Entries for June, 2005

June 2nd, 2005

Joke time

IT'S JOKE TIME: "SMELLY FEET AND BAD BREATH"

>

> A young couple decided to get married. As the big day came closer, they

> grew very apprehensive. Each had a problem they never before shared with

> anyone, not even with each other. The groom-to-be, overcoming his fear,

> decided to ask his father for advice.

>

> "Father, I am deeply concerned about the success of my marriage."

>

> His father replied, "Why? Don't you love this girl?"

>

> "Oh yes, very much, father ... but you see, I have very smelly feet and

> I'm afraid that my fiancee will be put off by its terrible smell."

>

> "No problem," said the father, "all you have to do is wash your feet as

> often as possible, and always wear socks even when you go to bed."

>

> This seemed to be a workable solution for the son to follow. He decided to

> give it a shot. The bride-to-be, overcoming her own fear, also decided to

> take her problem up with her mother.

>

> "Mom, when I wake up in the morning my breath is truly awful."

>

> "Honey, everyone has bad breath in the morning," replied the mother.

>

> "No, you don't understand, mom. My morning breath is so bad and I'm afraid

> that my fiancee will not want to sleep in the same room with me."

>

> "Try this out." said the mother. "In the morning, get straight out of bed,

> and head for the kitchen and prepare breakfast. While he is busy eating,

> go to the bathroom and brush your teeth and then gargle well with a

> mint-flavored mouthwash. The key is not to say a word until you've done

> all these."

>

> "I shouldn't say good morning or anything?" the daughter asked.

>

> "Not a word," her mother replied.

>

> The couple were finally married. Not forgetting the advice each had

> received, the husband with his perpetual socks and the wife with her

> morning silence. They somehow managed quite well for a few weeks.

>

> Shortly after dawn, about six months later, the husband wakes up shortly

> before dawn and finds that one of his socks had come off. Fearful of the

> consequences, he frantically searches the bed for it. This, of course,

> wakes his bride and without thinking, she immediately asks, "What on earth

> are you doing?"

>

> "Oh, my goodness," he replies, "you've swallowed my sock!"

>

>

Posted by kikomontesena at 09:05 AM | 1 comments

June 7th, 2005

LIRA Poetry Clinic

June 4, ang aga kong nagising, excited na yata ako sa LIRA, nakaanggap ng text mula kay Edz na nanggigising, di lang pala ako ang excited. Nakadlawang text na pala sa kin si Kath sa aming tipanan sa Vinzon's Hall sa UP campus. Nadatnan ko syang nagaalamusal dun kasama si Ergoe. Nilakad namin papuntang CAL building, nagtext si Edz at masaya kaming sinalubong kasama si Xam. Doon ay nakadaupang palad ko na rin si Nanoy at si Sonny Sendon. Si Nanoy ay warm kaagad sa grupo samantalang napakatahimik naman ni Sonny. May mga guro, estudyante at kawani ng gobyernong kabilang sa grupo.

Ang unang araw ay napakasaya dahil nakakaaliw ang hostess na si Bebang. Napakawarm ng mukha nya at masayahin, may mga ilang LIRA members na rin na andun. Ang unang bahagi ay ang pagpapakilala sa sarili at isa isa kaming nagsalita. Dito ko ipinahayag na ang tula ay ako at ako ang tula kaya nmarubdob ang hangarin kong matuklasan at maunawaan pa ang lihim ng mga salita sa tula.

Kinalaunan ay nagpakilala na rin isa isa ang mga LIRA members, nauna dito ang panimulang salita ng pangulo na si Edgar Samar.

Sa bandang hapon naman ay nagsalita si Rio Alma tungkol sa Reklamasyon ng Wikang Pilipino, sa mga nawawalang salita na may layuning buhayin sa panulaan. Marami kaming natuklasang salita at bagong bagay sa kanya. Nakakatuwang isipin na ang isang Nationla Artist ay abot kamay ko lamang dahil halos ang laht sa PinoyPoets ay nasa unahan.

