon

sa basura kung di na mapakinabangan

ni ng mga langgam ang kanyang katamisan.

 

 

Ang sa kanya, minsan namang napagsilbihan

ang labi ng takam na mamamayan.

Kaya nga puso ang hugis niya,

dahil alam niya kung kailan magbibigay

at kailan mababatid ang tama.

 

 

Yun ang tunay na delikadesa espesyal.

 

 

Sana may mawangis sa mangga

sa kanyang pagpapakababa.

 

 

 
Posted by kikomontesena at 04:21 PM | 1 comments

July 15th, 2005

Baluktot

Baluktot

“Don’t English me very high, because my English is very low. I am only elementary education.”              

(Pulis Maynila habang kausap ang kamag-anak ng inarestong batang artista; Philippine Daily Inquirer Magazine 12/31/00)

 

Laging sinusukat sa wika ang dangal

Kapag katauha’y tangkang mayapakan

Ng mga mataas at dilang kolonyal.

 

Kahit ang sarili’y walang kabulukan

Dinadaig pa rin ng pambubusabos

Kapag katauha’y tangkang mayapakan.

 

At kahit kayaning lumaban ng lubos

Kung hindi masugid sa pakikihamok

Dinadaig pa rin ng pambubusabos.

 

Hindi kailanman dapat magpalugmok

Subalit luluhod at t’yak magagapi 

Kung hindi masugid sa pakikihamok

 

Kaya’t ipagtanggol ang salita’t lipi

Hindi kailangang tapakan ang ngalan

Subalit luluhod at t’yak magagapi,

 

Kapag manliliit at panghihinaan;

Laging sinusukat sa wika ang dangal

Hindi kailangang tapakan ang ngalan

Ng mga mataas at dilang kolonyal.

Posted by kikomontesena at 07:22 AM | Add a Comment

Reduce Stress

36 WAYS TO REDUCE STRESS

Author Unknown


1. Pray.
2. Go to bed on time.
3. Get up on time so you can start the day unrushed.
4. Say No, to projects
that won't fit into your time schedule, or that will compromise your mental health.
5. Delegate tasks to capable others.
6. Simplify and unclutter your life.
7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too many.)
8. Allow extra time to do things and to get to places.
9. Pace yourself.
Spread out big changes and difficult projects over
time; don't lump the hard things all together.
10. Take one day at a time.
11. Separate worries from concerns. If a situation is a concern, find out what God would have you to do and let go of the anxiety. If you can't do anything about a situation, forget it.
12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary purchases.
13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key buried in the garden, extra stamps, etc., 14. K.M.S. (Keep Mouth Shut.) This single piece of advice can prevent an enormous amount of trouble.
15. Do something for the Kid in You everyday.
16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.
17. Get enough exercise.
18. Eat right.
19. Get organized so everything has its place.
20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality of life.
21. Write thoughts and inspirations down.
22. Everyday, find time to be alone.
23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small problems in the bud. Don't wait until its time to go to bed to try and pray.
24. Make friends with Godly people.
25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.
26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is often a good "Thank you Jesus!"
27. Laugh.
28. Laugh some more!
29. Take your work seriously, but yourself not at all.
30. Develop a forgiving
attitude (most people are doing the best they can).
31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).
32. Sit on your ego.
33. Talk less; listen more.
34. Slow down.
35. Remind yourself that you are not the general manager of the universe.
36. Every night before bed, think of one thing you're grateful for that you've never been grateful for before.

Posted by kikomontesena at 08:41 AM | Add a Comment

July 18th, 2005

Performance Poetry

Isa sa pinakainteresante at nakakatuwang talakayan ang nangyari noong Linggo sa LIRA, performance poetry kasi with the likes of Teo Antonio at Vim Nadera.

Ang galing ng mga tips at isa isang pinabigkas ang mga fellows. Panalo si Mam Anna Bacudio dahil memorize niya ang nakakatawang "Utot ng Dalaga" at syempre ang starlet na si Nanoy. Ibang klase talaga ang laman ng utak nitong batang ito at parang gusto ko ng ampunin at gawing ank-anakan tulad ni Emong. I am wondering ano kaya ang inaalmusal nito, tula at tula pa rin?

