February 10th, 2010
tikiman na
Maanghang ka ba?
PATIKIM
Book Launching ng Patikim ni Mark Angeles
February 19, 2010, 6-9pm
Conspiracy Bar, Visayas Ave., Quezon City
Maanghang ka ba?
PATIKIM
Book Launching ng Patikim ni Mark Angeles
February 19, 2010, 6-9pm
Conspiracy Bar, Visayas Ave., Quezon City
First ( binasa sa CCP's Word jam 2009)
Ni Francisco Montesena, 6/19/06
Bakit may mga taong naniniwala
sa first love, first sight, first kiss
at kung anu-ano pang first?
Wala naman sigurong masama
kung ang minahal mo at nagmahal sa iyo
ay pangalawa o pang-sampu. Silang mga nagdaan
at naglaan ng pag-ibig sa isang simpleng tulad mo.
Isa na rin namang malaking kayamanan
kung manalo ka ng second o third prize sa lotto di ba?
O pasahan ng iyong mayamang pinsan
ng pinagsawaan niya ngunit signature na lonta.
Ganyan din naman sa pag-ibig. Hindi mo na susuriin
kung ikaw ang una o naka-una
basta nakajackpot ka kung sagutin ka niya.
Eh! usong-uso nga ngayon ang ukay-ukay;
Pagpapatunay na , second hand man, o third o fourth hand,
may mapipili ka pa ring mapapakinabangan mo
sa mahabang panahon.
Kung sinusuwerte nga, kahit sa ukay,
may mapipili ka pang brand new at may tag price.
Madalas, hindi ka na rin mag-iisip kung maydala bang sakit,
Kahit pa may meningo pa ang ukay-ukay mong napili.
Pareho rin yan sa pag-ibig,
kahit saan pang pusali ang napili mong kasamahin,
may espasyo pa rin sa pagbabago.
sa pag-aasawa kahit pa nga di sila ang unang bf or gf
ng naging mga asawa nila. Ang mahalaga lang naman,
sino ang laman ng puso natin ngayon.
Sino ang nagmamahal sa atin ngayon,
Sino ba ang kasama natin ngayon?
At kapag nasagot natin iyan ng taimtim,
Saka natin mapapansin,
Wala sa una ang totoong jackpot.
UBOD New Authors Named
The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Ateneo Institute for Literary Arts and Practices (AILAP) have finalized the list of accepted new authors for the project entitled UBOD: The New Authors Series II. This creative endeavor had its first inception back in 2005, when the chapbooks of forty (40) new authors from different parts of the country were launched at the Cultural Center of the Philippines.
For this year, fourteen (14) authors from different regions were chosen to have their literary works published as chapbooks. These new authors are: Sherma Espino Benosa (Short story, Iluko), Aida Campos Tiama (Poetry, Iluko), Christoffer Mitch Cerda (Short Story, Tagalog), Mar Anthony Simon dela Cruz (Short Story, Tagalog), Marlon Hacla (Poetry, Tagalog), Francisco Arias Montesena (Poetry, Tagalog), Jerome Hipolito (Poetry, Bikol), Adrian V. Remodo (Poetry, Bikol), Jay Gallera Malaga (Poetry, Hiligaynon), JV Perez (Short Story, Hiligaynon), Leonilo Lopido (Poetry, Waray), Phil Harold Mercurio (Poetry, Waray), Janis Claire B. Salvacion (Poetry, Waray), and Noel P. Tuazon (Poetry, Binisaya-Sugbuanon).
The authors were selected by a prestigious pool of readers/editors/translator
For inquiries, please contact the AILAP Director and UBOD Project Coordinator, Ms. Christine Bellen, at telephone number 426-6001 local 5320, or email csbellen@yahoo.com
Sa Aming Mga Naiwan
Mapapalampas pa marahil natin kung hagipin ng kamatayan ang isa o dalawa ng magkasabay at panandalian. Ngunit kung
Paano ang mga nadamay lamang sa walang kabuluhang dilim, ang mga dapat ay wala doon? Paano ang mga nangako ng pagbabalik? Ang mga anak na humingi ng pasalubong,? Hindi ito taga sa panahong nakaukit na ang oras sa kasaysayan. Ito ay kalunus-lunos na sakit, higit pa sa kanser na patuloy na sinasaliksik ang kagamutan. Dahil bawat karahasan ay nagiging pananggalang ng mga nauumay sa kapangyarihan. At ito’y walang lunas – ang pagkadayukdok sa lakas, sa pwersa, sa tapang, sa pangalan. Mapapalampas pa marahil natin kung nais nilang magtago’t bumalik sa sinapupunan ng kanilang mga ina. Ngunit ang patuloy na pagsisinungaling gayung nagsasalita ng malinaw ang bawat ebidensya – nagtuturo sa pagkakakilanlan nilang mga sukab, ay sukat na di magkakasya sa parisukat na silid ng ating pagpapatawad.
Dahil ngayon, tayong lahat ay nasa abnormal na katayuan, hindi tumitingin ng katwiran ang tulad nating naiwan. Mainam pang ipakita kahit man lamang ang daliri ng katarungan; Ito’y maaaring sapat nang pampalubag-kalooban.
Dahil sa dami ng mga kamag-anak ko, kapatid, pamangkin, bayaw, hipag, ay naging magastos ang xmas na ito. gayunpaman nagawa ko namang magbigay ng mga regalo sa kanilang lahat. At ang mga nakuha ko naman ay sulit na sulit din:
1 oakley titanium series mula sa pamangkin kong si Crisian sa Amerika
2. compaq laptop, kahit di brand new, wide screen series, mula sa pamangkin kong si Cai-cai
3. mga damit mula sa mga kapatid ko
4. mga samut-saring gmait mula sa bolpen, baso, tuwalya, bag at iba pa.
truly nakakatuwang makatanggap, at magbigay sa lahat.
Di pa tapos ang holidays at marami pa tyak akong matatanggap. yehehehey, nagbabalik ako sa pagkabata lagi tuwing pasko.