Ang pangalawang araw naman ay sinimulan sa panimulang tula ni Michael Coroza na na late dahil naglipat daw ng bahay. nakakatuwang malaman na siya pala ay kababayan ko sa Majayjay Laguna.

Umpisa agad ng gawain sa pagbibigay isa isa ng mga halimbawa, nakakatuwa dahil parang bumabalik ako sa eskwela. At nauubusan din pala ako ng salita kapag oras ang kalaban.

Napakarami naming gawaing kailangang tapusin para sa susunod na Linggo.

Mahirap palang maging makata, kahit pa sa sariling wika.

 

Posted by kikomontesena at 07:42 AM | Add a Comment

June 9th, 2005

TULA: GUYA

Guya

Kiko, 6/9/05

 

Ituro mo sa akin, kapatid

Kung paanong dinagdagan ng kulay ng iyong pisngi

ang ramilyeteng tangan mo sa loob ng kabaong.

Ang iyong kolorete’y nagpabuhay muli

sa iyong mukhang natatakpan na ng salamin.

 

Buhay ka, kapatid

Hindi natapos ng pagkitil sa buhay ang alab

at bagsik ng pawis na gumiti sa iyong noo.

Walang gusilaw ang mga mata kaya bukas

sa mga pangyayaring salat sa katarungan.

 

Hindi pa tapos, kapatid

Ang mahabang panahon ng pakikipagtunggali,

Ang digmaang hindi mapatid sa alab at sidhi.

May diwang uusbong muli sa pagkandili

ng iyong nasimulang adhika at mga mithi

 

Kapatid, ako ay iyong guya sa iyong simulain,

Ang simulang ani sa ‘yong tanim ang aking kakainin.

 

 
Posted by kikomontesena at 09:12 AM | Add a Comment

Usok Ngayon

Arroyo admits 'jueteng' allegations on family 'serious'
First posted 09:39am (Mla time) June 09, 2005
By Gil Cabacungan
Inquirer News Service

PRESIDENT Gloria Macapagal-Arroyo has admitted that the allegations of
"jueteng" payoffs against First Gentleman Jose Miguel Arroyo, Pampanga
Representative Juan Miguel Arroyo, and Negros Occidental
Representative Ignacio Arroyo were "serious'' enough to merit a deeper
probe by the Department of Justice.

"These accusations are serious and they should be answered so we can
move on. I have ordered the DoJ to conduct an investigation on my son,
brother-in-law, and even my husband," the President said.

"Nobody in my family or any of my relatives is above the law. No
authority of justice should fear imposing the law on them. Let's
investigate and whatever the result bato-bato sa langit [whoever gets
hurt],'' said the President in an interview on dzRH radio.

On Wednesday night, a self-confessed "jueteng bagwoman" from Bicol,
Sandra Cam, implicated the two Arroyo congressmen in the
multibillion-peso underground lottery system.


Posted by kikomontesena at 04:03 PM | Add a Comment

June 14th, 2005

2nd week ng LIRA

2nd week ng LIRA

 

Ang Saturday session ay maayos, kasi ba naman nakakatuwa si Mike Coroza. umaga pa lang pressured na ko, nakalimutan ko kasing ipa xerox ng 25 pcs ang tula ko. hanap agad ako ng pwede, mabuti na lang at nakasalubong ko si Erika na sinamahan ako sa buong UP to look for a xerox.  Ako po ang naging scorer ala Jimmy Santos ni Coroza. Asus, katuwaan sa mga half points. Out of 14 poems, naka sampu ako, di na masama.

Ayokong magkomento sa discussion with Anonuevo siblings. Para safe bwahahahahahaha.

 

May inihabol palang gawain si Rio Alma at yun ang pagkakaablahan namin nagyong buong Linggo.

 

 

 

Posted by kikomontesena at 08:23 AM | Add a Comment

Two "Love Story" movies

Dalawang "love story' movies

Sinamantala ko ang holiday at nag dvd  watching ako ng dalawang love stories.