Sir Vim ay napakakwela kung magturo at di ka aantukin pag bumanat na ng mga jokes. Pinanood pa kami ng ilang videos ng mga performance contest sa ibang bansa. Doon talagang oinapalakpakan at may captured audience ang poetry at yun ang kulang sa atin. Tama nga siya na ang libro dito sa atin di na binabasa, di tulad ng Harry Potter series na tlagang dinudumog. Dito ang number one ay ang "Bulgar" tabloid na napakababa rin ang publication compared sa Japan. What more pa nga kung libro at poetry books pa na ang tataas ng presyo?

Posted by kikomontesena at 08:04 AM | Add a Comment

Sa Kuko ng Lungsod

 

Sa Kuko ng Lungsod

 

 

Di kita napigil sa iyong pangarap,

Tungo mo ay lungsod at doo’y hahanap

Ng kinabukasang sa baryo’y di hitik.

Nangako ka namang ikaw ay babalik

 

Kuwintas ko’y lungkot habang ika’y wala

Nangangamba akong maglalahong bula

Ang mga pangakong  di mapanghawakan.

Kaylangan kang sundan, lagay mo’y malaman.

 

Akala ay dagli kitang matutunton

Ngunit ikinubli ng gusali’t muhon

Itong  iyong anyo na di ko na arok

Kinain na yata ng usok at gabok.

 

Hindi ka makita dito sa liwanag

Nagbakasakaling sa dilim masinag.

Lango na sa ilaw na panay ang galaw,

Di pa rin matanaw, di ka na lumitaw.

 

Sa mumurahing klab ay aking nilunod,

Ang alalahaning baka di ka masuyod.

Sa malanding tugtog na umalingawngaw

Hubad na babae’y dagliang nagsayaw.

 

Susong pinalamas, kapalit ay bayad

Sa dagat ng libog, haplos ay banayad.

Lumigid ka sa aki’t tangka mo’y akitin

Puring itinapat, hangad kong dagitin.

 

Nagtalik ang titig, bumuhos ang lamig

Ikaw na hinanap, ngayon ay kaniig.

Ang donselyang ganda’y lungsod ang sumakmal

At winasak niya, pangarap mong basal.

 
 
 
Posted by kikomontesena at 03:29 PM | Add a Comment

July 19th, 2005

Haiku Princess

Haiku Princess

Kiko, 7/19/05 ( for Angel 24/7)

 

 

 

 

Hi!

Hi there,

My Haiku princess.

Your words are limited

to your world,

Of nature not gesture,

Of lines not bylines.

 

 

Hi!

My Haiku princess.

Just hoping

You wont limit

your words

to reach my world.

 

 

 
Posted by kikomontesena at 08:42 AM | 1 comments

Pusali

 

 

Simula

Ng pagbao’y

Matinding hapdi.

Hindi ka nasanay

Sa mga estrangherong

Labas-pasok sa ‘yong buhay.

Iilan lamang ang may tanong

Kung ikaw ay nasisiyahan din?

Madalas ay mga padaskul-daskol

Na paglasog sa durog mo ng katawan.

Ngunit kinakaya mong di maulol

sumayaw sa harot ng tugtugin

kapalit ng barya ng gunggong

na bumura ng ‘yong kulay.

Binibilad  pareho

ang buhay at malay…

At sa pusali’y

matutunton

ay bula.

 
 
 
Posted by kikomontesena at 04:58 PM | Add a Comment

July 20th, 2005

Alaga

Alaga

Kiko 7/20/05

 

Hanap ko ang aso kong si Bragudo.

Wala ang mga halik niya

sa paa  pag dumarating ako.

Wala ang pagdila niya

sa mga kamay ko,

wala akong nadatnang kasambahay…kaibigan.

Siguro ay naghahanap na

ng kalampungan

ang aso kong hindi na tuta.

Kaya’t hinayaan na lamang

at uuwi din pag nagutom.

