June 14th, 2005
Two "Love Story" movies
Dalawang "love story' movies
Sinamantala ko ang holiday at nag dvd watching ako ng dalawang love stories.
Una yung Punch Drunk Love ni Adam Sandler at Emily Watson. Ito ang movie ni Sandler na ibang iba ang atake nya. Mahusay sya dito. Maging ang kabuuan ng pelikula ay iba kesa sa tradisyunal nyang movie na kundi aanga anga eh weird ang karakter. Dito bagama't di rin naman ganun kaseryoso dahil sa may sakit yata ang karakter na bigla na lang nagagalit at nagsisira ng gamit, mahusay niyang nadal ito hanggang sa magkakilala sila ng naging love interest nya.
Yung pangalawa yung " The Notebook", na pangkaraniwan na ang tema na poor boy meets rich girl na tutol ang magulang na pinaghiwalay at pinagtagpo din ng panahon kinalaunan. Mahuhusay ang nagsigananp lalo na sa mga senior stars na sina Joan Allen at James Garner. At galing nga twist ng ending na di na nakilala ng matandang si Ally ang pamilya ngunit di pa rin iniiwan ng amtandang si Garner hanggang sa magkatabi silang mamatay. Na touch ako at biglang natakot na tuamndang walang kasama.