 

Una yung Punch Drunk Love ni Adam Sandler at Emily Watson. Ito ang movie ni Sandler na ibang iba ang atake nya. Mahusay sya dito. Maging ang kabuuan ng pelikula ay iba kesa sa tradisyunal nyang movie na kundi aanga anga eh weird ang karakter. Dito bagama't di rin naman ganun kaseryoso dahil sa may sakit yata ang karakter na bigla na lang nagagalit at nagsisira ng gamit, mahusay niyang nadal ito hanggang sa magkakilala sila ng naging love interest nya.

Yung pangalawa yung " The Notebook", na pangkaraniwan na ang tema na poor boy meets rich girl na tutol ang magulang na pinaghiwalay at pinagtagpo din ng panahon kinalaunan. Mahuhusay ang nagsigananp lalo na sa mga senior stars na sina Joan Allen at James Garner. At galing nga twist ng ending na di na nakilala ng matandang si Ally ang pamilya ngunit di pa rin iniiwan ng amtandang si Garner hanggang sa magkatabi silang mamatay. Na touch ako at biglang natakot na tuamndang walang kasama.

 

 

Posted by kikomontesena at 11:05 AM | Add a Comment

June 15th, 2005

Kayabangan ba?

Parang napakayabang ko ng mga unang araw sa LIRA, excited kasi na nandun ako sa piling ng mga di hamak na bata sa kin. Subalit sa sarili ko, andun na rin lang mangarap na ng mataas, yung mapabilang sa kanila. Subalit ang higit na nais ko'y ang buong grupo ng Pinoy Poets ang makapasok hindi iilan lamang. Kaya nga tulungan dapat at suporta mula sa mga kasama.

Kayabangan bang sasabihin kung ipagmalaki mong ang tula ay ako at ako ang tula? Ito ang dahilan kung bakit ako nandoon. Siguro tumatak sa isip ng ilang miyembro ng LIRA ang line ko na ito. Subalit yun ang totoo.

Hindi pa naman siguro huling ibahagi ang aking talento sa sambayanan, hindi upang sumikat ang pangalan kundi mapagbigyan ko ang sariling malinang sa larangang ito. Walang pera sa pagtula, oo, pero may ibinibigay itong ligaya sa akin.

Nakakapagod na walang pahinga mula sa araw araw na trabaho sa opisina, buong weekend sa palihan pa. Pero di ako nagrereklamo, masarap malaman ang mga basics ng paggawa ng tula, masarap magbuhay estudyante muli.

Ngunit paano kung hindi ako mapili? Siguro magdaramdam ako pasumandali ngunit ang lahat ay may panahon, kung hindi ibigay sa akin ngayon may susunod pang mga taon.

Posted by kikomontesena at 01:42 PM | Add a Comment

PinoyPoets to! Anniversary na!

Pinoypoets’ Anniversary Night at Conspiracy

If you’re a writer, a poet, an artist or simply a lover of literature, better block off Tuesday, June 28  on your social calendar. Pinoypoets (PP), an online community of literary enthusiasts, will be holding its first anniversary bash at Conspiracy Bar in Quezon City.

The event, dubbed PP ‘to!(The Pinoypoets’ First Anniversary), promises to be an evening filled with laughter, music, and of course, excellent poetry.  Prominent social, academic, and literary figures Makati Rep. Teddy Locsin Jr,  Conchitina Cruz, Vin and Kris Dancel, Noel Del Prado,  Joyce Burton Titular, Enrico John Torralba, Hannah Romawac,  Roli Inocencio, Monica Llamas and Gary Granada, are but a few of our guest readers.

The celebration will also be highlighted by performances from G-Strings, 10kpp, Rubberband, Johnoy Danao of Bridge, Paramita, and Hanna Romawac of Session Road.

Pinoypoets is a community of poets, writers and literary enthusiasts who share their works, thoughts and insights on poetry. Formed by less than 50 members in June 2004, Pinoypoets has grown to 250 members based in different regions of the archipelago---and even abroad.

Its primary objective is to facilitate a creative forum and enrich its members' knowledge and craft. Michael Coroza, Edgar Samar, Santiago Villafania, Louie John Sanchez, Eileen Tabios, Bino Realuyo and Jema Pamintuan, some of the most respected names in Philippine poetry today, are the group’s consultants and critics.