Umidlip na ako’t inasikaso

ang sariling tutang tago sa salawal.

Nangangailangan ng himas ito

upang makatulog ang amo.

Ahhhhhhhhh, sarap ng pagtulog pagkatapos ng…..

 

Kagat na ang dilim ,

walang Bragudong dumating.

Nang may kumatok na kapitbahay

at nag-alok ng ulam

na bagong luto, umuusok.

Sarap na sarap ako

sa paghimod ng mga buto at laman.

Sinibasib ko ang kaliit- liitang himaymay

ng karneng ang lambot at ang sarap ng pagkakaluto.

Nang makagat ko ang aking dila.

Dumugo kaya’t napamura.

Ang hapdi subalit dahil sa sarap ng pagkain,

tuloy pa rin. Kahit di na makakagat,

lunok lang ng lunok.

 

Nang gabing iyon di umuwi si Bragudo.

Nasundan pa ng ilang gabing

di pagsipot hanggang sa kung saan

na ako dinala ng paa sa paghahanap.

Siya lamang ang kaibigan ko.

Hanggang maulinigan

sa umpukan ng mga lasenggo

ang kantyawang bakit di ko raw

 nagawang hanapin

sa aking sikmura ang aking alaga.

 

Napatigagal ako, Si Bragudo,

Nilamon ko ng buong buo.

Wala akong tinira kundi….

 buto.

 
Posted by kikomontesena at 02:44 PM | Add a Comment

July 21st, 2005

The Island

Hindi ko na yatang maiiwasang manood ng sine kahit mag-isa kapag 1st showing day.

Upang magpalipas ng trapik at magpatila ng ulan habang naghihintay ng fx sa megamall terminal bound to Antipolo, nanood muna me ng sine. Ang " The Island" ni Ewan McGregor. Its all about clones na exsperiment ng isang agency. Niloloko nila ang mga clones na dadalhin sila sa isang island matapos manalo sa isang lottery na ginagawa on a regular basis. Subalita ng totoo ay papatayin sila dahil oras na nilang dalhin sa sponsor nila o yung Human copy kung saan nangagailangan ng organ o kung anong rason kung bakit pumayag silang magkaroon ng clone.

Subalit ang bida ay nagkaroon ng mumunting hinala sa utak na hindi ang island ang rason. May bumabalik na alaala sa kanya dahil sa infection sa utak na nagpanumbalik sa mga memories ng real peson na pinagkopyahan niya.

at doon nagsimula ang lahat, ang pagtakas aksama ang leading lady at ang pakikipagsapalaran sa mundo ng tao, sa paghaharap nila ng human copy niya.

Maganda ang effects at action scenes. BAgamat hindi na iba ang tema, cloning, nagenjoy ako sa movie dahil di bitin at may touch ng human elements.

Walang karapatan ang sinumang wasakin ang buhay na likha ng Diyos o ng tao.

Posted by kikomontesena at 08:19 AM | Add a Comment

July 22nd, 2005

"L"

"L"
 Kiko , 7/20/05

 Umiwas ka sa tawag ng libog
 Kapag nabaon at nagpatianod
 Tiyak ang iyong pagkalunod

 Dahil mahirap na tumalikod
 Sa sarap ng pagsakyod
 Kaya habang di pa lubog

 Piliting umahon, umusog
 Sa lugar na di matutubog
 Sa kaway nitong libog



Posted by kikomontesena at 12:51 PM | Add a Comment

July 26th, 2005

Sa Lira

 

Ang Sabado ng palihan ay nakapagpabuhay na muli sa nababahala kong damdamin. Sa wakas may napapnsin na si rio Alam sa mg atula ko at napansin na rin niya ang kakayahan kong bumuo ng magagandang saknong. Inaasahan ko na na ang pagkacliche ng tula kong isinumite ang magiging unang puna, subalit ayon kay rio alam cliche man siya ay nailarawan ko naman ng mahusay at maliwanag. Ikinumpara pa nga niya kay Julio Madriaga at Ligaya Paraiso sa nobela ni Edgardo Reyes.