PP ‘to!(The Pinoypoets’ First Anniversary), will start at 8 p.m. Admission is FREE!  For more information, please get in touch with Rhodge Fernandez (721 7229, seventhgecko@yahoo.com), Kathline Tolosa (09175777128, kathline_anne@yahoo.com) or Romel Samson (09278470212, risingphoenix101@yahoo.com)



Posted by kikomontesena at 01:59 PM | Add a Comment

June 16th, 2005

Batman Begins Kagabi

Nanood ako ng Batman Begins kagabi, at tama sila sa pagsasabing ito ang the best sa lahat ng batman movies. Sabi ni Luna dahil daw iba ang director. Maaari nga subalit sa akin dahil kasi sa may kasamang elemento ng human emotions ito, Yung tungkol sa "Justice & Revenge".

Kapuri-puri ang mga supports , si Michael Caine as the butler na magaling sa facial expressions, si Liam Neeson ay mahusay , parang may halong images sa Star Wars habang tinuturuan nya si Anakin; at pinakagusto ko si Morgan Freeman, simpleng atake pero nakakatagaw eksena lalo na sa eksenang naagaw na nya ang pwesto sa kumpanya ni Rutger Hauer. Maging si Tom Wilkinson ay mahusay; maikli lang ang role ni Ken Watanabe pero may prescence; at ang Scarecrow na nakalimutan ko ang ngalan , pero bida yun sa "28 days later" at mahusay sya dun. Maging si Katie Holmes ay mga moments din.

Ang galing din ng Gotham City lalo na yung train system nila, astigggg. Ipinakita dito kung paano nagtransform ang isang napakayamang tao na prince of Gotham from a weakling na takot sa mga bats into a crime fighter.

manood na kayo, mas nagandahan pa nga ako dito kesa sa Star Wars.

Posted by kikomontesena at 07:45 AM | Add a Comment

Kapag Tula Ang Nagtampo

Kapag Tula ang Nagtampo

Sasabihin ko,

Hindi ko kinakailangang linlangin

ang hangin upang di ako tangayin.

Kusa akong padadala sa ihip

ng mga salitang nais buhayin.

Sa tanaga’t talinhagang nawawala,

nilalamon ng panahon.

Sa bersong di na malirip ang kahulugan

dahil matagal nang pinaglalamayan.

 

 

Sasabihin ko,

Hindi ako umaasang

magtagumpay sa pangarap,

Na maiangat ang hindi mabuhat – antak na ang sugat

matagal nang nagnanaknak

sa hindi pagkandili

at paghuhugas ng sariling salita

sa may sakit na panula.

 

 

Sasabihin ko,

Kahit paano, kumilos ako

Dahil kapag tula ang nagtampo,

mauuwi tayo sa piling ng piping mundo.

 

 

Dahil ang tula ay himig,

Awit ng kalikasan,

Taghoy ng kagubatan,

Sigaw ng kabundukan,

Salita ng kaparangan,

Kidlat sa kalangitan,

Bunghalit ng api-apihan.

 

 

Sasabihin ko,

tulungan nating gisingin

ang tulang nahihimbing,

at saka gamutin

ang mga sugat

na buhat din sa atin.

Posted by kikomontesena at 05:00 PM | Add a Comment

June 17th, 2005

Mini workshop sa Mcdo

nag mini-workshop kami para sa mga gawain sa LIRA sa Mcdo, St Kiko's Square sa likod ng megamall.

Andun na nadatnan ko ang may sakit na si Kath at isa pang maysakit na si Emong, pati na rin si sweety Rhodge. Naawa naman ako kay Kath kaya nireview ko na agad ang tula nya. At yun nga ay gawa ng isang maysakit. marami kaming binago para tumugma sa rules ng gawain. Dumating si Eds kasama si, nakalimutan ko pangalan, kaibigan (bigkasin ng mabilis) nya.  Tapos duamting si Ergoe. Malaya na kaming nagpalitan ng kuro-kuro. Sumunod si Claire kinalaunan na amy list ng mga possible scenarios para sa bus assignment. Inilabas ni Eds laptop nya at deretsong ginawa ang mga tula. mabuti na lang at di mahigpit dun sa Mcdo branch na yun. Hindi dumating si starlet na Nanoy.