At binigyan pa ako ng isang paraan o pangyayari upang di lumabas na cliche ang istorya.

Noong linggo naman ay nakita ko na rin ng personal si Dr. Lumbera, at sa bandangh hapon naman ay si Rogelio Mangahas.

Posted by kikomontesena at 09:04 AM | Add a Comment

July 29th, 2005

Mga Kubling Anino

Mga Kubling Anino
“Spirits or not, the men who died there--and how they died--should not be forgotten. I wonder why the government does not bother to dig into their deaths. The architects who built this structure are still alive. Their testimonies could mean that someone could be tried for multiple murder in addition to graft and corruption. It wasn’t scary, but it was real. You really walked away from there feeling empathy for the presence you knew was there in that building.”
Article About Imelda’s extravagance;Spirit Questors of Tony Perez upon the invitation of Jessica Zafra.

Naghuhumiyaw ang mga pader at sahig ng gusali.
Tila nitsong kinalibingan ng mga pangarap na di natupad.
May lihim na nakatago sa dilim, hindi maibunyag.
Dinadaan sa mga haka-haka at kwento:
Daan-daang kaluluwa
ng mga manggagawa ang nabaon
sa pagdudumaling maitayo
ang simbolo ng kayabangan
ng isang maimpluwensyang nilalang.
 
Kapag malalim ang gabi,
ang hangin ay daing at panaghoy
ng mga aninong gumagala sa paligid.
Kaiba kaysa anino ng mga taong madalas
nagnanakaw ng sandali sa paligid ng gusali.
Maririnig ang hampas ng martilyo at kalabugang
parang may tinatapos na trabaho;
nagbubuhos ng semento at pagkatapos ay maririnig
ang mga ungol… naghihirap, napasasaklolo,
humihingi ng katarungan.
 
Kinabukasa’y nagbabalik sigla sa mga palabas
na nagpapakita ng sariling kultura.
Masaya at maliwanag ang entablado sa pagtatanghal.
Maingay sa hiyawan at palakpakan ng mga manonood.
Makulay at maningning ang paligid,
Buhay na buhay.
 
Ngunit bawat pag-indak at pag-awit ng mga artista
ay hampas ng latigo sa mga kaluluwang di makaalpas.
Isinemento ang katotohanang
ang mga bangkay ay kasamang ibinaon
sa mga muhon at haligi, sa sahig at pader
upang di maibunyag ang kalagimang
itinatago na lamang sa kantahin, tugtugin at palabas.
Bahagi na ng kasaysayan ang kuwentong ito
nang kapalaluan ngunit hindi maihayag ng tuluyan.
 
Kaya’t bawat bitak sa pader ay daing,
bawat agiw ay paghingi ng saklolo,
bawat ilaw ay matang dilat,
 
Bawat pagtatanghal
ay paglilibing ng ala-ala.
 
(Sa kasalukuyan ang gusaling ito ay binuhay at pinagtatanghalan ng “Amazing Phils.”, grupo ng mga talento ng ikatlong kasarian.)
 
Posted by kikomontesena at 08:21 AM | Add a Comment

Bagyo

Hindi ako pumasok ng office noong Thursday, nagkulong ng kwarto at nag-isip. Mabigat pa ang loob sa nakaraang araw na palitan ng diskusyon, at bigla gumaang na lamang ang pakiramdam ko, nanood ng DVD Azumi 2 at nakapasyal sa bahay ng sister ko sa Taytay, nagpakalbo at umuwing magaang ang pakiramdam. Siguro may magandang mangyayari sa mga daraang araw dahil alam ko patapos na ang bagyo.

Naapektuhan din ang trabaho ko pero nahahandle ko naman talaga kaya lang siguro kelangang magpahinga muna. Tatapusin ko ang LIRA sessions dahil di ako ang taong basta sumusuko lamang ng walang magandang laban. At isa pa, nararamdaman ko namang may mangyayari sa akin at sa pangarap ko.

I want to be positive at sana di na ako madepress.

Posted by kikomontesena at 05:07 PM | 1 comments
« 2005/06 | 2005/08 »