Umalis na rin ako ng bandang 10 pm at sus katrapik magaalas dose na ko nakauwi tapos gising ng 5 am para sa office, sakit tuloy ulo ko ngayon.

 

Posted by kikomontesena at 11:22 AM | Add a Comment

June 20th, 2005

LIRA at recording

Nakakapagod na weekend, sa LIRA at sa recording ng PP poems. Alas dose na naman ako nakauwi at gising ng 430 para sa opisina. Walang reklamo dahil enjoy naman kahit nakakapagod.

Umaga pa lamang ay nasa Junction Cainta na ako dahil sasabay daw ang isang LIRA fellow na si Glenn. naawa ako sa kanya dahil may sakit sya pero ayaw nyang lumiban. Ganoon kapursigido ang mga fellows. nag MRT na lamang kami at eksakto 9 am nasa Bantayog ng mg Bayani na kami.

Hayy, masaya na rin ako dahil sa wakas tinatawag na rin ako ni Rio Alma sa first name ko ng buong buong Francisco. Di tulad noon na ang tawag sa akin ay taga Majayjay lamang dahil nga sa natandaan nyang kababayan ko si Mike Coroza. Natuwa din ako ng purihin nya ang tulang tanaga ko sa patimbang na anyo at ng gawaran ko ng maraming puna at tanong ang poem ni Nanoy na natoka sa akin, Natandaan ko pa sabi nya na dapat ganoong mag-isip at maghanap ng puna ang sino mang magci-crit ng tula.

Pag-alis ni Rio Alma ay ipinagpatuloy ni Bob Anonuevo, katulong si Edgar Samar at Bebang ang talakayan. Hayyyyyyyyy ang hirap ng gawain at halos lahat yata ay sablay sa himig. Ang sa akin ay umubra lamang sa sukat at tugmaan. Papasa na kaya ako kay Mike Coroza?

Ang Linggo ay napakainteresante ng lectureres, sa umaga si Fidel Rillo na mahusay at direktang naipahatid ang mensahe nya sa metapora. SA Vargas museum kami. Alas 8 pa lamang ay andun na ako kaya tinext ko si Kath agad, mabuti na lamang dumating na rin sya agad agad kasama si Tata Raul. Pagkatapos ng lecture agad na nagbigay ng on the spot gawain na apat na saknong agad ng tulang may metapora ayon sa inilistang mga salita. hayyyyyy time pressured lahat.

Noong hapon ay si Joey Baquiran naman na halos kilala na lahat ng PP members na andun, itinuloy nya ang metapora o tayutay. Dahil maaga pang natapos nagbigay ng ilang sample si Rio Alma ng tungkol sa analogy at nagkatuwaan pa dahil anu ba at pulos malalaswang sample ang naibibigay namin ni Eds.

hangos agad kami sa recording studio para naman sa poem reading. Nadatnan na namin sina Kath, Jojo, Emong , Andrea, Jeff, Dave, Kramer, Jonar, Siquey na bumaba pa ng Baguio. Hayyy ang tagal palang magrecording inabot kami ng 1030 pm. Mabuti na lamang si Steph sumunod at nagbaon ng Pansit lambing daw ni Emong. Nakakatuwang isiping parang isang malaking pamilya na talaga ang PP. Walang ilangan, walang payabangan. Sa huli ng gawin ang rengga at mapakinggan ng lahat, hay nawala ang pagod ko, ang galin galing ng PP.  Congrats sa ating lahat.

Posted by kikomontesena at 08:08 AM | 2 comments

June 21st, 2005

Kamoteng Buhay

Ala una na yata ako natulog kagabi sa pag-iisip ng di cliche na paglalahad ng tungkol sa kamote.

at least natapos ko at ieedit ko na lang. Yung sa langit na lamang ni Baquiran ang bubunuin ko these coming days. Hayyyyyyy buhay kamote pero enjoy naman sa LIRA at di naman nangangamote ang PP. Hayyyy inextend pa ng another month ang mga sessions, Nagenjoy yat asilang kasama kami hehehehehhee.

Posted by kikomontesena at 08:32 AM | Add a Comment

June 22nd, 2005

TULA: Hapunan

Hapunan

Kiko, 6/22/05

 

 

Minsan akong umuwi’t

naghanap ng pagkain,

Natagpuan sa mesa’y

nakatakip na hangin.

 

 

Akyat ang dugong

ika’y binulyawan

Kung maaari pa nga

ikaw ay masaktan.

 

 

Ang sabi mo’y salita lamang

ang iyong tinanggap

Sa paghingi ng pambili

ng pagkaing ipalalasap.

 

 

Ang napamili’t inilutong

galing sa kawalan

ay kawalan ding sinangkutsa’t

nakahain sa harapan.

 

 

Isip mo’y bubusugin ako

nang mainam na pagsisilbi,

Paiinumin ng lambing,

sasahugan ng paggiliw.

 

 

Hindi ko nalasahan at hindi natikmang

sagana sa rekado ng tigib na kandili

ang hanging ulam ngayon,

Dahil sa hihuha ko’y

Ako ang nagkulang ng pasalubong. 

 

 

 

 

 

 
Posted by kikomontesena at 09:24 AM | Add a Comment

June 23rd, 2005

Estremelenggoles

Asus, may nag email sa kin na ka-fellow sa LIRA nagtatanong ng assignment, ni refer daw ako ni Bebang ang coordinator. Sabi nya nakakita sya ng libro ni Rio Alma na Estremelengoles na siyang dapat bilhin para sa June 26 session, P95 lang daw. Pero naghanap na ako sa National Shangrila, P245 ang presyo. Hanap na naman ako sa ibang National kahit pa ako nabasa ng ulan. SA branch ng Edsa Central, wala namang ganoong libro. Bwisit basang basa na ako. Punta naamn ako ng megamall, Sa wakas doon ako nakakita. Dalawang klase pala, yung P95 di masyado maputi ang papel.

Malakas pa ang ulan kaya sabi ko manood muna ako ng sine para magpatila na rin. Manonood sana ako ng monster in law ng madaanan ko yung Hitchikers Guide to Galaxy. Akala ko katipo ng mga war of the worlds, asus sayang lang ang binayad kong 83 pesos. Nakatulog ako sa loob. Buti na lang paglabas ko ala ng ulan at may fx pa.

Posted by kikomontesena at 02:03 PM | Add a Comment

June 24th, 2005

Hinugasang Langit

Hinugasang Langit

Francisco Arias Monteseña

Ang kalangitan ko sa sandaling ito ay ang inidoro.

Sa pamimilipit ay s’yang tagasagip sa aking kalbaryo.

Mga bulalakaw ang sama ng loob na inilalabas;

Kapag natapos na’y litaw ang bitui’t ginhawa ay paspas.

 

Tupang naging Diyos sa sariling tronong ang korona’y pawis;

Ang bawat pagdag-is ay hibik ng kidlat, kulog na panangis.

Ang pag-upo dito ay hangin na duyan sa mabining ihip,

Habang hinehele papunta sa buwan at sa panaginip.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
Posted by kikomontesena at 09:38 AM | Add a Comment

Isyu

Isyu Ngayon

Kiko, 6/24/05

 

 

Kakanta ako.

Ikakanta kita.

Kakantahin

ang nakita.

 

 

Titikom ako.

Ititikom ang bibig.

Magkano ?

 

 

Ituturo ko.

Ituturo kita.

Wala akong

Nakita.

 

 

Magkano?

 

 

Walang dangal

ang hustisya.

 
Posted by kikomontesena at 05:01 PM | 1 comments

June 27th, 2005

Tatagal pa kaya ako?

Nararamdaman na ng lahat ang tension sa LIRA. DAhil sa extension ng workshop at sa request na gawing isang araw na lang ito sa isang Linggo ay medyo nakapagsalita ng madiin at mabagsik si Rio Alma. Hindi daw sapilitan ang workshop at umalis ang di makakatagal, hayyyyyy, seryosohan talaga ang pagiging makata.

Sa Kamote subject wala yatang nakalampas sa kanyang panlasa kundi isang med tech na si Mam  Ana Bacudio lang. Sa piece ko biansa ko with feelings at pagkatapos kong basahin nagulat ako ng sumigaw si Rio Alma ng "Sugod mga kapatid". Bwahahahahahaa, politikal daw kasi ang tula ko at himig ng isang lider na nag aaya ng pakikibaka laban sa kahirapan. pasado na anamn ako sa tugma't sukat. Matutuwa na anaman si Mike Coroza. Subalit mahina raw ang metapora kong ginamit dahil hindi raw kaya ng kamote ang metaporang politikal.

Noong lInggo naman sa paguulit ni Rio Alma ng tinig at himig ay napuri nya ako sa pagiisip ng ibig sabihin ng tula ni Badong

"Dugo ang tubig na sumusirit mula sa tubo. Kalawanging ugat ng inlatapresyong lansangan, at naliligo ang mga paslit"

napaglimi kong ito ay problemang panlipunan.

Maganda ang paliwanag nya sa mga himig at napunta pa sa labanan ng ideology ni Wordsworth at Eliot.

" Poetry is the spontaneous & continous overflow of powerful feelings. It takes it's origin from emotion recollected in tranquility".

but to Eliot

" Poetry is not a turning loose of  emotion but an escape from emotion".

Nagbasa ng mga tula sa librong Estremelenggoles.

Nang hapon ay nagdiscuss naman si Marne Kilates ng tungkol sa  Western Forms.

Hay, may assignments na naman kami si topic na Langit na isasalaysay ng pa-comedy na amy tugmat sukat pa rin, at isang soneto sa paksang pamamalengke.

Napatpos ng maaga kaay nagkaayaang mag one round ng beer kasama si Sir  Marne at si Tata Raul.

Hayyyyyyyyy, tatagal pa kaya ko ng isang buwan pa?

 

 

 

 

Posted by kikomontesena at 08:16 AM | Add a Comment

June 28th, 2005

Unusual Movie

Napanood ko kagabi ang isang unusual movie , ang titile ay May. Sa paghahanap ng central character ng kaibigan ay gumawa siya ng ibat ibang paraan na napakaabnormal. Lumaki kasi siyang walang kaibigan kundi ang isang nakakulong sa eskaparateng salaming na manika. Kinakausap kausap nya hanggang sa magdalaga.

 

Sa mga taong nakaksama niya ay may nakikita siyang magagandang parte ng katawan. Sa kasamahan niyang babae sa trabaho , nagagandahan siya sa leeg, naging karelasyon niya ito, (lesbian relationship). Ngyinit namuhi dito ng palihim ng malamang bukod sa kanya ay may iba pa. At sa ibang ito gandang-ganda naman siya sa mahahabang legs. May isang lalaki siynag kinahumalingan na nakita lang niya habagn tumatawid ng daan. Sinundan sundan niya ay naobsessed pa dito. Gandang ganda siya sa mga kamay nito. Sa isang lalakeng nakatagpo niya sa kung saan ay dinala niya ito sa bahay niya dahil gandang ganda siya sa katawan.

 

Dahil lahat ng pinagkatiwallan niyang tao ay hindi naman pala tunay niyang kaibigan. Pinatay niya lahat ito at pinutol-putol ang mga nakahalingang parte at tinahi at pinagdugtong dugtong. Parang modern Frankenstein.  nang mabuo na ay nais niyang titigan siya ngunit wala itong mata kaya dinukot niya ang isang mata niya at pilit isiniksik sa nabuong kaibigan. Habagn nawawalan siya ng malay ay naramdaman niyang gumalaw ang kamay payakap sa kanya hanggang sa siya'y mamatay ng may ngiti.

Hayyyyyy, paghahanap ng kaibigan, meron pa bang tunay?

Posted by kikomontesena at 04:55 PM | 1 comments